COMELEC Aparri - Cagayan

COMELEC Aparri - Cagayan Vox populi, vox dei! | Ito ang OPISYAL na page ng COMELEC Aparri, Cagayan, Region 02.

ABISO PUBLIKO I SARADO ang COMELEC Aparri mula Agosto 12-14, 2026 (Miyerkules hanggang Biyernes) sa kadahilanang dadalo ...
11/08/2026

ABISO PUBLIKO I SARADO ang COMELEC Aparri mula Agosto 12-14, 2026 (Miyerkules hanggang Biyernes) sa kadahilanang dadalo ang Election Officer at Election Assistant sa Team Building Activities (TBA) at GAD Seminar ng COMELEC Cagayan sa Santa Ana, Cagayan.

Lahat ng kukuha ng Voter's Certification na Aparriano ay inaanyayahan na pumunta na ngayong araw sa opisina, hanggang 5:00 PM lamang.

Manatiling nakatutok sa mga updates ng COMELEC Aparri.

ANUNSIYO PUBLIKO | 50 araw na lang bago ang filing of Certificate of Candidacy (COC)!Nakatakda ang filing of COC sa Sety...
09/08/2026

ANUNSIYO PUBLIKO | 50 araw na lang bago ang filing of Certificate of Candidacy (COC)!

Nakatakda ang filing of COC sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 05, 2026, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, NO NOON BREAK.

Mahalagang paalala: Kinakailangan nang i-attach ang BIRTH CERTIFICATE na galing sa Philippine Statistics Authority (PSA) man o Local Civil Registry (LCR).

Samantala, naitala naman na ang 2026 BSKE ay gaganapin sa Nobyembre 02, 2026.

TINGNAN | Provincial Employeesโ€™ Union (EU) President in Action!Opisina ng Provincial Election Supervisor, San Gabriel, T...
08/08/2026

TINGNAN | Provincial Employeesโ€™ Union (EU) President in Action!

Opisina ng Provincial Election Supervisor, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan || Tinalakay ni Election Officer Karlou Keene A. Jallorina, bilang Provincial Employees Union President ng COMELEC Cagayan, kasama sina Provincial Election Supervisor Atty. Michael E. Camangeg at Election Officer Jude Vicente T. Sumalabe, na siyang President ng COMELEC Cagayan Employees Union, ang mga panukalang pagbabago at karagdagan sa Constitution and By-Laws bilang paghahanda para sa nalalapit na halalan ng Employeesโ€™ Union.

TINGNAN | Kaarawan ng nga pwedeng tumakbo bilang SK Chairperson at Kagawad.
08/08/2026

TINGNAN | Kaarawan ng nga pwedeng tumakbo bilang SK Chairperson at Kagawad.

LOOK | Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 is NOT POSTPONED as of August 08, 2026.Filing of Certific...
08/08/2026

LOOK | Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 is NOT POSTPONED as of August 08, 2026.

Filing of Certificate of Candidacy: September 28-October 05, 2026
TANDAAN: Kailangan ng BIRTH CERTIFICATE at SWORN DECLARATION ON CONFLICT OF INTEREST

Election Date: November 02, 2026

BE AWARE OF FAKE NEWS
COMELEC warns the public about false social media posts claiming the elections have been postponed.

A PROPOSAL EXISTS, BUT NOT A LAW
There is a newly filed bill in Congress proposing to move the elections to 2028, but it has not been approved into law.

TINGNAN | Galing sa COMELEC๐‚๐Ž๐Œ๐„๐‹๐„๐‚ ๐’๐“๐€๐“๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐Ÿ“ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐”๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ง๐  โ€œ๐’๐ฐ๐จ๐ซ๐ง ๐ƒ๐ž๐œ๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ฅ๐ข๐œ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ฌ...
05/08/2026

TINGNAN | Galing sa COMELEC

๐‚๐Ž๐Œ๐„๐‹๐„๐‚ ๐’๐“๐€๐“๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐Ÿ“ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐”๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐ง๐  โ€œ๐’๐ฐ๐จ๐ซ๐ง ๐ƒ๐ž๐œ๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ง ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ฅ๐ข๐œ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ž๐ฌ๐ญโ€ ๐ฌ๐š ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‚๐š๐ง๐๐ข๐๐š๐œ๐ฒ ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ

Intramuros, Manila โ€“ Inaprubahan ng COMELEC En Banc sa isang Referendum/Consultation noong July 24, 2026 ang pagsama ng โ€œSworn Declaration on Conflict of Interestโ€ sa Certificate of Candidacy (COC) na ihahain ng mga balak tumakbo bilang kandidato mula November 2, 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (2026 BSKE) hanggang sa mga susunod na halalan matapos nito. Ang Sworn Declaration on Conflict of Interest ay mababasa sa COC bilang:

โ€œ๐™„ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™š๐™ง๐™ฉ๐™–๐™ ๐™š, ๐™ค๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™š๐™ก๐™š๐™˜๐™ฉ๐™š๐™™, ๐™ฉ๐™ค ๐™˜๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™ก๐™ฎ ๐™ฌ๐™ž๐™ฉ๐™ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ซ๐™ž๐™จ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐™ค๐™ฃ ๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™›๐™ก๐™ž๐™˜๐™ฉ ๐™ค๐™› ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™š๐™ง ๐™๐™š๐™ฅ๐™ช๐™—๐™ก๐™ž๐™˜ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ ๐™‰๐™ค๐™จ. 3019 ๐™–๐™ฃ๐™™ 6713, ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ž๐™˜๐™ช๐™ก๐™–๐™ง๐™ก๐™ฎ ๐™–๐™จ ๐™ฉ๐™ค ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™๐™ž๐™—๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ค๐™ฃ ๐™๐™–๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ ๐™ค๐™ง ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž๐™ง๐™š๐™˜๐™ฉ ๐™›๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™ค๐™ง ๐™ฅ๐™š๐™˜๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™ฎ ๐™—๐™ช๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ, ๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™˜๐™ฉ, ๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™—๐™š ๐™ค๐™ฅ๐™ฅ๐™ค๐™จ๐™š๐™™ ๐™ฉ๐™ค ๐™ค๐™ง ๐™–๐™›๐™›๐™š๐™˜๐™ฉ๐™š๐™™ ๐™—๐™ฎ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™›๐™–๐™ž๐™ฉ๐™๐™›๐™ช๐™ก ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™›๐™ค๐™ง๐™ข๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™ค๐™› ๐™ค๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐™™๐™ช๐™ฉ๐™ฎ, ๐™ค๐™ง ๐™ž๐™ฃ ๐™ฌ๐™๐™ž๐™˜๐™ ๐™„ ๐™–๐™ข ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™๐™ž๐™—๐™ž๐™ฉ๐™š๐™™ ๐™—๐™ฎ ๐™ฉ๐™๐™š ๐˜พ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ค๐™ง ๐™–๐™ฃ๐™ฎ ๐™ก๐™–๐™ฌ ๐™›๐™ง๐™ค๐™ข ๐™๐™–๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™ฎ ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™š๐™จ๐™ฉ.โ€

Ayon sa Section 3(i) ng Republic Act No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, mayroong โ€œConflict of Interestโ€ kung ang isang pampublikong opisyal o kawani ay miyembro ng board, o opisyal, o mahalagang stockholder ng isang pribadong korporasyon o may-ari o may malaking interes sa negosyo, at ang interes sa nasabing korporasyon o negosyo, o ang mga karapatan o tungkulin doon, ay maaaring hindi sang-ayon sa o makaapekto sa tapat na pagsasagawa ng opisyal na tungkulin.

Ipinagbabawal din sa ilalim ng Section 3(h) ng Republic Act No. 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na magkaroon ng pinansyal o pecuniary interes, direkta man o hindi, ang isang pampublikong opisyal sa anumang negosyo, kontrata o transaksyon na maaari siyang mamagitan o makibahagi sa kanyang opisyal na kapasidad.

Kahalintulad ng pagsumite ng Certificate of Live Birth o Birth Certificate, ang pagsama ng deklarasyon na ito sa COC ay hindi dagdag kwalipikasyon o kondisyon para sa mga nais kumandidato, bagkus ito ay isang pahayag ng pagsunod sa mga umiiral na batas at bahagi ng pagsulong ng transparency para sa sambayanang Pilipino. # # #

TINGNAN | Meta Verified na ang page ng COMELEC Aparri!Ang opisyal na page ng COMELEC Aparri - Cagayan ...
04/08/2026

TINGNAN | Meta Verified na ang page ng COMELEC Aparri!

Ang opisyal na page ng COMELEC Aparri - Cagayan ay mayroon nang Meta Verified Badge, na nagpapatunay na ito ang opisyal at lehitimong online platform ng Office of the Election Officer, Aparri, Cagayan, Region 02.

