10/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
07 Agosto 2026
๐๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฐ๐ข ๐ง๐ ๐ ๐ญ๐๐จ๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ง, ๐๐๐ ๐ง๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐
Lubos na nakikiramay ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa pamilya ng dalawang taong gulang na batang lalaki na nasawi sa Barangay Catmon, Naval, Biliran. Nakikiisa ang CWC sa pagdadalamhati ng pamilya at nananalangin para sa kanilang lakas at kapanatagan sa gitna ng napakasakit na pangyayaring ito.
Batay sa mga ulat ng Philippine National Police (PNP), isinugod sa Biliran Provincial Hospital ang bata matapos matagpuang walang malay malapit sa kanilang tahanan noong Agosto 1, 2026. Gayunman, idineklara siyang patay pagdating sa ospital.
Ayon sa paunang imbestigasyon, umano'y pananakit ng kanyang 27-anyos na stepfather ang naging sanhi ng pagkamatay ng bata. Naaresto na ang suspek at nahaharap sa kasong murder. Patuloy naman ang imbestigasyon at proseso sa korte upang matukoy ang buong pangyayari at mapanagot ang sinumang mapatunayang may sala.
Mariing kinokondena ng CWC ang anumang uri ng karahasan laban sa mga bata. Karapatan ng bawat bata na mabuhay, lumaki sa ligtas at maayos na tahanan, at maprotektahan laban sa pang-aabuso, karahasan, pagpapabaya, at pagsasamantala. Dapat maging ligtas na lugar ang tahanan para sa isang bata. Isang lugar kung saan siya inaalagaan at pinoprotektahan, hindi isang lugar na dapat niyang katakutan.
Hinihikayat ng CWC ang mga magulang, tagapag-alaga, mga komunidad, at mga kinauukulang ahensya na maging mapagmatyag sa anumang senyales ng pang-aabuso o karahasan nararanasan ng mga bata. Mahalagang agad na iulat ang anumang kahina-hinalang sitwasyon upang mabilis na mabigyan ng proteksyon at tulong ang mga batang maaaring nasa panganib.
Kung may nalalaman kayong insidente o sitwasyong maaaring may kinalaman sa pang-aabuso o panganib sa isang bata, maaaring makipag-ugnayan sa CWC MAKABATA Helpline 1383, na maaaring tawagan 24/7, sa pamamagitan ng mga sumusunod:
๐ Tumawag sa 1383
๐ถ Smart: 0919-354-1383 | Globe: 0915-802-2375
๐ฌ Magpadala ng mensahe sa Makabata Helpline 1383 sa Facebook at Instagram
๐ฉ Email: [email protected]
๐ฑ Mag-ulat sa DICT eGov Super App sa pamamagitan ng pagpili sa "Child Abuse"
Ang maagap na pag-uulat ay nakatutulong upang agad na maipatupad ang mga kaukulang child protection mechanisms at support services para sa mga batang nangangailangan ng agarang tulong.
Walang batang dapat maging biktima ng karahasan. Ang pangangalaga at pagprotekta sa bawat bata ay isang sama-samang pananagutan na nangangailangan ng patuloy na pagmamalasakit, pagbabantay, at pagkilos ng bawat isa.