Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan

  • Home
  • Philippines
  • Angeles City
  • Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan

Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan "𝑴𝑨𝑺 𝑳𝑨𝑳𝑼 𝑻𝑨𝒀𝑨 𝑷𝑨 𝑷𝑼𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑳𝑨𝑩𝑼𝑵𝑮𝑨𝑵 𝑰𝑵𝑮 𝑪𝑼𝑨𝒀𝑨𝑵"

04/09/2026

MGA KABARANGAY!

LISENSIYANG ABOT KAYA 💳

Date: SEPTEMBER 5-6, 2026
Time: Saturday & Sunday, 8:00 AM – 2:00 PM
Venue: CUAYAN BARANGAY HALL

• Student Permit (kasama na: Seminar, Theoretical Driving Course)
• Non-Pro at Pro Application
• Add Code
• Renewal

REQUIREMENTS for Student Permit:
• PSA/NSO Birth Certificate
• 1 Valid Government ID

With appearance

Huwag nang palampasin ang pagkakataon para makakuha ng lisensya.

🏠💉 House-to-House sa Villa Czarina MR SIAIsinagawa po ang House-to-House Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization ...
04/09/2026

🏠💉 House-to-House sa Villa Czarina MR SIA

Isinagawa po ang House-to-House Measles-Rubella (MR) Supplemental Immunization at Vitamin A Supplementation sa Villa Czarina MR SIA kahapon September 3, 2026 bilang bahagi ng programang Ligtas Tigdas.

Layunin nito na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas at rubella at makatulong sa pagpapanatili ng kanilang mabuting kalusugan. 💜

Maraming salamat sa ating mga masisipag at dedikadong Barangay Health Workers na patuloy na umiikot at naglilingkod sa ating mga kabarangay:

👏 Myra Claveria Melad - Rural Health Midwife
👏 Monica Ponce
👏 Josephine Dela Peña
👏 Aileen Lansang
👏 Judith Atentido
👏 Rosalina Mallari

Sa kabila ng init, ulan at pagod, tuloy-tuloy ang pag-abot ng serbisyo bahay-bahay para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga kabarangay.





🦟 ANTI-DENGUE FOGGING OPERATION, ISINAGAWA NGAYONG ARAWPatuloy ang ating pagkilos para mapanatili ang kaligtasan ng atin...
01/09/2026

🦟 ANTI-DENGUE FOGGING OPERATION, ISINAGAWA NGAYONG ARAW

Patuloy ang ating pagkilos para mapanatili ang kaligtasan ng ating mga kabarangay. Isinagawa ngayong araw ang anti-dengue fogging operation bilang bahagi ng ating preventive measures laban sa pagdami ng lamok na maaaring magdala ng dengue.

Sa pangunguna ni Kap. Hon. Ulyssis Lumanlan, patuloy nating ginagawa ang mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya sa ating barangay.

🙏 Maraming salamat kay Kagawad Edwin Babagwa David, na siyang personal na nag-operate ng fogging machine, sa kanyang oras, pagsisikap at dedikasyon para sa kaligtasan ng ating mga kabarangay.

Taos-puso rin ang ating pasasalamat kay Kagawad Armando Agapito Cano at sa ating mga masisipag na BPATs sa kanilang tulong at pakikiisa upang maging maayos at matagumpay ang isinagawang fogging operation.

Paalala sa lahat: Panatilihing malinis ang ating paligid at iwasan ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig upang mapigilan ang pagdami ng lamok.




Maligayang Kaarawan, Edgardo Duriano - Bantay Bayan!Bilang bahagi ng patuloy na serbisyong may puso at malasakit, person...
01/09/2026

Maligayang Kaarawan, Edgardo Duriano - Bantay Bayan!

Bilang bahagi ng patuloy na serbisyong may puso at malasakit, personal na nagkaloob ang ating butihing Punong Barangay na si Kap. Ulyssis “Popoy” Lumanlan ng ₱1,000 cash gift bilang munting handog at pagbati sa kaarawan ni Duri.

Nawa’y magsilbi itong paalala na ang Barangay ay laging handang umalalay at makiisa sa bawat mamamayan.

Maligayang kaarawan at nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal.




📢 MAGANDANG BALITA, MGA KABARANGAY!Sa inisyatiba ng ating butihing Kapitan Hon. Ulyssis Lumanlan, magkakaroon po ng pagh...
01/09/2026

📢 MAGANDANG BALITA, MGA KABARANGAY!

