Barangay Margot Information Office

Barangay Margot Information Office Official page and source of information and advisories of Barangay Margot

SEASON 3 IS FINALLY HERE! Handa na ba kayong magpasiklab sa MARGOT SK CUP 2026 Softball Slowpitch League?Ihanda na ang i...
03/08/2026

SEASON 3 IS FINALLY HERE! Handa na ba kayong magpasiklab sa MARGOT SK CUP 2026 Softball Slowpitch League?

Ihanda na ang inyong bats, gloves, at lalong-lalo na ang inyong Official Team Lineup!

Ipadala lang ang listahan ng inyong players kina:
SK Jhemel Roque
Kag. Reggie David

IMPORTANT: Hanggang August 23, 2026 na lang po ang submission, kaya 'wag nang patumpik-tumpik pa!

Sino ang tatanghaling bagong kampeon ngayong Season 3? Tag mo na ang team members mo sa comments!

MABUHAY ANG CCA CLASS OF 2026!Taos-pusong bumabati ang Sangguniang Barangay ng Margot sa lahat ng ating mga bagong nagta...
31/07/2026

MABUHAY ANG CCA CLASS OF 2026!

Taos-pusong bumabati ang Sangguniang Barangay ng Margot sa lahat ng ating mga bagong nagtapos sa City College of Angeles (CCA)!

Maraming salamat sa inyong pagsusumikap! Ang inyong tagumpay ay isang malaking karangalan at inspirasyon sa ating buong barangay. Nawa’y maging daan kayo ng magandang pagbabago at tagumpay sa inyong mga napiling larangan.

Muling pagbati at tagumpay sa inyong kinabukasan! Congratulations!

Libreng Family Planning Services (BTL at Vasectomy), Handog sa Margot Health Center sa Oktubre 20–21, 2026ANGELIES CITY ...
24/07/2026

Libreng Family Planning Services (BTL at Vasectomy), Handog sa Margot Health Center sa Oktubre 20–21, 2026

ANGELIES CITY — Upang mas mapalakas ang kamalayan sa kalusugan ng pamilya at suportahan ang mga mag-asawa sa pagpaplano ng kanilang kinabukasan, magkakaroon ng Free Family Planning Services ngayong darating na Oktubre 20–21, 2026.

Ang naturang programa ay naglalayong maghatid ng libre, ligtas, at de-kalidad na mga serbisyong pangkagalingan para sa mga kababaihan at kalalakihan sa pamayanan.

Mga Libreng Serbisyong Ipagkakaloob:
Bilateral Tubal Ligation (BTL) – Libreng serbisyo para sa mga kababaihan.

Vasectomy – Libreng serbisyo para sa mga kalalakihan.

Detalye ng Kaganapan:
Petsa: Oktubre 20–21, 2026

Kailan/Sistemang Susundin: First Come, First Served

Lugar: To Be Announced (Iaanunsyo sa mga susunod na araw)

Paano Magparehistro at Magtanong?
Para sa mga gustong mag-inquire, magparehistro, o kumuha ng karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin lamang ang Margot Health Center.

Planuhin ang pamilya, protektahan ang kinabukasan!

MGA KABARANGAY!LISENSIYANG ABOT KAYA 💳Date: AUGUST 1, 2026Time: 8:00 AM - 2:00 PMVenue: MARGOT BARANGAY HALL • Student P...
24/07/2026

MGA KABARANGAY!

LISENSIYANG ABOT KAYA 💳

Date: AUGUST 1, 2026
Time: 8:00 AM - 2:00 PM
Venue: MARGOT BARANGAY HALL

• Student Permit (kasama na: Seminar, Theoretical Driving Course)
• Non-Pro at Pro Application
• Add Code
• Renewal

REQUIREMENTS for Student Permit:
• PSA/NSO Birth Certificate
• 1 Valid Government ID

With appearance

Huwag nang palampasin ang pagkakataon para makakuha ng lisensya.

