Asingan Manong Pulis

Asingan Manong Pulis Home of the Citizen-friendly Policemen and Protectors of Human Rights

Simbolo ng Pag-asa: Asingan MPS Nagsabit na ng Christmas ParolBOY: "Miss Asingan, PAROL ka ba?"GIRL: "Bakit?"BOY: "Kasi ...
03/10/2016

Simbolo ng Pag-asa: Asingan MPS Nagsabit na ng Christmas Parol

BOY: "Miss Asingan, PAROL ka ba?"
GIRL: "Bakit?"
BOY: "Kasi I wanna tell you that throughout these years, ikaw pa rin ang NAKASABIT sa PUSO ko."
Mr Insensitive…

Asingan MPS- Sa nalalapit na pagsapit ng buwan ng kapaskuhan, nagsabit na ng Christmas Parol na yari sa recycled materials ang yunit na ito sa pamumuno ni PCI Junmar C Gonzales, OIC, upang maipakita sa mga mamamayan na ang parol ay simbolo ng pag-asa at ang inyong kapulisan ay kaisa ninyo sa maaga at maalab na pagdiriwang nito.

Subalit bakit nga ba para sa aming mga Pulis, ang parol ay simbolo ng pag-asa?

Hindi Pasko sa Pilipinas kung walang parol na makikita sa mga kabahayan. Mula sa simpleng kawayan, ngayon ang parol ay yari na rin sa iba’t ibang hugis, kulay, disenyo, at ilaw. Gayunman nananatiling bahagi ito ng kultura ng Pilipinas.

Yes, it's that time of year again, where "BER" months has come and December has come closer and closer, and with it, are all the joys of Christmas. But what is the real meaning of Christmas? Is it the lanterns hanging inside and outside our homes or offices? Is this really Christmas?

For Asingan MPS, Christmas is a symbol of hope, it is a time of hope. Even if during this season, we don't have the extra free time to be with our own family and loved ones because of the influx of people coming home for vacation and at the same time, crimes, accidents and duty, calls for a FULL ALERT STATUS.

Yet, for us, Christmas can still be a season of great hope. It is a time of God showing His great love for us. It can be a time of renewed strength despite of the ever increasing demand of police works.

Pahirap na ng pahirap ang pagpupulis, sapagkat sa panahon ngayon, lahat na ng bagay-bagay sa mundo, ayon sa mga mandatong binababa mula sa itaas, ay kailangan na ding makialam. Wala na ring araw na hindi laman ng pahayagan, telebisyon at balita ang mga pulis. Kaya naman, kung ako man po ay masyado ng pangahas sa binibitawan kong akda, sana ay bigyan ninyo ako agad ng ibang first line na propesyon na sadyang "multi-faceted" at dapat maging "jack of all traits" para lamang maging epektibo, at kusa po akong bababa at magpapalipat ng aking tungkulin sa ibang pook.

And while you see everyday indicators of our intensified police operations and active community involvement, may we appeal to our stakeholders and the whole community, that this coming Christmas, let us celebrate hope, faith and love together. We can truly be happy and hopeful no matter what may be happening in this wonderful municipality, where I found my new self, and met a lot of beautiful people residing within it and because of it.

So together, let us look at Christmas in a new way this year. Because perhaps, just perhaps, this is the reason that brought us here, yes, maybe, this is the reason that brought me here. God has made it possible for us to experience an amazing change in our own life. Despite of the pains, God has changed us to be a better, credible, competitive and professional police force and the Christmas Lantern in front of our police station shall symbolize that HERE IN ASINGAN, WE FOUND HOPE, FAITH AND LOVE. Advance Merry Christmas to one and all!
Kampo Oscar Florendo Pangasinan Ppo SFive Pangasinan Ppo Ryan Manongdo Rolie Saltat PCRG PNP Pio Asingan Pio Oscar Florendo Regionone Pacdaar

PRESS RELEASEWanted na Magnanakaw na Newly Identified Pusher, Kalaboso sa Asingan MPS"'I was determined then as I am now...
03/10/2016

PRESS RELEASE

Wanted na Magnanakaw na Newly Identified Pusher, Kalaboso sa Asingan MPS

"'I was determined then as I am now determined and better positioned, to wage war against those who make a mockery of our laws including those who make life for us all miserable."
- a quote from President Rodrigo Duterte during his inauguration speech

Asingan MPS- Isang wanted at talamak na magnanakaw ang inaresto matapos ang matagumpay na Warrant of Arrest sa kanyang bahay sa Sitio Caniogan, Brgy Ariston West, sa bayang ito noong Oktubre 2, 2016 bandang alas 6:55 ng umaga.

