ANHS DRRM

Call Directions

ANHS DRRM This is the official page of Antipolo National High School Disaster Risk Reduction and Management (ANHS DRRM). Stay safe and alert, ANHSers!

This is the official FB page of Antipolo National High School Disaster Risk Reduction Management (DRRM). National, regional, and local news and updates on DRRM, weather and the like will be posted/shared here.

Mga Ka-alaga, VERY UNHEALTHY na po ang air quality sa Antipolo ngayon dahil sa haze na may kaugnayan sa forest fires sa ...
01/09/2026

Mga Ka-alaga, VERY UNHEALTHY na po ang air quality sa Antipolo ngayon dahil sa haze na may kaugnayan sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia. ๐Ÿ˜ท Kaya naman mahalagang mag-ingat tayo at limitahan muna ang paglabas at exposure sa maruming hangin hanggaโ€™t maaari.

Ang haze ay maaaring magdulot ng:
โ€ข Hirap sa paghinga
โ€ข Pag-ubo at pangangati ng lalamunan
โ€ข Pananakit o paninikip ng dibdib
โ€ข Pamumula o pangangati ng mata
โ€ข Baradong ilong
โ€ข Paglala ng asthma at iba pang respiratory conditions

Mag-ingat po tayo at sundin ang mga health reminders para maprotektahan ang ating kalusugan. Kung kailangang lumabas, N95 mask ang mas mainam na gamitin. Kung wala nito, maaaring gumamit ng double-mask bilang alternatibong proteksyon.

Lalo na pong mag-ingat ang mga bata, senior citizens, at mga may asthma o iba pang respiratory conditions.

Ingat po tayong lahat, Mga Ka-Alaga! ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ˜ท

Be Aware, Be Prepared and Be Safe mga Ka-DepEd
30/08/2026

Be Aware, Be Prepared and Be Safe mga Ka-DepEd

Bagong linggo, bagong pag-asa! Harapin natin ang mga araw na darating nang may kagalakan at tiwala sa mga biyayang naghi...
23/08/2026

Bagong linggo, bagong pag-asa!

Harapin natin ang mga araw na darating nang may kagalakan at tiwala sa mga biyayang naghihintay. Happy Monday, Ka-DepEd! โค๏ธ

KNOW THE NUMBERS. KNOW WHERE TO REACH OUT. ๐ŸšจEvery learner deserves to feel safe, heard, protected, and supported. In tim...
22/08/2026

KNOW THE NUMBERS. KNOW WHERE TO REACH OUT. ๐Ÿšจ

Every learner deserves to feel safe, heard, protected, and supported.

In times of emergency or when you need help, remember these important hotlines:

โ˜Ž๏ธ 911 โ€“ National Emergency Hotline
โ˜Ž๏ธ 1383 โ€“ MAKABATA Helpline
โ˜Ž๏ธ 1553 โ€“ NCMH Crisis Hotline
โ˜Ž๏ธ (02) 8632-1372 โ€“ Learnersโ€™ Telesafe Contact Center Helpline (LTCCH)
โ˜Ž๏ธ (02) 8525-6028 โ€“ NBI Anti-Violence Against Women and Children Division

For learner rights and protection concerns in CALABARZON, you may also reach the Learners Helpline CALABARZON at: [email protected].

Let us continue to build a safe, motivating, and child-friendly learning environment where every learner is protected and empowered.

Save this post. Share it. Someone may need these numbers when it matters most.

For more details, read:
DepEd Order No. 006, s. 2026 โ€“ Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE)






19/08/2026

Unpredictable talaga ang panahon ngayong nadagdagan pa ng global warming sa mundo at El Nino phenomenon na umiiral sa bansa na tatagal hanggang sa isang taon.

Posibleng magbago ang sitwasyon anumang oras at hindi laging eksaktong nagtutugma ang forecast (hula o pagtataya) sa actual na lagay ng panahon.

Katulad nitong nagdaang dalawang araw, masamang panahon ang inaasahan ng PAGASA base sa kanilang forecast (hula o pagtataya) pero hindi tumugma sa forecast ang naging actual na panahon kahapon pati ngayon.

Kaya maging handa palagi, anumang oras, anuman ang sabihin ng PAG ASA..

