02/12/2025
303CDC, 3RCDG Pinalalakas ang Kakayahan ng mga Reservist sa Information Operations
Pampanga — Isang makasaysayang hakbang ang isinagawa ng 303rd Community Defense Center, 3RCDG, RESCOM, Philippine Army sa pamumuno ni MAJ ERWIN LAHOT (INF) PA alinsunod sa utos ni COL VICENTE EDGARDO C DE OCAMPO INF (GSC) PA, Group Commander, 3RCDG na naka angkla sa directiba ng RESERVE COMMAND PHILIPPINE ARMY na pinamumunuuan ni MGEN RONALD JESS S ALCUDIA PA sa pagpapaigting ng kakayahan ng ating Reserve Force na mkipag ugnayan sa Land Component Command para sa "TRAINED YOUR OWN RESERVE CONCEPT". Sa dalawang-araw na Combat Photography at News Writing Training noong 28–29 Nobyembre 2025 sa RBP Farm and Resort, Concepcion, Tarlac, hinubog ang mga reservist ng 303rd Ready Reserve Infantry Battalion at piling Advanced ROTC cadets mula Pampanga upang maging modernong mandirigma at tagapagsalita ng katotohanan.
Ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na misyon ng Army na bumuo ng isang agile, mission-ready, at information-savvy na reserve component, handang hindi lamang sa taktikal na labanan kundi sa pagmomolde ng tamang pananaw ng publiko sa pamamagitan ng totoo at responsableng impormasyon.
Isa sa pinakapundamental na bahagi ng programa ang Ethics in News Writing, na pinangunahan ni Prof. Sonia M. Capio, MMC. Dito, itinuro ang kahalagahan ng katotohanan, katumpakan, at katarungan sa bawat komunikasyon ng militar—mga prinsipyong pundasyon sa pagpapanatili ng integridad at kredibilidad ng Armed Forces.
Nagturo naman ang DPAO, 7ID, PA sa pangunguna ni LTC Rogelio Dumbrigue Jr. ng mga kasanayan sa combat photography, news writing, TV reporting, social media operations, at West Philippine Sea IEC. Sa panahon ng mabilisang daloy ng impormasyon, ang tamang dokumentasyon at real-time reporting ay nagsisilbing sandata sa paghubog ng tamang pananaw ng publiko at pagtatanggol sa pambansang soberanya.
Sa praktikal na bahagi, isinagawa ng mga reservist at cadets ang photo documentation at paggawa ng mission-focused news outputs, na nagbibigay-daan upang mailapat agad ang natutunan sa aktwal na larangan. Kasama rin ang detalyadong briefing sa mga isyung pambansa sa West Philippine Sea, na nagpapaalala ng kanilang papel bilang tagapagtanggol ng bayan sa parehong pisikal at impormasyong larangan.
Binibigyang-diin ni Maj Lahot ang makasaysayang kahalagahan ng programang ito: “Sa pagpapalakas ng kakayahan ng ating kabataan at mga reservist sa komunikasyon, hindi lamang natin sila hinuhubog bilang mandirigma sa lupa—kundi bilang tagapagsalita ng katotohanan, tagapangalaga ng kredibilidad, at haligi ng pambansang seguridad sa bagong panahon.”
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, muling ipinapakita ng 303CDC ang kanilang pangako sa pagbibigay-handa sa susunod na henerasyon ng mga komunikador ng Army—mga laang-kawal na hindi lamang handa sa digmaan, kundi sa pagtatanggol ng katotohanan, tiwala ng publiko, at kasaysayan ng ating bayan.