Sa nakalap na impormasyon ng yunit na ito na pinangungunahan ni PCI Junmar C Gonzales, OIC, tungkol sa kinaroroonan ng suspek na nakilalang si Romnick B Delfin, 21 taong gulang at residente din ng nasabing pook, agad rumesponde at nagsagawa ng lehitimong police operation ang mga pulis operatiba na pinangunahan ni PSI Reynante B Organista, DCOP, sa nasabing lugar armas ang warrant of arrest na ibinigay ni Presiding Judge, Camilo B Asuncion Sr. ng 7th MCTC Asingan, Pangasinan para sa krimeng “Theft” na may petsa pang June 30, 2016.

"Kami sa Asingan MPS ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga lehitimong police operations upang ang katahimikan at kaayusan ng bayang Asingan ay mapanatili at maranasan ng lahat ng mamamayan.", sabi ni PCI Gonzales.

Ang lehitimong paggalugad sa kanyang bahay ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang transparent plastic sachet na may lamang white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu.

Ang naarestong suspek ay dinala muna sa Asingan Community Hospital para sa medical examination bago pinunta sa aming himpilan. Si Romnick ay dinala din sa Crime Laboratory Office para sa drug test at iba pang drug examination.

Isang kaso ng paglabag sa Sec. 11 ng Art. II ng RA 9165 ay ihinanda na rin laban sa suspek. # # #

Asingan MPS News Release: 10-16-02
Authority: PCI JUNMAR C GONZALES
OFFICER IN CHARGE
Asingan Police Station
Poblacion West, Asingan, Pangasinan
Contact Number: 09054618881
FB Account: Asingan Mps Pang PPO
E-Mail: [email protected]
Date: Monday, October 3, 2016

Kampo Oscar Florendo SFive Pangasinan Ppo Pangasinan Ppo Pio Oscar Florendo Pio Asingan Ryan Manongdo Rolie Saltat Reynante Orghanista PCRG PNP

PRESS RELEASEIsang Hindi Sumukong Drug Personality, Timbog sa Buy-Bust Operation ng Asingan MPS"Para sa lahat ng hindi p...
03/10/2016

PRESS RELEASE

Isang Hindi Sumukong Drug Personality, Timbog sa Buy-Bust Operation ng Asingan MPS

"Para sa lahat ng hindi pa sumusuko, lagi pong bukas ang aming himpilan sa inyong kusang pagsuko. Makiisa na sana kayo sa tamang pagbabago."
- PCI Gonzales

Asingan MPS- Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng yunit na ito laban sa ipinagbabawal na gamot, naaresto ang isa na namang traysikel drayber na umano’y drug pusher sa Brgy San Vicente West, kamakalawa (October 1, 2016).

Ito ang iniulat ni PCI Gonzales, hepe ng pulisya sa bayang ito, sa naganap na buy-bust operation noong alas 10:30 ng gabi ng October 1 na kung saan ang mga operatiba ng MAIDSOTG na pinangunahan ni PSI Reynante B Organista, DCOP, ay nagbalatkayong buyer/user na naging sanhi ng pagkakadakip ni Sonny S Samilin Jr, 33 years old, may asawa, traysikel drayber at residente ng Brgy Coldit, sa bayang ito.

Ayon din sa hepe, nahulian ang suspect ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghinihinalaang shabu.

Ang suspek ay dinala muna sa Asingan Community Hospital para sa physical at medical examination at pagkatapos ay dinala sa aming himpilan. Ang mga nakumpiskang droga ay isinumite na sa Crime Laboratory Office, Urdaneta City, Pangasinan pati na rin ang suspek, para sa kanyang drug test.

