Pamahalaan ng Barangay Calepaan

Pamahalaan ng Barangay Calepaan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pamahalaan ng Barangay Calepaan, Government Organization, zone 3 calepaan, Asingan.

To promote active community participation, ensure transparency and accountability, uphold efficiency in governance, and strengthen the rule of law for the welfare and progress of the barangay.

AGYAMAN KAMI Mayor Carlos F. Lopez Jr.- Calepaan Barangay Council
31/08/2026

AGYAMAN KAMI Mayor Carlos F. Lopez Jr.- Calepaan Barangay Council

Naaprubahan na ang 2026 Supplemental Budget ng Barangay Calepaan!Matagumpay nang naaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Asi...
24/08/2026

Naaprubahan na ang 2026 Supplemental Budget ng Barangay Calepaan!

Matagumpay nang naaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Asingan ang 2026 Supplemental Budget ng Pamahalaan ng Barangay Calepaan matapos itong talakayin at suriin sa antas ng committee.
Ang committee ay pinamumunuan ni SBM Joselito V. Viray, kasama ang mga miyembro nitong sina SBM Virgilio Amistad at SBM Johnny Mar A. Carig.
Ang pag-apruba sa supplemental budget ay isang mahalagang hakbang upang maisakatuparan ang mga karagdagang programa, proyekto,aktibidad at serbisyong nakalaan para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga kabarangay.
Maraming salamat sa Sangguniang Bayan ng Asingan sa maayos na pagsusuri at pag-apruba ng ating supplemental budget.
Patuloy ang Sangguniang Barangay ng Calepaan sa pagsusulong ng mga programa at proyekto para sa isang mas maayos, ligtas at maunlad na Barangay Calepaan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ




August 22, 2026BARANGAY KALINISAN DAY ๐Ÿงน๐ŸŒฟPinangunahan ng ating mga Barangay Tanod, Barangay Council sa pamumuno ni PB Arn...
22/08/2026

August 22, 2026

BARANGAY KALINISAN DAY ๐Ÿงน๐ŸŒฟ
Pinangunahan ng ating mga Barangay Tanod, Barangay Council sa pamumuno ni PB Arnold F. Acosta ang isinagawang paglilinis sa Zone 7, partikular ang pagtanggal ng mga nakaharang na kawayan sa ilog na naging sanhi ng hindi maayos na daloy ng tubig at nagdulot ng pagguho ng lupa sa lugar.
Sa agarang pagtanggal ng mga nakaharang na kawayan, naibalik sa maayos ang daloy ng tubig, kaya nabawasan ang panganib na patuloy na gumuho ang lupa at lumala ang sitwasyon.
Ang gawaing ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng malinis, ligtas, at maayos na Barangay Calepaan.
๐Ÿ’š Barangay Kalinisan Day โ€” Sama-sama para sa Malinis at Ligtas na Barangay!
Maraming salamat sa ating mga Barangay Tanod sa kanilang serbisyo at agarang pagtugon para sa kaligtasan ng ating mga kabarangay. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



๐Ÿ“ข PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY! ๐Ÿ‘“๐Ÿ‘๏ธInaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na makilahok sa FREE EYE CHECK-U...
19/08/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY! ๐Ÿ‘“๐Ÿ‘๏ธ

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na makilahok sa FREE EYE CHECK-UP at FREE EYE PRE-SCREENING para sa mga kondisyon tulad ng Cataract, Pterygium at Glaucoma.
โœจ MGA SERBISYONG ALAY: โœ… Free Eye Check-Up
โœ… Free Pre-Screening
โœ… Free Frames
โœ… Reseta ng graded lenses โ€” presyo ay nagsisimula sa โ‚ฑ499
๐Ÿ“ Lugar: Calepaan Brgy. Hall, Calepaan, Asingan, Pangasinan
๐Ÿ“… Petsa: August 23, 2026
โฐ Oras: 8:00 AM โ€“ 12:00 PM
Huwag palampasin ang pagkakataong mapangalagaan ang inyong mga mata at mas makita nang malinaw ang buhay! ๐Ÿ’š
โ€œClear Vision, Better Life.โ€ ๐Ÿ‘๏ธโœจ
Inaanyayahan po ang lahat ng kabarangay na dumalo. Maraming salamat po at magkita-kita tayo!

