Vice Governor Pining Gatlabayan

Directions Contact the organization

Vice Governor Pining Gatlabayan Josefina "Pining" Gatlabayan is the incumbent Vice Governor and the Presiding Officer of the Sangguniang Panlalawigan of the Province of Rizal.

Sa araw na ito, nakisabay tayo sa pagsasabi ng “Teacher, ikaw naman!” bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Division Teac...
02/10/2026

Sa araw na ito, nakisabay tayo sa pagsasabi ng “Teacher, ikaw naman!” bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Division Teachers’ Day sa Antipolo.

Gaya ng tema ngayong taon, inilalaan natin ang araw na ito para bigyang-pugay ang ating mga magigiting na g**o at iba pang kawani ng paaralan. Maraming salamat sa inyong walang sawang dedikasyon at pagmamahal, hindi lamang sa inyong propesyon, kundi higit sa lahat sa mga mag-aaral na itinuturing na rin ninyong mga anak. 🩷

Happy World Teachers’ Day sa lahat ng ating mga g**o! 👩🏻‍🏫✨

Nagkaroon tayo ng pagkakataong makausap ang mga bagong talagang officers ng Sitio Bagong Buhay sa San Jose, Antipolo. Na...
01/10/2026

Nagkaroon tayo ng pagkakataong makausap ang mga bagong talagang officers ng Sitio Bagong Buhay sa San Jose, Antipolo. Napag-usapan natin ang kanilang kasalukuyang kalagayan, mga pangangailangan, at mga plano para sa kanilang komunidad.

Mahalaga ang ganitong pag-uusap para mas marinig natin mismo mula sa mga residente kung ano ang kanilang mga pangangailangan at kung paano tayo makakatulong sa mga susunod na hakbang. 🤝🏼

Personal nating pinaabot ang ating pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng namayapa nating kaanak na si Danilo Mata.Ma...
01/10/2026

Personal nating pinaabot ang ating pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng namayapa nating kaanak na si Danilo Mata.

Mabigat man ang ating puso sa kanyang pagpanaw, mananatili sa atin ang mga alaala at masasayang sandaling iniwan niya sa ating buhay.

Salamat sa lahat, Danny. Paalam at hanggang sa muli. 🙏🏼🕊

Idineklara ang araw na ito bilang Kainang Pamilya Mahalaga Day. Pero bago ang oras para sa pamilya, sinig**o muna nating...
28/09/2026

Idineklara ang araw na ito bilang Kainang Pamilya Mahalaga Day. Pero bago ang oras para sa pamilya, sinig**o muna nating matapos ang ating mga tungkulin para sa araw na ito. Tinalakay natin ngayon kasama ang Sangguniang Panlalawigan ang mahahalagang usapin tungkol sa kalusugan, legal concerns, at iba pang paksa sa ating Regular Session.

Mas magaan ang pagsasama ng pamilya kapag alam nating may pamahalaang patuloy na nagsisikap na tiyaking hindi lang pagkain ang pagsasaluhan natin sa hapag, kundi pati mga oportunidad at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilya. 🫂💝

Bilang 91 days na lang bago ang Pasko, tinapos natin ang araw na ito sa lighting ceremony ng ating YES Recycled Giant Ch...
25/09/2026

Bilang 91 days na lang bago ang Pasko, tinapos natin ang araw na ito sa lighting ceremony ng ating YES Recycled Giant Christmas Tree sa Kapitolyo. ✨

Simbolo ito ng tunay na diwa ng Paskong Rizalenyo. Sa disenyo nito ngayong taon, binibigyang-pugay natin ang mga natatanging dahilan kung bakit Taas Noo nating ipinagmamalaki ang bawat bayan at siyudad sa Rizal, gamit ang recycling bilang ating pangunahing adhikain.

Isang masaya at makabuluhang pagsisimula ng panahon ng Kapaskuhan! 🎄🌟

Labintatlong taon na tayong nagsasabi ng YES para sa kalikasan. Sa pagdiriwang ng ating 13th YES Anniversary, ipinagdiri...
25/09/2026

Labintatlong taon na tayong nagsasabi ng YES para sa kalikasan. Sa pagdiriwang ng ating 13th YES Anniversary, ipinagdiriwang natin ang bawat tagumpay na sama-sama nating nakamit para sa kalikasan ng Rizal.

Bawat punong naitanim at mga katubigan at kagubatang muling nabuhay ay patunay ng patuloy nating pagkilos at malasakit para sa ating kapaligiran. 🌿

Sa mga susunod pang taon, ipagpapatuloy natin ang sama-samang pagkilos para sa mas luntiang Rizal.

Happy 13th YES Anniversary! 💚

Ngayong araw, Taas Noo nating sinalubong ang mga magigiting na opisyales ng Vice Mayors’ League of the Philippines CALAB...
24/09/2026

Ngayong araw, Taas Noo nating sinalubong ang mga magigiting na opisyales ng Vice Mayors’ League of the Philippines CALABARZON para sa kanilang 5th Regular Meeting. 🤝🏼

Mahalaga ang ganitong mga pagtitipon para mapag-usapan at mapag-isa ang mga plano at hakbang ng bawat probinsya para sa mga susunod na panahon. Sa patuloy na pagtutulungan at sama-samang pagkilos, mas mapapalakas natin ang serbisyo at pag-unlad ng buong CALABARZON. ✨️

Congratulations and best wishes, Gerard and Kailin! 🤍Masaya ako na matapos ang mahabang panahon ng inyong pagsasama ay s...
22/09/2026

Congratulations and best wishes, Gerard and Kailin! 🤍

Masaya ako na matapos ang mahabang panahon ng inyong pagsasama ay sama-sama nating nasaksihan ang bagong simula ng inyong buhay bilang mag-asawa. Nawa’y patuloy kayong maging sandigan ng isa’t isa at mapuno ng pagmamahal at saya ang inyong pagsasama.

Congratulations sa inyong dalawa! 🥂

Matapos ang ating mga gawain, naglaan tayo ng oras upang dalawin at makiramay sa pamilya ng yumaong si Sister Mary Cleme...
22/09/2026

Matapos ang ating mga gawain, naglaan tayo ng oras upang dalawin at makiramay sa pamilya ng yumaong si Sister Mary Clemens Leyva. Sa ating pagbisita, muli nating binalikan ang mga alaala ng isang buhay na buong pusong inilaan sa paglilingkod sa Panginoon at sa kapwa.

Patuloy ang ating panalangin para sa kapayapaan ng kanyang kaluluwa at lakas para sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Mananatili sa ating puso ang mga kabutihan, alaala, at aral na iniwan ni Sister Clemens. 🤍

Nakiisa tayo sa pagdiriwang ng ika-454 na anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng San Mateo. Nakasama natin sina Mayor O...
21/09/2026

Nakiisa tayo sa pagdiriwang ng ika-454 na anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng San Mateo. Nakasama natin sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Roxas, Cong. Jojo Garcia, at iba pang mga opisyal at panauhin sa makabuluhang pagdiriwang na ito.

Higit sa mga taong nakasama natin ngayong araw, ipinagdiriwang din natin ang bawat taga-San Mateo na naging bahagi ng kwento at kasaysayan ng kanilang bayan. Mga mamamayan, kawani, at lahat ng patuloy na nagmamahal at naglilingkod para sa San Mateo.

Happy 454th Founding Anniversary, San Mateo! 🎉

Address

Rizal Provincial Government
Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Governor Pining Gatlabayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Vice Governor Pining Gatlabayan:

Shortcuts

Share