Isang kaso ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 ay naihanda na laban sa suspek. # # #

Asingan MPS News Release: 10-16-01
Authority: PCI JUNMAR C GONZALES
OFFICER IN CHARGE
Asingan Police Station
Poblacion West, Asingan, Pangasinan
Contact Number: 09054618881
FB Account: Asingan Mps Pang PPO
E-Mail: [email protected]
Date: Monday, October 3, 2016

Kampo Oscar Florendo SFive Pangasinan Ppo Pangasinan Ppo Pio Asingan Pio Oscar Florendo Ryan Manongdo Rolie Saltat Reynante Orghanista

Ang Asingan MPS ay Nanawagan Para sa Responsableng Pagkakapatiran: Samahang Ilokano, Binisita, Kinausap at Pinaalalahana...
03/10/2016

Ang Asingan MPS ay Nanawagan Para sa Responsableng Pagkakapatiran: Samahang Ilokano, Binisita, Kinausap at Pinaalalahanan

Asingan MPS- Ang mga personnel ng yunit na ito na pinangungunahan ni PCI Junmar C Gonzales, OIC, ay personal na nagtungo sa Brgy Baro upang bumisita sa mga Samahang Ilokano ng bayang ito, sa pamumuno ni Brgy Kagawad King Aristotle Velasco at ilan pang lokal na lider ng kanilang organisasyon kagabi (Oct 2, 2016).

Malugod na nag-usap ang dalawang panig tungkol sa kani-kanilang mga programa gaya ng iba't-ibang community services, bloodletting activities at iba pang makatutulong sa pamayanan. Minabuti naming takpan po ang kanilang mga mukha upang maprotektahan din ang kanilang mga katauhan.

Nasambit din ng lokal na lider na ang lehitimong organisasyon nila na kinikilala sa internasyunal na lebel at rehistrado sa Security and Exchange Commission (SEC), ay nakahandang tumulong sa lahat ng mga programa ng mga kapulisan, dahil sa kapatirang ito ay inaangat nila ang kaisipan at disiplina ng bawat kasapi upang maging matulungin at responsableng mamamayan.

Sa nasabing pagbisita, sinabi din namin na isa sa aming pangunahing layunin ang makausap at mapaliwanagan ang ilang isyung pinipresenta sa aming himpilan.

Pero bago ang lahat, ano nga ba ang FRATERNITY O SORORITY? Ito ba ay bawal? Ito ba ay masama?

Kadalasan kasing napakanegatibo ang naiiwang impresyon ng mga salitang fraternity, sorority o ang kapatiran dulot nang kadikit nitong imahe ng "hazing" na pamamaraan ng ilan nang pagtanggap sa kanilang mga bagong kasapi. Maliban pa riyan, naiuugnay din ang maraming isyu tungkol sa "cutting classes", "failing grades", "public display of affection", "gang war o group war" at napakarami pang talakayin sa buhay-estudyante, sa loob at labas man ng mga paaralan.

Ang mga gawaing ito ay isa sa mga isyu na nauungkat ng ilang mga concerned citizen, mga g**o, mga estudyante at pati na rin ang mga representatives ng mga iba't-ibang paaralan sa Asingan sa harapan mismo naming mga kapulisan.

Bukod pa riyan, ang mga ito rin ay nabubuksan para sa diskusyon tuwing regular na pulong ng MADAC Asingan, sapagkat, marahil, dahil na rin sa pagiging napaka-aktibo ng konsehong ito, at dahil na rin sa pagiging aktibo ng bawat kasapi, na maaaring ipagmalaki upang pamarisan ng iba pang munisipyo, at kadalasan ay nagkakaroon ng mga maiinit na argumento, pagtatanong at pagpapaliwanag, di lamang tungkol sa kampanya laban sa iligal na droga, kundi pati na rin sa lahat ng isyung nagaganap sa bayang ito.

Madalas tinatanong sa amin kung ano ba ang nararapat na gawin sa mga isyung ito.

Sa puntong ito po ay nais naming ilahad ang aming pananaw tungkol sa pagsali sa kapatiran. fraternity o sorority. Sa mata ng batas at sa mata naming mga kapulisan- NAPAKAGANDA NG MGA LAYUNIN AT HANGARIN NG KAPATIRAN, SUBALIT ANG NARARAPAT NA ITAGUYOD LALUNG-LALO NA PARA SA MGA KABATAAN AY ANG RESPONSABLENG PAGKAKAPATIRAN.

Ang kapatiran ay isang lugar para sa lahat. It is a place for learning and receiving tradition, ethics and most importantly discipline. It is not a place for misbehaving. Many students want to get involved in just fraternities and sororities for fun and party. But in reality, fraternities and sororities just want to show the significance of helping each other and learning together.

For that matter, Asingan MPS will REGULARLY COORDINATE with CIASI ASINGAN in order to keep abreast of the organization's noble programs and activities and to remind its officials and members NOT TO CROSS THE LINES and to PRESERVE RESPONSIBLE BROTHERHOOD.