PAANYAYAAng Sangguniang Barangay ng Calepaan, Asingan, Pangasinan ay magalang na nagpapaabot ng paanyaya sa lahat ng bus...
19/08/2026

PAANYAYA

Ang Sangguniang Barangay ng Calepaan, Asingan, Pangasinan ay magalang na nagpapaabot ng paanyaya sa lahat ng business establishments/micro-establishments sa ating barangay na lumahok sa gaganaping Technical Advisory Visit (TAV) Orientation at First Aid (FA) Training na isasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office No. 1.

๐Ÿ“… Petsa: Agosto 20, 2026 (Huwebes)
โฐ Oras: 8:00 AM onwards
๐Ÿ“ Lugar: Mayor Carlos F. Lopez, Sr. Public Auditorium, Poblacion West, Asingan, Pangasinan

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga business establishments ng sapat na kaalaman hinggil sa pagsunod sa labor standards, occupational safety and health standards, social welfare benefits, at iba pang mahahalagang usapin sa ligtas at maayos na lugar ng trabaho. Kasama rin sa programa ang First Aid Training upang mapaunlad ang kakayahan ng mga kalahok sa pagbibigay ng nararapat na paunang lunas sa oras ng pangangailangan.
Ayon sa DOLE, isang (1) duly authorized representative bawat establishment/branch ang maaaring dumalo sa nasabing aktibidad.
Hinihikayat po ang lahat ng business establishments na samantalahin ang pagkakataong ito upang madagdagan ang kaalaman at mapalakas ang pagsunod sa mga pamantayan para sa ligtas, malusog, at compliant na workplace.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na pakikipagtulungan.

**see list of business establishments in calepaan who are invited to attend.
*ito po ay isang requirement sa pagkuha ng clearance o certification sa DOLE pag nagpa register kayo ng inyong negosyo."Micro-enterprises are required to comply with applicable DOLE Occupational Safety and Health Standards."

Barangay Kalinisan Day โ€“ August 15, 2026BARANGAY KALINISAN DAY | ZONE 3Ngayong Agosto 15, 2026, isinagawa ang Barangay K...
15/08/2026

Barangay Kalinisan Day โ€“ August 15, 2026

BARANGAY KALINISAN DAY | ZONE 3

Ngayong Agosto 15, 2026, isinagawa ang Barangay Kalinisan Day sa mga natukoy na areas of concern sa Zone 3, partikular sa kahabaan ng NIA irrigation canal at sa bahagi ng backfilling ng Farm-to-Market Road.
Pinangunahan ni Punong Barangay Arnold Acosta, kasama ang mga Sangguniang Barangay Kagawad, Barangay Tanod, BHWs, at BHRAO, ang paglilinis, clearing at iba pang kinakailangang gawain upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kaligtasan sa lugar.
Patuloy ang sama-samang pagkilos ng Barangay upang matugunan ang mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyonโ€”serbisyong sama-sama, pagkilos na may malasakit, at barangay na laging kumikilos para sa kapakanan ng mga kabarangay.
Bayanihan para sa malinis, maayos at ligtas na Barangay!


๐Ÿ”‘ NAWALANG SUSI?Sino po ang nawalan ng susi? Nakita po namin ito at nasa Barangay Hall na para sa may-ari.๐Ÿ“ Pakikuha na ...
14/08/2026

๐Ÿ”‘ NAWALANG SUSI?

Sino po ang nawalan ng susi? Nakita po namin ito at nasa Barangay Hall na para sa may-ari.
๐Ÿ“ Pakikuha na lamang po sa Barangay Hall.
Paki-share na rin po para makarating sa tunay na may-ari. ๐Ÿ™
Salamat po!

AUGUST 06, 2026
06/08/2026

AUGUST 06, 2026

Maraming salamat po, Hon. SBM Joselito Viray sa inyong personal na pagbisita sa aming barangay sa gitna ng masamang pana...
06/08/2026

Maraming salamat po, Hon. SBM Joselito Viray sa inyong personal na pagbisita sa aming barangay sa gitna ng masamang panahong dulot ng Bagyong May-May. Lubos naming pinahahalagahan ang inyong oras, malasakit, at ang munting handog na inyong ipinagkaloob.

Ngunit higit sa anumang tulong, ang inyong personal na pangungumusta at pakikiisa sa aming kalagayan ang siyang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob at inspirasyon upang patuloy na gampanan ang aming tungkulin nang buong puso para sa ating mga kababayan.

05/08/2026

Address

Zone 3 Calepaan
Asingan
2439

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamahalaan ng Barangay Calepaan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share