Dela Paz Command Center

Call Directions Contact the organization

Dela Paz Command Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dela Paz Command Center, Government Organization, NHA Avenue Sitio Broadway, Barangay Dela Paz, Antipolo.

Missing!!!Mga ka- Barangay! Baka may napansin kayong aso na nasa picture. Iyan ay nawawala, maaring ipagbigay alam sa de...
14/08/2026

Missing!!!

Mga ka- Barangay! Baka may napansin kayong aso na nasa picture. Iyan ay nawawala, maaring ipagbigay alam sa detalyeng nasa baba

Contact details ng may ari:
099 44193790
Last seen: 7:00 am

Address:Coconut palm Street Lucban Ave Brgy Dela Paz Antipolo City

Maraming Salamat ka- Barangay!

Asahan ang rotational brownout sa mga kabahayan at negosyo sa ating nasasakupang barangay. Ang dahilan โ€” manipis na supp...
14/05/2026

Asahan ang rotational brownout sa mga kabahayan at negosyo sa ating nasasakupang barangay. Ang dahilan โ€” manipis na supply ng kuryente.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagpalya ng ilang planta sa Luzon.

Maging ang Meralco, naglabas na rin ng abiso sa nakaambang rotational brownout sa mga apektadong lugar โ€” mula alas 4:01 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.

Panawagan ng Sanggunian sa mga residente ng Barangay Dela Paz, paghandaan ang nakaambang brownout. Agahan ang pagluluto ng hapunan, magcharge na rin ng mga emergency light at cellphone bago pa man mawalan ng kuryente.

๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ญ ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ-๐—•๐—”๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—ฌ๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—œ๐—จ๐— โ€œ๐™†๐™ค๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฅ๐™–, ๐™‹๐™–๐™œ-๐™ž๐™ฌ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฉ๐™–โ€Inaanyayahan ang lahat ng mamamaya...
14/05/2026

๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ญ ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—ฌ-๐—•๐—”๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—ฆ๐—ฌ๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—œ๐—จ๐— 

โ€œ๐™†๐™ค๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™™๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฅ๐™–, ๐™‹๐™–๐™œ-๐™ž๐™ฌ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฉ๐™–โ€

Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay Dela Paz na makiisa sa isang makabuluhang symposium na naglalayong mapalakas ang kamalayan ng bawat mamamayan tungkol sa mga usaping may kinalaman sa proteksyon ng kabataan, karapatan ng kababaihan, at pagpapanatili ng ligtas at mapayapang komunidad. Sa pamamagitan ng symposium na ito, hinihikayat ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagsusulong ng ligtas, suportado, at maayos na tahanan at kapaligiran para sa lahat.

๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐Ÿต:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
๐—•๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ๐˜„๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜

Mga Tatalakayin:
OSAEC Awareness
Child Protection
Violence Against Women and Children (VAWC)
Drug Awareness and Prevention

Magkaisa tayo sa pagbuo ng ligtas, maayos, at suportadong Barangay Dela Paz!



Hagip ng CCTV ang isang insidente ng pagnanakaw sa F. Asuncion St., hindi kalayuan sa punong bulwagan ng Barangay Dela P...
08/05/2026

Hagip ng CCTV ang isang insidente ng pagnanakaw sa F. Asuncion St., hindi kalayuan sa punong bulwagan ng Barangay Dela Paz.

Panawagan ni Kapitan Jeff Naval Fernan, maging listo para hindi mabiktima.

Anumang impormasyon sa kinaroroonan ng nasa litrato, mangyaring ipagbigay-alam sa lokal na pulisya. Pwede rin naman makipag-ugnayan sa barangay o sa inyong sitio chairman para sa seguridad ng ating komunidad.

M I S S I N G!!!!!Name: Imelda P. VargasAddress: 83 Taktak Rd. Brgy. Dela Paz, Antipolo CityType of Disability: Intellec...
08/05/2026

M I S S I N G!!!!!

Name: Imelda P. Vargas
Address: 83 Taktak Rd. Brgy. Dela Paz, Antipolo City
Type of Disability: Intellectual Disability

Sa mga makakakita kay Gng. Imelda p. Vargas ay maaring tawagan si Gng. Nerissa Jalmansar sa numerong 09326723258

Siya ay huling nakita sa Bagong Palengke tapat Ng Robinson Place Antipolo

Binata na kami!Ang bulalas ng nasa 200 kabataang lalaki nang โ€œMabinyaganโ€ (Matulian) sa isinagawang Libreng Tuli na hati...
16/04/2026

Binata na kami!

Ang bulalas ng nasa 200 kabataang lalaki nang โ€œMabinyaganโ€ (Matulian) sa isinagawang Libreng Tuli na hatid ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City.

Bagamat dama ang kirot, umuwing nakangiti ang mga kabataang lalaki, gayundin ang kanilang magulang.

Bitbit ang alaala hanggang sa pagtanda, isang taos pusong pasasalamat ang kanilang paabot kay Mayor Jun Ynares III, mga doktor na nangasiwa ng pagtutuli at mga kawani ng barangay na matiyagang tumulong sa natatanging araw na hudyat ng kanilang pagbibinata.

Libreng Taekwondo training sinimulan na!Sa tulong at gabay ni Philippine Taekwondo Association (PTA) Junior Master Instr...
15/04/2026

Libreng Taekwondo training sinimulan na!

Sa tulong at gabay ni Philippine Taekwondo Association (PTA) Junior Master Instructor Edaรฑo Jefferson, ganap nang sumipa ang libreng pagsasanay sa larangan ng Taekwondo.

Sa kabuuan, umabot na sa 73 kabataan ang nagpatala para sumailalim sa training na naglalayon bigyan ng kaalaman, disiplina at kasanayan sa martial arts.

Isasagawa ang pagsasanay tatlong beses isang linggo hanggang sa matapos ang 12 sessions.

Bukod pa sa kasanayan at malakas na pangangatawan, malaking bentahe rin ang aktibidad na maglalayo sa kanila sa peligrong kalakip ng droga.

Dahil madami na ang nakakalimot at sa hangarin tiyakin ang kaayusan sa ating mga lansangan, mahigpit na ipatutupad ng lo...
14/04/2026

Dahil madami na ang nakakalimot at sa hangarin tiyakin ang kaayusan sa ating mga lansangan, mahigpit na ipatutupad ng lokal na pulisya ang Safer Cities Initiative ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Jonvic Remulla, muli nating ipinaalala sa ating mga kabarangay na bawal ang pag-iinuman sa pampublikong lugar, paghuhubad ng damit pantaas sa mga lansangan, gayundin ang pag vivideoke ng higit sa alas diyes ng gabi (10 PM) at curfew sa hanay ng mga kabataan.

Batay sa DILG Memorandum 029 (series of 2026), papatawan ng multa ang mga lalabag sa panuntunan.

Panawagan ni Kapitan Jeff Naval Fernan at ng buong Sanggunian sa mga residente ng Barangay Dela Paz, sumunod sa kautusan ng pamahalaan para na rin sa kaayusan ng ating pamayanan.

31/03/2026

Address

NHA Avenue Sitio Broadway, Barangay Dela Paz
Antipolo
1870

Telephone

+639606044446

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dela Paz Command Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dela Paz Command Center:

Shortcuts

Share