Kaisa ninyo ang Asingan MPS sa pagpapalaganap ng responsableng kapatiran. Mabuhay ang samahang kapatiran! Agbiag ti Samahang Ilokano!

Kampo Oscar Florendo SFive Pangasinan Ppo Pangasinan Ppo Rolie Saltat Ryan Manongdo PCRG PNP Pio Asingan Samahang Ilokano

Binantayan ng Asingan MPS ang Drug Test sa Brgy Baro, Pinakamaraming Drug Surrenderers Nagtapos din ng CounsellingAsinga...
03/10/2016

Binantayan ng Asingan MPS ang Drug Test sa Brgy Baro, Pinakamaraming Drug Surrenderers Nagtapos din ng Counselling

Asingan MPS- Sa ika 2 ng Oktubre 2016, bandang 4:00 hanggang 6:00 ng hapon, ang mga personnel ng yunit na ito sa pamumuno ni PSI Reynante B Organista, DCOP, sa ilalim ng direksyon ni PCI Junmar C Gonzales, OIC, ay personal na nagbantay para sa Spot Drug Test ng mga 69 na Drug Surrenderer (DS) mula sa Brgy Baro (64) at Brgy Cabalitian (5) sa bayang ito.

Mula sa 21 na barangay ng Asingan, ang Brgy Baro ang siyang may pinakamaraming DS dahil na rin sa magandang ugnayan at pagtutulungan ng PNP at ang mga aktibong miyembro ng Brgy Council na pinamumunuan ni Punong Barangay Johnny Mar Agunias Carig.

Pagkatapos ng panglima at panghuling Counselling Session sa ilalim ng PROJECT TAMA SA PAGBABAGO para sa mga DS, ay sinorpresa ang mga ito sa Drug Test sa pamumuno ni Mam Karen Karolyne V Garcia at ng kanyang mga kasamahan mula sa RHU-1 at sabay na ding nagpa Drug Test ang mga miyembro ng Brgy Council.

On behalf of the men and women of Asingan MPS, let me convey our heartfelt appreciation to the Brgy Officials of Brgy Baro for actively and continuously supporting the cause of your local police force. Huwag po kayong magsasawang tulungan ang inyong kapulisan pagkat we will assure you na hindi rin kami magsasawang kayo ay tulungan sa oras ng inyong pangangailangan. Muli, maraming salamat po!

Kampo Oscar Florendo Pangasinan Ppo Rolie Saltat Ryan Manongdo Reynante Orghanista Arnel Bautista Pio Asingan

Mga Manong Pulis ng Asingan, Drug Surrenderers at Brgy Officials ng Dupac, Masaya't Sama-samang Naglinis sa Asingan MPS ...
29/09/2016

Mga Manong Pulis ng Asingan, Drug Surrenderers at Brgy Officials ng Dupac, Masaya't Sama-samang Naglinis sa Asingan MPS

"Masakit pag nakikita mo yung mahal mo na nasasaktan dahil sa mahal niya. Wala ka namang magawa kasi wala kang karapatan. Maiisip mo na lang, Bakit ang taong pinapangarap ko binabasura lang ng ibang tao?!"
- Hugot sa basura

Asingan MPS- Sa ngalan ng lahat ng bumubuo ng yunit na ito na pinamumunuan ni PCI Junmar C Gonzales, OIC, ay nais po naming magbigay ng taos-pusong pasasalamat sa mga nagsidalong Drug Surrenderers, CVOs at Brgy Kagawad ng Dupac na masiglang kasama namin sa paglilinis ng loob at labasan ng gusali ng himpilang ito.

Mapapansing dahil sa ongoing at nagdaang construction ng second floor na siyang nagdulot ng maraming BASURA at kalat sa loob at kapaligiran ng police station na maaaring pamahayan ng mga lamok at iba pang insektong masama sa kalusugan, kung kaya minabuti ng bagong OIC na magkaroon ng sama-samang paglilinis sa lahat ng kasulok-sulokan ng naturang himpilan. Napag-isipan ng aming liderato na imbitahan ang mga nasabing drug surrenderer, CVOs at brgy officials na agad-agad din namang inaprubahan ng kanilang Punong Barangay na si Ginoong Larry Cardinez.