๐Ÿ‘‰ Shift muna tayo sa alternative delivery modes tulad ng online, modular, o hybrid learning dahil sa pinaka latest na PAGASA weather forecast, masamang panahon ang inaasahan dahil sa Habagat at posible pang ma-enhance ng Bagyong , dineklara ng Malacaรฑang na walang pasok ang mga ahensya ng Pamahalaan. Nangangahulugan na wala pong magtuturo sa face-to-face classes (kaya matic na na wala din pasok ang mga mag-aaral) sa lahat ng levels, sa public at private schools sa Antipolo bukas, August 20, 2026 (Thursday).

Ingat po tayong lahat, Antipolo! ๐Ÿ™๐Ÿป

๐ŸŒง๏ธ๐— ๐—š๐—” ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—š๐—”๐—ช๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก Sa panahon ng malakas na ulan, pagbaha, o iba p...
19/08/2026

๐ŸŒง๏ธ๐— ๐—š๐—” ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—š๐—”๐—ช๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ก

Sa panahon ng malakas na ulan, pagbaha, o iba pang kalamidad, kaligtasan muna bago ang lahat.

Para sa mga mag-aaral na nasa paaralan na nang ipahayag ang suspensyon ng klase, tandaan na ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—”๐—š๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—จ๐—จ๐—ช๐—œ๐—œ๐—ก ang mga mag-aaral kung patuloy na malakas ang ulan at hindi ligtas ang pag-uwi. Ang paaralan ay magsisilbing ligtas na kanlungan habang hinihintay na maging maayos at ligtas ang lagay ng panahon.

Para naman sa mga mag-aaral na papasok pa lamang at naabutan ng malakas na ulan, maaaring sumilong sa paaralan o sa pinakamalapit na ligtas na lugar. ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด, ๐—ผ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ.

๐Ÿ“Œ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ /๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ -๐š๐ฅ๐š๐ ๐š:

Ang mga magulang o tagapag-alaga ang may pangunahing pananagutan sa pagpapasya kung papasok sa klase ang kanilang mga anak, isinasaalang-alang ang kanilang pisikal at/o mental na kalagayan sa panahon ng kalamidad, kahit wala pang opisyal na kautusan para sa suspensyon ng klase, lalo na kung itinuturing nilang hindi ligtas ang pagpasok.

Gayunpaman, responsibilidad din ng mga magulang o tagapag-alaga na matiyak na makakahabol ang kanilang anak sa mga kinakailangang aralin, gawain, at mga kasanayang dapat nilang matutuhan kapag hindi nakapasok dahil sa kalamidad.

๐Ÿค Sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang kooperasyon ng paaralan, mga g**o, mag-aaral, at mga magulang upang mapanatili ang kaligtasan habang nagpapatuloy ang pagkatuto.

๐€๐ง๐  ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’๐€๐ ๐š๐ง๐  ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐š๐ฒ๐จ๐ซ๐ข๐๐š๐.

Manatiling ligtas. Manatiling handa. Huwag ipagsapalaran ang kaligtasan.

18/08/2026

Dahil sa pinakahuling PAGASA weather forecast, kung saan masamang panahon ang inaasahan dahil sa Habagat at posible pang ma-enhance ng Bagyong , WALANG PASOK ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT ng LEVELS, sa PUBLIC at PRIVATE SCHOOLS sa Antipolo BUKAS, August 19, 2026 (Wednesday).

๐Ÿ‘‰ Shift muna tayo sa alternative delivery modes tulad ng online, modular, o hybrid learning.

Paalala lang din po: ang weather forecast ay pagtataya at hindi exact science. Posibleng magbago ang sitwasyon at hindi laging eksaktong nagtutugma ang forecast sa actual na lagay ng panahon.

Katulad na lang kagabi, kung saan nagdeklara ang PAG ASA na magiging masama ang panahon ngayong araw... at sinundan pa mismo ng Malacaรฑang ng suspension ng pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaan pero naging maayos naman ang panahon ngayong araw.

Kaya maging handa palagi, lalo naโ€™t unpredictable ang panahon ngayong may global warming at El Nino.

Ingat po tayong lahat, Antipolo! ๐Ÿ™๐Ÿป

Address

Olalia Road, Brgy. Sta. Cruz
Antipolo
1870

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+6325843301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANHS DRRM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share