Cheska Conese-Tubig

Cheska Conese-Tubig Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cheska Conese-Tubig, Political organisation, Lourdes Sur East, Angeles City.

Sa init ng araw noong Lunes Santo, nagbahagi ng bottled water sa dalawang PABASA sa Brgy. Lourdes Sur East sina Chesca C...
16/04/2026

Sa init ng araw noong Lunes Santo, nagbahagi ng bottled water sa dalawang PABASA sa Brgy. Lourdes Sur East sina Chesca Conese Tubig at ang kanyang tito na si SK Chairman Hon. Verano Santos Conese.

Isang simpleng gawain na may dalang tunay na malasakit—para makapagbigay kahit kaunting ginhawa at maipadama na may nagmamalasakit sa bawat kabarangay.

Matagumpay na naisagawa ang Voter Registration Assistance na pinangunahan ni Chesca Conese Tubig sa NewPoint, na naglala...
10/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang Voter Registration Assistance na pinangunahan ni Chesca Conese Tubig sa NewPoint, na naglalayong matulungan ang ating mga ka-brgy sa maayos at mabilis na proseso ng pagpaparehistro bilang botante. Kasama rin sa pag-assist sina Kagawad Doro Conese, Mr. Noel Nuqui, at Mr. Amiel Dela Cruz na naging katuwang sa pagseserbisyo sa ating mga ka-brgy.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nagtiwala sa serbisyong ito.

Para naman sa mga hindi pa nakapagpa-assist o nais pang magpatulong sa kanilang voter registration, bukas pa rin po ang aming tanggapan upang kayo ay gabayan. Huwag po kayong mag-atubiling mag-chat o mag-message dito sa aming page upang kayo ay aming matulungan. Sama-sama po nating tiyakin na bawat boses ay maririnig! 🤍💙❤️💛

APRIL 1, 2026 | Semana SantaBilang pakikiisa sa banal na paggunita ng Semana Santa, nagbahagi ng rosary bracelets si Che...
05/04/2026

APRIL 1, 2026 | Semana Santa

Bilang pakikiisa sa banal na paggunita ng Semana Santa, nagbahagi ng rosary bracelets si Cheska Conese-Tubig sa mga namamanata bilang pagpapakita ng pakikiisa sa kanilang pananampalataya at debosyon, kasama ang kanyang Tito na si SK Chairman Hon. Verano Santos Conese na patuloy na nagsusulong ng mga gawaing may malasakit sa komunidad.

Simpleng handog, pero galing sa puso—paalala ng pananalig, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa. Nawa’y maging inspirasyon ito sa bawat isa na patuloy gumawa ng kabutihan.

03/04/2026
April 1, 2026 — Kahapon, nakiisa si Cheska Conese-Tubig sa isinagawang pakain ng Sangguniang Kabataan ng Lourdes Sur Eas...
02/04/2026

April 1, 2026 — Kahapon, nakiisa si Cheska Conese-Tubig sa isinagawang pakain ng Sangguniang Kabataan ng Lourdes Sur East. Buong puso siyang tumulong sa paghahanda ng mga ipapamahaging pagkain para sa Pabasa 2026, bilang bahagi ng pag-alalay sa ating mga kabarangay na nakikibahagi sa banal na gawain ngayong Semana Santa.

Sa nasabing programa, nagbigay din siya ng donasyon na libreng siomai at sherbet kasama ang kanyang lolo na si Kagawad Doro Conese. Ang kanilang kabutihang-loob ay patunay ng tunay na diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi sa komunidad.

Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at suporta ng bawat isa. Nawa’y magsilbing inspirasyon ito upang mas lalo pa nating palakasin ang bayanihan at pagmamalasakit sa ating kapwa.

Nakiiisa si Cheska Conese-Tubig sa isinagawang paglilinis ng mga covered court sa mga paaralan sa Lourdes Sur East bilan...
30/03/2026

Nakiiisa si Cheska Conese-Tubig sa isinagawang paglilinis ng mga covered court sa mga paaralan sa Lourdes Sur East bilang paghahanda para sa gaganaping graduation at recognition bukas.

Kasama ang Team MK Dopya Reyes—sina SK Chairman Verano Santos Conese, Kag. Rose Paras, Kag. Arjoe Phoe Pangan, at Kag. Doro Conese, kasama sina Mr. Noel Nuqui, Mr. Bon Mangulabnan, at Mr. Bbone Manalang—na nagkaisa para masigurong maayos, malinis, at handa ang venue para sa ating mga estudyante.

Kaagapay rin ang Lion Fire and Rescue na walang sawang sumusuporta sa mga gawaing pangkomunidad. Tunay na bayanihan para sa tagumpay ng kabataan. 🤍💙❤️💛

Address

Lourdes Sur East
Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cheska Conese-Tubig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share