Sa gawaing ito, ay pinagtulungang linisin ang bawat maruruming lugar sa istasyon, pati na rin ang ginagawang Legislative Building na katabi nito. Pagkatapos ng masayang paglilinis ay aming pinagsaluhan ang aming sariling bersyon ng mainit at masarap ding Arroz Caldo. Ito ang pagpapatunay na walang katumbas ang magandang samahan, tiwala at pagtutulungan ng mga kapulisan at mga mamamayan partikyular sa pagpapanatili ng isang malinis, maayos at tahimik na pamayanan. Sa lahat ng mga aktibong bumubuo ng Brgy Council, CVOs, Drug Surrenderers at mga residente ng Dupac, asahan po ninyong nasa likod ninyong lagi ang inyong mga kapulisan. Kung kailangan po ninyo ng aming tulong ay wag din kayong mahihiyang tawagin ang aming pansin at kami naman ang pupunta sa inyong barangay. Muli, hanggang sa uulitin at maraming salamat po.

Kampo Oscar Florendo Pangasinan Ppo Rolie Saltat Ryan Manongdo Reynante Orghanista Baluca Pio Asingan PCRG PNP

Anonymous Donor, Nagbigay ng Stuff Toys Para sa Project Papa Bear"In a world where everyone seems to be larger and loude...
29/09/2016

Anonymous Donor, Nagbigay ng Stuff Toys Para sa Project Papa Bear

"In a world where everyone seems to be larger and louder than yourself, it is very comforting to have a small, quiet companion."
- Peter Gray

Asingan MPS- Sa ika-29 ng Setyembre, 2016, isang ayaw magpakilalang dalaga, ang nagbigay ng kanyang mga donasyong stuff toys para sa PROJECT PAPA BEAR.

Sa puntong ito, ay nais magbigay ng pasasalamat ng yunit na ito sa pamumuno ni PCI Junmar C Gonzales, ang bagong Officer-In-Charge (OIC), sa kung sino man po ang anonymous donor na nagbigay handog ng mga laruan kanina at pati na rin sa lahat-lahat ng mga sumusuporta sa proyektong ito para sa mga kabataang napupunta sa aming himpilan, bisita, kamag-anak ng suspek at biktima o ang biktima mismo ng karahasan at anumang aksidente.

Tinatakpan po ang kanilang mukha sa litrato upang mapangalagaan din ang kanilang katauhan. Patuloy po nating gabayan, pangalagaan at pakaingatan ang mga bata dahil sila ang kinabukasan ng bayang Asingan.

Sana po ay hindi kayo manghinayang at magsawa sa pagsuporta sa proyektong ito ng Asingan MPS, sapagkat, bawat laruan na inyong ilalaan ay para rin sa mga kabataaan sa inyong sariling bayan, para lumaki silang may takot sa Diyos, may tiwala sa kapulisan at lumaking isang responsableng mamamayan. Muli, maraming salamat po.
Kampo Oscar Florendo Pangasinan Ppo Pio Asingan Pio Oscar Florendo Ryan Manongdo Le Joy Sion Carmen Saccu Marivic Salagubang Robeniol PCRG PNP

Isang Mainit at Masarap na Arroz CaldoAsingan MPS- Sa ika 28 ng Setyembre 2016, bandang alas dos ng hapon, habang tinata...
28/09/2016

Isang Mainit at Masarap na Arroz Caldo

Asingan MPS- Sa ika 28 ng Setyembre 2016, bandang alas dos ng hapon, habang tinatahak sa patrolya ang ilang barangay ng bayang ito, ay nakipag-ugnayan ang mga personnel ng yunit na ito sa mga nakaduty sa isang brgy hall.

Dahan-dahan naming pinarada ang patrol mobile sa harapan ng "abong" o brgy hall, at laking gulat namin na mayroong mga masasaya at magagalang na nakaduty sa loob mismo ng gusali. Nakatataba ng puso sapagkat, sa halip na maghirap pa kami na maghanap ng brgy official na kailangang makaugnay namin sa mabilis na panahon ay di lamang iisa, kundi, marami ang naghihintay sa amin na pawang "excited" pa na makita at matulungan ang kanilang mga kapulisan. Oo, di lamang iisang brgy official, brgy tanod, CVO at mga residente ang nakita namin kundi isang grupo ng mga nagkakaisang magkakabarangay na naghandog pa ng isang mainit at masarap na arroz caldo.

Tama, isang mainit ngunit masarap na arroz caldo, isa lamang iyong simpleng meryenda,

Subalit habang ako na ay papayuko na at papahawak sa isang salumpuwit, natanto kong hindi lamang iyon isang simpleng mangkok ng mainit na sabaw kundi ito ay mayroong maliliit na hibla ng karne ng manok, mabango at pinalambot na kanin, konting kurot ng paminta at halimuyak ng masustansyang luya. Isang simple ngunit napakasarap na sabaw sa harapan ng mga mainit at magalang na tumatanggap at tumutulong sa kapulisan.

