Pamahalaang Bayan ng Aroroy

Pamahalaang Bayan ng Aroroy Official page of the Local Government Unit of Aroroy
(2)

3 Years of M4GG: Transparency. Accountability. Innovation. Good Governance.Si Mayor Bitoy Virtucio ng Aroroy, Masbate ay...
26/08/2026

3 Years of M4GG: Transparency. Accountability. Innovation. Good Governance.

Si Mayor Bitoy Virtucio ng Aroroy, Masbate ay kabilang sa mga lokal na lider na nagsusulong ng pagbabago sa pamumuno — tapat, may pananagutan, at makabago — bilang pundasyon ng makabuluhang paglilingkod‑bayan.

ARAL Program Incentive Payout and Distribution of Smart TVs.August 17, 2026 @ TMSCC, Aroroy, MasbateThe Department of Ed...
17/08/2026

ARAL Program Incentive Payout and Distribution of Smart TVs.
August 17, 2026 @ TMSCC, Aroroy, Masbate

The Department of Education in partnership with LGU Aroroy has implemented the ARAL Program (Academic Recovery and Accessible Learning) to address the learning crisis among Filipino students, especially those affected by socio-economic and other forms of disruptions.

Through the dedication of our ARAL Teachers, the program has been successfully carried out in the Aroroy West and East Districts, helping learners catch up and thrive in their studies. In recognition of their hard work, the Local Government Unit of Aroroy proudly extends its support by providing cash incentives to ARAL Teachers and distributing Smart TVs — tools that further enhance teaching and learning experiences in our schools.

In his message, Mayor Bitoy Virtucio emphasized the importance of education as a cornerstone of nation-building. He underscored the value of implementing programs that create direct impact in the community and introduced a new initiative: the Segregation to Nutrition Program.

This “back-to-basics” program instills discipline and environmental responsibility among early learners by teaching proper waste segregation promoting moral recovery and discipline. With the support of the Municipal Health Office, Agriculture, and Environment & Natural Resources, biodegradable waste will be used in the Gulayan sa Paaralan, sustaining school gardens that produce nutritious food to help improve the health of learners.

Today, many Filipino learners face nutritional deficiencies such as anemia, stunting, and underweight conditions — challenges that affect their ability to focus, learn, and grow. By the Segregation to Nutrition program, this ensures that children not only learn environmental stewardship but also gain access to fresh, healthy, and locally grown food that strengthens their nutritional status.

Together, DepEd and LGU Aroroy are building stronger foundations for education and nutrition — ensuring that every child has the opportunity to learn, grow, and succeed.

These programs and initiatives are under the E - Education program of the ITHELPS priority agenda of the Virtucio Administration.



10/08/2026

Ligtas Tigdas, Para sa Bukas na malusog
TMSCC, AROROY, MASBATE
August 10, 2026

07/08/2026

Handa na ba kayo???

📢 Libreng bakuna laban sa tigdas at Vitamin A supplementation para sa mga batang 6–59 months old ng Barangay Ambolong, Bagauma, at Poblacion.

Magkita kita tayo sa Tico Maristela Sports and Cultural Center ngayong darating na August 10, 2026.

Protektado na ang iyong anak, may saya pa! 🥰
Magpabakuna at iuwi ang ngiti! 🍗💛

Aroroy Grand Buntis Congress 2026TMSCC, Aroroy, Masbate Batay sa datos ng Municipal Health Office, mayroong 1,183 buntis...
05/08/2026

Aroroy Grand Buntis Congress 2026
TMSCC, Aroroy, Masbate

Batay sa datos ng Municipal Health Office, mayroong 1,183 buntis sa Bayan ng Aroroy. Bunsod nito, isinagawa ang Aroroy Grand Buntis Congress noong Hulyo 31, 2026 sa layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga ina upang maging daan sa ligtas na pagbubuntis at panganganak.

Nagtipon tipon ang mga buntis mula sa iba’t ibang barangay ng Aroroy upang matuto hinggil sa mga yugto ng pagbubuntis, mga masustansyang pagkain para sa ina at sanggol, at mga serbisyong pangkalusugan na handog ng lokal na pamahalaan. Ipinabatid din ng Aroroy 911 na sa oras ng pangangailangan ng agarang tulong gaya ng ambulansya, maaaring i dial ang 911 upang agad na makapagpadala ng tulong ang Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Mayor Bitoy Virtucio.

Namahagi rin ng OB Kits sa mga dumalong buntis. Sa kanyang maikling mensahe, binigyang diin ni Bise Mayor Valentin Alonzo na layunin ng lokal na pamahalaan na masigurong ligtas ang bawat mamamayan—maging ang mga nasa sinapupunan pa lamang. Ayon naman kay Mayor Engr. Arvin R. Virtucio, ang mga programang gaya nito ay kanyang binibigyang halaga sapagkat nais niyang maipadama sa bawat taga Aroroy ang tapat na pagsilbi at maipaabot ang tulong ng pamahalaan direkta sa komunidad at sa tao.

