27/05/2023
ANNOUNCEMENT!!
Ipinababatid ng PSA-Philsys, na maaari na kayong mag request ng REPLACEMENT ng inyong NATIONAL ID kung nabura ang larawan o mga detalye nito. Pumunta lamang sa ating Registration Center sa munisipyo ng Apalit sa tabi ng Basketball Court.
Dalhin lamang ng nagmamay-ari ng ID ang mga sumusunod:
1. NATIONAL ID ninyo na nais ninyong mapalitan.
2. Transaction Slip o 'yung letter na nasa sobre kasama ng inyong National ID(kung mayroon pa)
PAALALA: Ang mga National ID na may naburang information pa lamang po ang maaari nating palitan. Hindi pa po pwede palitan ang mga National ID may maling information.
At marapat na ang may-ari ng ID ang magsadya sa ating opisina sapagakat may pipirmahan pa po.
Maraming salamat po!