Right there at that very moment, I simply sat for a minute with them, chatting cheerfully despite of the noise of rain drops in the roof, while watching thin wisps of steam rising from the surface of the bowl.

It was just a bowl of soup. I'd never given much thought to the origins of this food. I simply but happily ate with them, and went to
conducting dialogue, exchange short laughter and stories and then went back to the police station to continue my long day duty. And once I was at the station, in my room, I've been thinking a lot lately about the "inter-connectedness" of all things, and a great understanding coalesced for me from that old white-and-brown bowl. In a flash, I glimpsed the gigantic web of law enforcement and the community that had brought this soup to my satisfied tummy. It was a sign of warm trust and connection. Isa iyong simbolo ng napakainit na pagtanggap, pagtitiwala at pagbibigay nila ng suporta sa aming mga kapulisan.

Sa puntong ito, ay nais naming bigyang puwang ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang mga brgy na may duty sa magdamag, gayundin ang manawagan sa lahat ng mga brgy officials na hanggat maaari po ay mayroon sana kahit isang nakaduty sa inyong mga brgy hall, sa umaga man o sa gabi, elective position man o appointed, kahit matulog siya sa mismong brgy hall, basta't mayroon kaming taong malalapitan na maaaring makasagot sa mga pagbibisita at paghingi namin ng assistance o kasagutan sa aming mga katanungan, lalung-lalo na sa gabi-gabi naming pagpapatrolya. Napakalaki pong tulong pag mayroong duty sa inyong mga pook lalo pa't 90% sa aming inyong mga kapulisan ay hindi taga rito sa inyong bayan.

At bilang pagtatapos, ay nais ko na ding kunin ang pagkakataong ito na pasalamatan ang lahat ng BARANGAY OFFICIALS, CVO, BRGY TANOD, BPATS, BRGY HEALTH WORKERS AT IBA PANG MGA NAGDUDUTY sa kani-kanilang mga brgy hall. Nasa likod po ninyo lagi ang inyong mga kapulisan. Batid po naming lahat kung saan ang marami, mayroon at iyong wala. Sana ay pagtulungan nating protektahan ang katahimikan at kaayusan ng inyong bayan. Muli, maraming salamat po.

Kampo Oscar Florendo Pangasinan Ppo Ryan Manongdo Meg Meg PCRG PNP Pio Asingan Pio Oscar Florendo Larry Cardinez

Thank You PCI Ryan L ManongdoAng huling hugot ni Mr Insensitive…BOY: "Miss Asingan, PULIS ka ba?"GIRL: "Bakit?"BOY: "Gus...
26/09/2016

Thank You PCI Ryan L Manongdo

Ang huling hugot ni Mr Insensitive…
BOY: "Miss Asingan, PULIS ka ba?"
GIRL: "Bakit?"
BOY: "Gusto ko kasing malaman mo na kahit saan ka man kalayo MADESTINO, ay mananatili ka pa rin sa isip at sa puso ko."

Sa bawat pag-alis, mayroong dumarating, ang buhay ng pagpupulis minsan ay parang hugot lang, minsan masaya, minsan malungkot, pero sa kabuuan, ay may malalim na rason, gaya na lamang ng pagkakadestino sa iba’t-ibang lugar. At di gaya ng ibang propesyon, sa aming mga pulis, we get in touch, and when I say this, I mean that we really get intimately in touched with the community we serve almost every hour, every day, night in and night out. Kaya kahit na sa kabila man ng katotohanan na, nanumpa, bilang mga kasapi ng Pambansang Pulisya na nakahandang ma-assign sa anumang pook, ay di pa rin maikakaila na napakasakit iwan ang lupang napamahal na at ang pinakamahapdi nito ay ang layuan at iwan ang mga taong naging bahagi na ng iyong buhay.

Again, this is not a drama and this is also neither an advertisement nor a propaganda because I believe that a true gwaPULIS should not only be handsome and intelligent on the outside and in the inside, but he should also be strong enough to stand and walk tall despite the different hardships, controversies and sacrifices he should bare for the noblest profession on Earth - the POLICE PROFESSION.

Dahil walang sinuman ang may karapatan na magdalawang isip at magsabi, na kahit sa loob lamang ng maikling panahon ay maliit ang mga pagbabagong naganap at napuna di lamang sa karakter ng mga kapulisan kundi pati na rin sa lipunang pinagsisilbihan.