Umabot sa 221 buntis ang nabigyan ng OB Kits na naglalaman ng mga mahahalagang kagamitan para sa panganganak—isang malaking tulong upang hindi na mag alala ang mga ina kung saan kukuha ng ipambibili nito.

Ipinapaalala ng Municipal Health Office – Aroroy, sa pamumuno ni Dok Mark Reniva, na lahat ng buntis ay dapat magpakonsulta sa kani kanilang barangay upang mabigyan ng sapat na kaalaman, gamot, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Patuloy namang mamimigay ng OB Kits at magsasagawa ng information caravan sa iba’t ibang bahagi ng Aroroy. Ang iskedyul ay kasalukuyang inaayos at ipaaalam sa publiko sa mga susunod na araw.


Nutri-Agri-Aqua Trade Fair 2026: Isang Pagpupugay sa Sektor ng Agrikultura at Pangisdaan, July 31, 2026 @ Aroroy Pier Si...
03/08/2026

Nutri-Agri-Aqua Trade Fair 2026: Isang Pagpupugay sa Sektor ng Agrikultura at Pangisdaan, July 31, 2026 @ Aroroy Pier Site Complex

Bilang pagkilala sa kadakilaan at importansya ng sektor ng agrikultura at pangisdaan, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Aroroy ang Nutri-Agri-Aqua Trade Fair 2026. Layunin nitong maipakita ang yaman ng bayan at ma showcase ang mga produktong lokal na siyang bumubuhay sa mamamayan.

Sa ilalim ng temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan”, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, tampok ang Search for Best Barangay Producers. Ang patimpalak ay nahati sa dalawang grupo: Coastal Barangay Producers at Inland Barangay Producers, kung saan ipinamalas ng bawat barangay ang kanilang mga produkto, malikhaing disenyo, at aktibong partisipasyon ng komunidad.

Mga Nanalo
Coastal Barangay Producers
1. Matalangtalang
2. Talib
3. Tigbao
4. Tinago
5. Amotag

Inland Barangay Producers
1. Balete
2. Cabangcalan
3. Concepcion
4. Pinanaan
5. Luy-a

Mga Produktong Ipinakita
• Coastal Barangays: sari-saring yamang dagat gaya ng isda, kabibe, at crustaceans; kalakip ang mga produktong agrikultural tulad ng palay, mais, saging, rootcrops, prutas, at gulay.

• Inland Barangays: pangunahing produktong agrikultural tulad ng palay, mais, saging, rootcrops, prutas, at gulay; dagdag pa ang ipinagmamalaking ginto at pilak mula sa kanilang lokal na industriya.

Mga Pamantayan sa Pagpili ng Nanalo
• Mga Produktong Lokal (Mataas ang kalidad, sariwa, at tunay na galing sa barangay) - 15%
• Laki at Dami ng Produkto (Sapat ang dami at maayos ang sukat ng mga nakadisplay) - 10%
• Estetikong Pagkakaayos (Maayos, kaaya-aya, at organisado ang pagkaka-display ng mga produkto) 15%
• Disenyo at Estruktura ng Kubo o Booth (Natatangi at kaakit-akit ang disenyo, Matibay at solid ang pagkakagawa ng estruktura) 30%
• Sustainability Practices (Walang paggamit ng plastik; organikong materyales gaya ng basket at eco-bags ang pinahihintulutan) 10%
• Market Sales Performance (Aktwal na bentahan at galaw ng produkto sa loob ng trade fair) 5%
• Partisipasyon ng Komunidad (Aktibong pakikiisa at suporta mula sa komunidad) 15%

Premyo: 1st – ₱80,000; 2nd – ₱65,000; 3rd – ₱50,000; 4th – ₱35,000; 5th – ₱25,000

Sa kanyang mensahe, pinuri at kinilala ni Mayor Bitoy Virtucio ang sektor ng agrikultura at pangisdaan na, sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya at kalusugan, ay patuloy na nagsisilbing haligi ng lipunan. Aniya, sila ang nagbibigay ng pagkain sa bawat hapag, anuman ang estado, antas, o sektor ng mamamayan. Dagdag pa niya, “Mainam na magtrabaho ng marangal kaysa umasa sa ayuda.”

Ang Trade Fair na ito ay nagpapatunay na ang magsasaka at mangingisda ang tunay na bayani ng nutrisyon at kalikasan. Ang kanilang pagsusumikap ay hindi lamang nagdadala ng pagkain at nutrisyon, kundi nagtataguyod din ng pangmatagalang seguridad sa pagkain at pangangalaga sa kapaligiran.

Sa pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon, muling pinaaalala ng Pamahalaang Bayan ng Aroroy na ang nutrisyon at kalikasan ay magkaugnay—at tungkulin nating lahat na pangalagaan ang mga ito para sa susunod na henerasyon.

