22/08/2026
August 22, 2026 | GVS Phase 3 Court
Maraming salamat, mula sa puso, sa lahat ng Lolo at Lola ng Mahabang Parang na dumalo, nakisaya, at nakibahagi sa ating munting selebrasyon ng inyong Senior Citizen Day. ❤️
Isa na namang matagumpay at makabuluhang event ang ating naisakatuparan—isang araw na sana ay nakapagparamdam sa ating mga senior citizens na mahalaga sila, hindi nakakalimutan, at bahagi sila ng komunidad na patuloy na nagmamalasakit sa kanila.
Sa buong hanay ng Team LARGA Mahabang Parang, isang mahigpit na yakap sa ating lahat. 🤗 Nairaos na naman natin ang isang event na puno ng serbisyo, saya, at malasakit. Makakahinga na tayo nang maluwag… kahit sandali lang! 😂 Alam naman nating pagkatapos nito, may panibagong ganap na naman. Ganyan talaga ang buhay-LARGA!
Sa Rescue Medic and assistance from Raccert PH, maraming salamat po sa pag-standby at pagiging handa just in case may mangailangan ng medical assistance. Malaking bagay po ang presensya ninyo para sa seguridad ng ating mga senior.
Sa PM Squad at Angels, solid talaga kayo! ❤️ Maraming-maraming salamat sa walang sawang assistance mula umpisa hanggang matapos ang event. Hindi biro ang pagod, pero hindi kayo bumitaw hanggang sa huli.
At higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat sa ating mga sponsors at supporters:
💙 Team LARGA
💙 Manlangit Family
💙 MLQ extension MiniMart
💙 Oceana Spa
💙 Kag Jen for the maintenance meds.
💙 SmartLock
💙 ARPCi
💙 DC Fiber Angono
💙 GVS Falcons
💙 CFF Water Refilling Station
At sa lahat ng volunteers, organizers, donors, service providers, at mga taong tahimik na tumulong—maraming salamat po.Bawat oras, effort, serbisyo, donasyon at simpleng pagdamay ninyo ang naging dahilan kung bakit naging espesyal at makabuluhan ang araw na ito para kina Lolo at Lola. 🥰
Pagod tayo, oo. Pero kapag nakita mong nakangiti sila at naramdaman mong napasaya mo sila kahit isang araw lang, masasabi mong worth it lahat. ❤️
Teamwork talaga. Kapag sama-sama, mas maraming nagagawa para sa ating komunidad.
Hindi lang ito event. Ito ay isang paalala na kapag sama-sama, mas maraming buhay ang naaabot at mas maraming pusong napapangiti.
Maraming salamat sa tiwala, pakikiisa, at pagmamahal.
Team LARGA, pahinga muna… deserve natin ‘yan!
Salamat, salamat. Ano kaya ang maisusugest ninyong magandang susunod na event ?😉