Inaanyayahan ang lahat na i-follow ang opisyal na page na ito upang makatanggap ng mga lehitimong anunsyo, mahalagang abiso, at pinakabagong impormasyon ukol sa mga programa at aktibidad ng COMELEC.

TINGNAN | Calendar of Activities para sa November 02, 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)Muling inil...
04/08/2026

TINGNAN | Calendar of Activities para sa November 02, 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)

Muling inilalathala ng Office of the Election Officer, Aparri, Cagayan ang opisyal na Calendar of Activities para sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026.

Hinihikayat ang lahat ng mga Aparriano, lalo na ang mga nagnanais na tumakbo at ang mga botante, na maging pamilyar sa mahahalagang petsa at aktibidad upang matiyak ang maayos at naaayon sa batas na pakikilahok sa halalan.

Basahin at tandaan ang mga itinakdang iskedyul, kabilang ang panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), election period, campaign period, liquor ban, Election Day, at ang paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Maging mapanuri, maging responsable, at makilahok sa isang malinis, tapat, at mapayapang halalan. Ang bawat boto ay mahalaga.

CONFLICT OF INTEREST, DAPAT IDEKLARA BAGO TUMAKBOPagbibigay credit sa publication material at caption: Atty. Jenny May G...
04/08/2026

CONFLICT OF INTEREST, DAPAT IDEKLARA BAGO TUMAKBO

Pagbibigay credit sa publication material at caption: Atty. Jenny May G. Guttierez
Election Officer IV
OCEO Santiago City, Isabela

JUST IN: Inanunsyo ng Commission on Elections o Comelec ngayong araw, August 4, 2026, na required na ang Sworn Declaration on Conflict of Interest sa filing ng Certificate of Candidacy o COC, simula sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Kasunod ito ng panukalang isinusulong ni Ombudsman Jesus Crispin โ€œBoyingโ€ Remulla na amyendahan ang rules sa filing ng COC para obligahin ang mga kandidato na ideklara ang anumang conflict of interest. (Ulat sa Abante news)
โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”
Sa ngayon, wala pang nailalathalang opisyal na COMELEC Resolution na naglalaman ng kumpletong detalye ng implementasyon, kaya mahalagang hintayin ang pormal na guidelines at prescribed form.

Sa prinsipyo, ang conflict of interest ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang personal, pampinansyal, pampamilya, o pang-negosyong interes ng isang kandidato ay maaaring makaapekto o magmukhang nakaaapekto sa tapat at walang kinikilingang pagganap ng kanyang tungkulin bilang halal na opisyal.

Kung maisasama nga ito sa COC filing requirements, maaaring hilingin sa kandidato na ideklara ang mga bagay tulad ng:

* mga negosyo o financial interests na maaaring makinabang sa kanyang posisyon;
* mga kontrata o transaksyon sa pamahalaan;
* mga relasyon sa mga taong maaaring magkaroon ng impluwensya sa kanyang magiging opisyal na desisyon; at
* iba pang sitwasyong maaaring magdulot ng conflict sa pagitan ng pribadong interes at pampublikong tungkulin.

Layunin nito na palakasin ang transparency, accountability, at integridad ng mga tumatakbo sa halalan at mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga botante bago sila bumoto.

TINGNAN |   Pinangunahan ni Provincial Employeesโ€™ Union (EU) President at Election Officer Karlou Keene A. Jallorina, sa...
01/08/2026

TINGNAN |

Pinangunahan ni Provincial Employeesโ€™ Union (EU) President at Election Officer Karlou Keene A. Jallorina, sa pamamagitan ng maigting na kolaborasyon ng COMELEC Cagayan, ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa mga empleyado ng COMELEC sa Sarangani, Davao Occidental na naapektuhan ng lindol noong Hunyo 8, 2026.

Ang naturang inisyatibo ay bahagi ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa kapakanan ng mga kawani ng COMELEC. Mula nang manungkulan bilang Provincial EU President, tuluy-tuloy niyang isinusulong ang mga programang nagbibigay ng agarang suporta at tulong sa mga kapwa empleyadong naapektuhan ng mga kalamidad at iba pang hindi inaasahang pangyayari, bilang pagpapakita ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na diwa ng serbisyo publiko.

Address

National Office Multi-purpose Building, Furagganan Street, San Antonio
Aparri
3515

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when COMELEC Aparri - Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share