Nutri-Parada 2026 Hulyo 31, 2026Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026 na may temang: “Nutrisyon at Kal...
03/08/2026

Nutri-Parada 2026
Hulyo 31, 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2026 na may temang: “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,” nagtipon ang lahat ng 41 Barangay kasama ang mga Opisyales at Kawani ng Lokal na Pamahalaan sa makulay na Nutri-Parada.

Bawat barangay ay nagpakitang-gilas sa kanilang malikhaing float na tampok ang mga produktong agri-aqua mula sa kani-kanilang lugar. Ang bahagyang ambon ay hindi naging sagabal, kundi tila biyaya para sa mga mamamayan.

Winners - Best Float:
1. Amotag
2. Balete
3. Talib
4. Luy-a
5. Tinigban

Higit pa sa parada, ang Nutri-Parada ngayong taon ay naging buhay na mensahe ng tema: Sa pagpapakita ng yaman ng lupa at dagat, ipinaalala ng ating mga barangay na ang wastong nutrisyon ay nakaugat sa pangangalaga ng kalikasan. Ang kalusugan ng tao ay nakasalalay sa kalusugan ng ating kapaligiran.

Isang masigla, makabuluhan, at makulay na pagdiriwang—maraming salamat sa lahat ng lumahok at nakiisa sa Nutri-Parada 2026!


02/08/2026

Regular Flag Raising Ceremony
TMSCC, Aroroy, Masbate
August 3, 2026

Aroroy Farmers and Fisherfolks NightJuly 30, 2026 @ Pier Site, Aroroy, MasbateSa isang natatanging gabi ng talento, ipin...
01/08/2026

Aroroy Farmers and Fisherfolks Night
July 30, 2026 @ Pier Site, Aroroy, Masbate

Sa isang natatanging gabi ng talento, ipinamalas ng mga kinatawan mula sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda ang kanilang husay sa pagsayaw at pagkanta. Ang patimpalak ay dinaluhan ni Bise Mayor Valentin Alonzo, na nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa sektor na siyang literal na bumubuhay sa mamamayan sa pamamagitan ng sapat na suplay ng pagkain. Kasama rin sa okasyon si Municipal Administrator Engr. Abito Manlapaz na nagbigay suporta sa makabuluhang aktibidad.

Ang paligsahan ay hindi lamang para maipakita ang talento ng ating mga kababayan, kundi nagsilbing paraan upang higit na maunawaan ang napakahalagang ambag ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating lipunan.

Group Dance Winners:
1. Syndicate Zumba Girls
2. Vitality Movers
3. Pinanaan Ani Zumba Dancers
4. Blooming Queens of Talabaan
5. Diamond Queens of Lanang

Singing Contest Winners:
1. Rina Mingoy – Poblacion
2. Reymark Cabarles – Cabas-an
3. Lolina Sandig – Pinanaan
4. Mark Christian Mataverde – Panique
5. Samson Regino – Matalangtalang

“Hindi lang sila bayani ng pagkain, kundi bayani rin ng talento — saludo sa mga magsasaka at mangingisda ng Aroroy”

*note: updated post to include additional pics

📸 PHOTOS remain as property of the LGU AROROY - DOCUTEAM. All rights reserved.

Aroroy Farmers and Fisherfolks NightJuly 30, 2026 @ Pier Site, Aroroy, MasbateSa isang natatanging gabi ng talento, ipin...
01/08/2026

Aroroy Farmers and Fisherfolks Night
July 30, 2026 @ Pier Site, Aroroy, Masbate

Sa isang natatanging gabi ng talento, ipinamalas ng mga kinatawan mula sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda ang kanilang husay sa pagsayaw at pagkanta. Ang patimpalak ay dinaluhan ni Bise Mayor Valentin Alonzo, na nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa sektor na siyang literal na bumubuhay sa mamamayan sa pamamagitan ng sapat na suplay ng pagkain. Kasama rin sa okasyon si Municipal Administrator Engr. Abito Manlapaz na nagbigay suporta sa makabuluhang aktibidad.

Ang paligsahan ay hindi lamang para maipakita ang talento ng ating mga kababayan, kundi nagsilbing paraan upang higit na maunawaan ang napakahalagang ambag ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating lipunan.

Group Dance Winners:
1. Syndicate Zumba Girls
2. Vitality Movers
3. Pinanaan Ani Zumba Dancers
4. Blooming Queens of Talabaan
5. Diamond Queens of Lanang

Singing Contest Winners:
1. Rina Mingoy – Poblacion
2. Reymark Cabarles – Cabas-an
3. Lolina Sandig – Pinanaan
4. Mark Christian Mataverde – Panique
5. Samson Regino – Matalangtalang

“Hindi lang sila bayani ng pagkain, kundi bayani rin ng talento — saludo sa mga magsasaka at mangingisda ng Aroroy”

*note: full pictures set still uploading

Address

Municipal Hall Aroroy
Aroroy
5414

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamahalaang Bayan ng Aroroy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share