Hindi lamang siya umasa sa awa ng Diyos, kundi may gawa. Hindi lamang purely crime prevention, crime solution at public safety functions ang nais niya, bagkus ay sinamahan pa niya ito ng ibayong kasipagan at pagpapahalaga sa bawat aspeto ng pamayanan, pagbibigay malasakit sa mga kabataan at kababaihan na siyang madalas biktima ng karahasan; paglalaan ng dedikasyon sa pagtulong sa mga Drug Surrenderer hindi para magpapawis ng sayaw o zumba o kung anu-ano man, kundi ang isang napakabusising proseso upang matugunan ang tunay na pagbabago, ang tamang mga hakbang hindi lamang para sa paglilinis ng indibidwal na katauhan ng drug personality, kundi pati na rin ang pagtanggap sa kanya ng kanyang pamilya at kamag-anak, ang pagtuturo ng pananalig sa Diyos kasama ng mga butihing Pastor ng bayang ito, at ang pag-akay sa kanila sa isang maliwanag na kinabukasan, sa pamamagitan ng sapat na kasanayan at kaalaman upang makapasok sa isang marangal na trabaho.

Gayundin, pinamunuan niya ang isang grupo ng mga batang kapulisan na batid kong sa pagdaan ng marami pang panahon sa kanilang serbisyo-publiko, siya ay isang inspirasyon at idolong kanilang pilit na pamamarisan, sapagkat, una sa lahat, hindi siya naging madamot at walang pakundangang naging lider, kuya at g**o upang ang mahahalagang prinsipyo, kaalaman at karunungang alam na niya at sinulat pa mismo niya, ay babaunin namin kahit saan din kami padparin ng tadhana, at siya rin naming ipapasa sa mga susunod pang henerasyon ng pulis sa amin.

Bagamat hindi naging madali ang lahat, dahil ang ilang hanggang salita lamang na napapako lamang sa kanikanilang mga upuan ng kanilang opisina, ay walang habas na nangutya at nagduda, masasabi kong isa siyang tagumpay. Tagumpay dahil mula sa alikabok ng iba’t-ibang kontrobersiya ay nagtagumpay siya sa pagbuo ng isang konkretong gusali na iginagalang, tinitingala, minamahal at pinagkakatiwalaan ng mga mamamayang dati-rati ay natatakot at may negatibong pagtingin sa kapulisan. Sayang nga lamang at napakarami pa ng magagandang plano na inyong akda na sana ay maipagpatuloy hindi lamang sa bayang ito kundi sa mas marami pang lugar.

In this respect, from the bottom of our saddened hearts, may we convey our greatest appreciation and heartfelt thanks to all your efforts, guidance and innovative no-non sense leadership, not only geared towards helping this town and its community, but for leniently and effectively leading and showing a group of twenty-three former public safety force, the right path to see their potential and to become competitive, credible and professional God-fearing law enforcers.

Once again, on behalf of the men and women of Asingan MPS, thank you Sir and may the Lord bless you always with more knowledge, enthusiasm and good health into your new assignment. Thank you Manong Pulis, thank you POLICE CHIEF INSPECTOR RYAN L MANONGDO!

Kampo Oscar Florendo Cpcrb Pangasinan Pangasinan Ppo PCRG PNP Pio Asingan Pio Oscar Florendo Rolie Saltat Ryan Manongdo

Born Again Christians Nagbigay ng Napakaraming Laruan Para sa Project Papa Bear"Bilang isang Pastor, tungkulin kong pang...
26/09/2016

Born Again Christians Nagbigay ng Napakaraming Laruan Para sa Project Papa Bear

"Bilang isang Pastor, tungkulin kong pangalagaan hindi lamang ang mga nananalig sa Panginoon, kundi, tungkulin ko din ang tulungan at baguhin ang mga nais pang manalig sa Kanyang banal na Pangalan."
- Pastor Arnel Bautista, Pastor Leader, Aliaga Foursquare Church and Asingan Ministers Fellowship (AMF)

Asingan MPS- Sa ika 25 ng Setyembre 2016, bandang alas 9:30 hanggang alas 12 ng hapon, ay dumalo ang mga personnel ng yunit na ito sa pangunguna ni PSI Reynante B Organista, DCOP, sa ilalim ng direksyon ni PCI Ryan L Manongdo, OIC, upang magsamba, magpakilala at pormal na tanggapin ang mga samut-saring laruan at donasyon para sa PROJECT PAPA BEAR, mula sa mga Born Again Christians ng Foursquare Church, sa pamumuno ng napaka-aktibong tagapangasiwa na si Pastor Arnel Bautista.

