LGU_Araceli_Official_

LGU_Araceli_Official_ No innuendos. Purely facts. Genuine Service. No to hidden self-interested leadership.

Amos, baragat kita, agod kasagiap kita ateng obra!
03/06/2026

Amos, baragat kita, agod kasagiap kita ateng obra!

π‰πŽπ π…π€πˆπ‘ 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! πŸ’Ό

May trabaho ka na ba? Kung wala pa, ito na ang pagkakataon mo!

Sumali sa Baragatan Job Fair ngayong June 15–16, 2026 | 10:00 AM – 6:00 PM sa NCCC Mall at buksan ang mga oportunidad para sa local at overseas employment!

Dalhin ang mga sumusunod:
β€’ Black ballpen
β€’ Updated resume with recent photos (mas maraming kopya, mas maraming oportunidad)
β€’ Photocopies ng credentials (TOR, Diploma, Training & Employment Certificates, at iba pa)
β€’ Passport copy (para sa overseas applicants)
β€’ Valid IDs at iba pang dokumento kung available (TIN, PhilHealth, Pag-IBIG, NBI, PSA, atbp.)

πŸ“Œ In partnership with PESO (Public Employment Service Office) at ng Palawan Tourism Council para sa tourism-related job opportunities.

Opportunities are waiting! Baka ikaw na ang susunod na ma-hire!

Tingnan | Matagumpay na Naisagawa ang Municipal Orientation ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Proj...
03/06/2026

Tingnan | Matagumpay na Naisagawa ang Municipal Orientation ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP) sa Bayan ng Araceli, Palawan

Isang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng mas matatag at handang komunidad ang matagumpay na pagsasagawa ng Municipal Orientation para sa Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP) noong ika-2 ng Hunyo 2026 sa Municipal Covered Gymnasium, Poblacion, Araceli, Palawan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Area Coordinating Team at Municipal Coordinating Team (ACT/MCT) sa pangunguna ni Project Development Officer III/Area Coordinator Ma. Luz P. Daculap, kasama ang buong ACT at MCT ng Araceli. Naging tampok na tagapagsalita si Engr. Villamor C. Racca, Jr., Project Development Officer IV - Capability Building Officer mula sa Regional Program Management Office (RPMO) na nagbigay ng malawak na talakayan hinggil sa mga layunin, proseso, at mahahalagang bahagi ng implementasyon ng PCRP.

Dinaluhan ang oryentasyon nina Municipal Mayor Hon. Sue S. Cudilla, Municipal Vice Mayor Hon. Rafael V. Abiog, mga miyembro ng Municipal Resilience Team (MResT), mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs), Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR), at labintatlong (13) Punong Barangay ng bayan ng Araceli.

Sa isinagawang oryentasyon, tinalakay ang mga sumusunod na mahahalagang paksa:

Pagpapakilala sa Area Coordinating Team at Municipal Coordinating Team (ACT/MCT);

Pangkalahatang Pagpapakilala at Paglalahad ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP);

Komposisyon, mandato, at mahahalagang tungkulin at responsibilidad ng Municipal Resilience Team (MResT);

Municipal Profile Format at mga kinakailangang datos bilang paghahanda sa mga susunod na yugto ng proyekto;

Provisional Schedule ng mga pangunahing aktibidad para sa Participatory Resilience and Vulnerability Assessment (PRVA) at Municipal Resilience Plan (MRP);

Municipal Commitment Setting bilang pagpapakita ng suporta at pakikiisa ng lokal na pamahalaan at mga stakeholder sa pagpapatupad ng proyekto; at

Maikling pagpupulong kasama ang mga Punong Barangay upang talakayin ang mga susunod na hakbang at paghahanda para sa implementasyon ng PCRP sa kanilang mga nasasakupan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Sue S. Cudilla ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad upang higit na mapalakas ang kakayahan ng bayan na makapaghanda, makatugon, at makabangon mula sa iba't ibang sakuna at epekto ng pagbabago ng klima.

Ang Municipal Orientation ay nagsilbing daan upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang kahalagahan ng PCRP bilang isang programa na naglalayong palakasin ang katatagan ng mga komunidad sa pamamagitan ng partisipasyon ng mamamayan, mahusay na pagpaplano, at pagtutulungan ng iba't ibang sektor.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pakikipagtulungan, at aktibong partisipasyon ng lahat ng sektor, inaasahan na magiging matagumpay ang pagpapatupad ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project sa Bayan ng Araceli tungo sa isang mas ligtas, matatag, at handang komunidad para sa susunod na henerasyon.






PSU IS HIRING!
10/02/2026

PSU IS HIRING!

05/02/2026

Dahil Signal No. 1 at may orange rainfall warning po ang Araceli, suspended po ang klase sa elementary at high school.

To follow lang po ang official communication.
Ingat po ang lahat.

Address

Poblacion
Araceli
5311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU_Araceli_Official_ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGU_Araceli_Official_:

Shortcuts

Share