Sa inisyatiba ng ating butihing Kapitan Hon. Ulyssis Lumanlan, magkakaroon po ng paghakot ng basura ngayong araw.

🗑️ May papasok na private hauler ngayong 2:00 PM upang hakutin ang mga basura sa Mainroad, Poinsettia Avenue/Baguin Road.

Kaya naman, sa mga kabarangay na nakatira o may basurang kailangang ilabas sa Mainroad, maaari na po ninyong ilabas dahil kukunin po ng private hauler ngayon 2pm.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na pagsunod sa tamang pagtatapon ng basura. Sama-sama po nating panatilihing malinis at maayos ang ating barangay. 💚

-KAP. ULYSSIS LUManLAN
Barangay Captain

📢 Mensahe ni Kap. Ulyssis Lumanlan Araw-araw, bago magsimula ang trabaho sa ating barangay, nagbibigay ng maikling mensa...
01/09/2026

📢 Mensahe ni Kap. Ulyssis Lumanlan

Araw-araw, bago magsimula ang trabaho sa ating barangay, nagbibigay ng maikling mensahe ang ating butihing Kapitan, Hon. Ulyssis Lumanlan, upang gabayan at palakasin ang ating mga kawani sa kanilang paglilingkod sa mga kabarangay.

Isa sa kanyang patuloy na binibigyang-pansin ay ang problema sa basura. Nangako ang ating Kapitan na gagawan ng paraan upang matugunan ito at hindi niya pababayaan na matambakan ng basura ang ating mga tahanan.

Patuloy po tayong humihingi ng inyong pang-unawa, pakikiisa at disiplina habang inaayos natin ang sitwasyon. Sama-sama nating haharapin at lulutasin ang problemang ito. 💪




📢 ABISO SA LAHAT NG KABARANGAYMagandang araw po, mga kabarangay!Ayon po sa abiso mula sa Eco Protect Management Corp. (E...
01/09/2026

📢 ABISO SA LAHAT NG KABARANGAY

Magandang araw po, mga kabarangay!

Ayon po sa abiso mula sa Eco Protect Management Corp. (EPMC), pansamantala pong SARADO ang EPMC Sanitary Landfill ngayong Martes, Setyembre 1, 2026, dahil sa matinding pag-ulan, pagbaha sa mga daanan at isinasagawang rehabilitation ng pasilidad.

Dahil dito, mangyari po lamang na huwag munang maglabas o magtapon ng basura sa mga pick-up point hanggang sa muling ipagbigay-alam ng ating barangay.

🙏 Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa at disiplina. Sama-sama po nating panatilihing malinis at ligtas ang ating barangay.

— Kap. Ulyssis Lumanlan




📢 MAHALAGANG ABISO SA LAHAT NG KABARANGAYMagandang gabi po, mga kabarangay!Nakikiusap po kami na HUWAG MUNA MAGLABAS O M...
31/08/2026

📢 MAHALAGANG ABISO SA LAHAT NG KABARANGAY

Magandang gabi po, mga kabarangay!

Nakikiusap po kami na HUWAG MUNA MAGLABAS O MAGLAGAY NG BASURA sa mga designated pick-up point hanggang wala pa pong bagong abiso mula sa Barangay.

Hanggang sa oras na ito, SARADO PA RIN ang EPMC Sanitary Landfill sa Porac, Pampanga, kaya hindi pa maaaring maihatid at maitapon nang maayos ang ating mga basura.

🙏 Muli po naming hinihiling ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Hintayin po muna ang opisyal na anunsyo bago maglabas ng basura upang maiwasan ang pagtatambak, pagkalat at mabahong amoy sa ating mga pick-up point.

Kung may makita po kayong nagtatapon o naglalagay ng basura sa mga pick-up point, mangyaring i-report agad sa Barangay upang maaksyunan.

⚠️ Paalala: Ang sinumang mahuhuling lumalabag at ilegal na nagtatapon ng basura ay maaaring mapagmulta alinsunod sa umiiral na ordinansa ng Barangay/Lungsod.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, disiplina at pakikiisa. Sama-sama nating panatilihing malinis at maayos ang ating barangay. 🙏

- Kap. Ulyssis Lumanlan




Address

Brgy. Cuayan
Angeles City
2009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Telephone

+639513176448

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kap. Ulyssis Lumanlan - Barangay Cuayan:

Shortcuts

Share