25/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐) ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐๐๐
"๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐"
Matagumpay na isinagawa ng San Isidro Elementary School ang State of the School Address (SOSA) 2026 at ang Panunumpa sa Tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA), Homeroom Parents-Teachers Association (HRPTA), at Supreme Elementary Learner Government (SELG) para sa Taong Panuruan 2026โ2027.
Sa pangunguna ni ๐ด๐. ๐ด๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐ญ. ๐บ๐๐๐๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐ฝ,ibinahagi ang mga mahahalagang tagumpay, programa, hamon, at mga susunod na hakbang ng paaralan upang patuloy na maitaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang San Isidrian.
Naging bahagi rin ng programa ang pormal na Panunumpa sa Tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng SPTA, HRPTA, at SELG, na pinangunahan ni ๐ฏ๐๐. ๐ฎ๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐-๐บ๐๐๐๐ katuwang si ๐ฒ๐๐๐๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐. Ang seremonyang ito ay sumisimbolo sa kanilang pagtanggap sa responsibilidad bilang mga katuwang ng paaralan sa pagtataguyod ng kapakanan, kaligtasan, at pag-unlad ng mga mag-aaral.
Nagbigay rin ng makabuluhang talakayan si ๐ญ๐ท๐ป๐จ ๐ท๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐ด๐. ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ช. ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ tungkol sa "Roles and Responsibilities of the SPTA/HRPTA Regarding School Safety," na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga magulang at mga samahan sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan.
Mabuhay at pagbati sa lahat ng mga bagong halal na opisyal ng SPTA, HRPTA, at SELG! Nawa'y maging mabunga ang inyong panunungkulan at magsilbi kayong matatag na katuwang ng ating paaralan sa pagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at dekalidad na edukasyon para sa bawat batang San Isidrian!๐ฅณ