A successful community clean-up drive made possible through the teamwork and dedication headed by Punong Barangay Domind...
11/07/2026

A successful community clean-up drive made possible through the teamwork and dedication headed by Punong Barangay Domindor A. Lising, Jr. with Kagawad Jessa A. Bermil, the BPATs, our hardworking street sweepers, and the BAMADECA TODA tricycle drivers.

Thank you to everyone who volunteered their time and effort to help keep Barangay Margot clean, safe, and beautiful. Together, we can build a healthier and more environmentally responsible community.

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗿𝗴𝗼𝘁!Isang mahalagang kasunduan ang opisyal nang pinirmahan n...
09/07/2026

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗿𝗴𝗼𝘁!

Isang mahalagang kasunduan ang opisyal nang pinirmahan ng Barangay Margot Council, sa pangunguna ng ating Kapitan, Hon. Dominador A. Lising Jr., ito ay ang Agreement to Sell para sa procurement ng Right of Way mula sa mga nasasakupan na lupa ni G. Lorenzo B. Mccran.

Taos-pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng barangay sa pamilyang McCrann sa kanilang pakikipagtulungan.

The Deca Clark Home Owners Association Phase VII–XI, headed by Ms. Lalaine Imperial, together with the HOA officers, pai...
09/07/2026

The Deca Clark Home Owners Association Phase VII–XI, headed by Ms. Lalaine Imperial, together with the HOA officers, paid a courtesy call to the Margot Barangay Council led by Punong Barangay Dominador A. Lising, Jr.

The meeting discussed important community concerns, including security and peace and order, cleanliness and garbage collection, the bridge in Deca Clark, concerns regarding the tricycle association and Maxim riders for the safety and security of residents, and strengthening unity and cooperation between the Barangay Council and the Homeowners Association.

Together, we remain committed to building a safer, cleaner, and more united community.

Gulayang Ligtas at Abot-kaya sa Barangay!Ginanap ngayong araw ang pagsasanay ng ating mga Barangay Staff ukol sa Hydropo...
07/07/2026

Gulayang Ligtas at Abot-kaya sa Barangay!

Ginanap ngayong araw ang pagsasanay ng ating mga Barangay Staff ukol sa Hydroponics at Organic Fertilizer Making, sa paggabay ng City Agriculture Office. Sa pamamagitan ng makabagong paraan ng pagtatanim kahit walang malawak na lupa, mas mapapalakas pa natin ang programang pang-nutrisyon at kalikasan sa ating komunidad. Abangan ang mga susunod na demo farms sa ating barangay!

Isang courtesy call at Purok Kalusugan orientation ang idinaos sa pagitan ng DOH at ni Kap. Dominador A. Lising, Jr. at ...
07/07/2026

Isang courtesy call at Purok Kalusugan orientation ang idinaos sa pagitan ng DOH at ni Kap. Dominador A. Lising, Jr. at Margot Barangay Council upang pag-usapan ang implementasyon ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activities (MR-SIA) na ikakasa ngayong Agosto 10–28, 2026.

Nagpaabot ng buong suporta ang lokal na pamunuan kay Ms. Rolelai Yambao Capulong (DOH Development Management Officer) para sa mas malawak at epektibong pagbabakuna sa buong barangay.

Magkaisa tayo para sa ligtas at malusog na bukas ng ating mga kapurok!

HAPPY BIRTHDAY! ❤️🎉Pagbati po ng Maligayang Kaarawan sa ating mga Seniors Citizen na nagdiwang ng kaarawan sa buwan ng H...
07/07/2026

HAPPY BIRTHDAY! ❤️🎉
Pagbati po ng Maligayang Kaarawan sa ating mga Seniors Citizen na nagdiwang ng kaarawan sa buwan ng Hunyo.

Personal pong nag-abot ng cash incentives sa ating mga seniors citizens si Kap. Dominador A. Lising Jr. para sakanilang nagdaang kaarawan ngayon araw.

Maligayang Kaarawan po mga Lolo at Lola! 🎉

Address

Barangay Margot
Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Margot Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share