19/05/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat po ng nakiisa at nakicelebrate sa Kapistahan ni Sto. Cristo del Verbo noong May 3, 2026. 🙏✨
Nakakatuwang makita na sa bawat taon, mas lalo po tayong nagkakaisa bilang isang komunidad ng mga deboto. Sa pamamagitan po ng pagdiriwang na ito, muling nabubuhay ang pananampalataya, pagmamahalan, at pagkakaibigan ng bawat isa. ❤️
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat kina Rev. Fr. Ranier L. Andrada, Rev. Fr. Liberato A. Apusen, at Rev. Francis Hathanh Nguyen sa kanilang presensya, panalangin, at paggabay sa ating pagdiriwang. 🙏
Thank you po sa lahat ng tumulong, dumalo, lalo na sa aming valued donors, at nagbigay ng oras para maging matagumpay at masaya ang ating fiesta celebration.
Special thanks to Couples for Christ Agoo (Choir) lead by Sister Luz Peran, to Abe for drone shots, sir Richard Uychoco sa pag-aayos ng set up at decorations, and sa inyo pong lahat na nagsend at nagshare ng photos para mabuo ang video na ito. 📸✨
Sana ay pagpalain pa tayong lahat at gabayan palagi ng Panginoon. ✨
Viva Sto. Cristo del Verbo! 🙌
-Admin, Sto. Cristo Del Verbo Shrine