"To tell you frankly, noong una, ayaw naming magtagal na ma-assign dito sa Asingan, pero bilang mga alagad ng batas na may takot at pananalig sa Diyos, isa ang kalipunan ng mga ministro ng Asingan sa katauhan ni Pastor Bautista, kung kaya't pilit kaming magpupursige sa paglilinis ng bayang ito, kontra sa anumang uri ng kriminalidad partikyular na ang iligal na droga. Dahil sa kanila, kaya gusto naming magtagal at ipaglaban ang kaayusan at katahimikan ng inyong bayan.", testimonya ni PSI Organista.

Sa punto pong ito ay nais naming magbigay ng taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng mga miyembro ng AMF at iba pang mga liderato ng mga simbahan sa bayang ito sa pagbibigay ng makatotohanang paggabay sa lahat ng tao, lalung-lalo na iyong mga gumagabay sa counselling ng ating mga drug surrenderers bilang pangalawang bahagi ng PROJECT TAMA SA PAGBABAGO. Batid po namin ang hirap at bigat ng responsibilidad na inyong inaambag sa mga proyekto naming mga bagong kapulisan, kung kaya naman, kaisa din po ninyo kami sa lahat-lahat ng inyong mga programa at mga gawain, lalo pa't marami sa amin ay BORN AGAIN CHRISTIANS, sa pangunguna ng aming mahal na hepe at deputy.

Maraming salamat sa lahat-lahat ng nagbigay ng mga laruan, luma man o bago, makakaasa kayong maraming buhay ng mga bata lalo na ng mga biktima ng karahasan at aksidente ang inyong mabibigyan ng agarang kanlungan, inspirasyon at pagmamahal na makapagpapabago sa kanilang pananaw at buong buhay.

Nais din po naming bigyang pansin ang pagkakataong ito para sa mga taong nagagalit o nagkakaroon ng pangit na imahe para sa mga pastor, barangay captain, iba pang brgy officials at iba pang mga tao, na ang tanging hangarin ay tumulong sa amin na baguhin, pangaralan at tulungan ang mga drug surrenderers, sapagkat ang buong sandatahan ng PNP, hindi lamang ng bayang ito, kundi ang kalipunan ng mga pulis sa buong Pilipinas, ay palaging nasa kanilang likuran. Sa inyong mga mabubuting Pastor, makakaasa po kayo sa aming tulong, kaisa ninyo kami sa lahat, kahit dumating man ang pagkakataong maghalo na ang balat sa tinalupan.

Once again, on behalf of the men and women of Asingan MPS, we would like to take this opportunity, to convey our heartfelt gratitude and appreciation to the leadership and members of the said church, for all the toys and donations you have given for our project towards the children of this town.

Maraming salamat at kaisa po ninyo kami sa pagpapalawig ng mga salita at gawa ng Diyos, na aming itatangi at pahahalagahan, saan man kami mapadpad at manungkulan, even in our future destinations and assignments as police officers. God Bless the Servants of the Lord.

Malayo Man ay Susuungin, Asingan MPS Muling NagTokHang sa San Vicente East“Gaya ni Steve Maraboli, naniniwala kami na hi...
26/09/2016

Malayo Man ay Susuungin, Asingan MPS Muling NagTokHang sa San Vicente East

“Gaya ni Steve Maraboli, naniniwala kami na hindi nasusukat ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kapwa tao, dahil lamang sa ating kagustuhan, kundi, dahil sa pag-ibig sa kapwa at sa Diyos, upang sila'y matiis at maabot, gaano man sila kahirap marating."
- PSI Organista

Asingan MPS- Muling pumadyak sa mga parang at kasulok-sulokan ng bayang ito ang mga kapulisan ng yunit na ito sa pangunguna ni PSI Reynante B Organista, DCOP, sa ilalim ng direksyon ni PCI Ryan L Manongdo, Officer In Charge, upang magtungo, magalugad at makausap ng masinsinan ang mga drug personalities (DP) sa Brgy San Vicente East.

Pinagtiyagaan nilang isa-isahing tuktokin ang mga bawat bahay at magalang na kinausap ang mga naturang drug personalities na sinaksihan ng mga brgy kagawad, CVOs at iba pang brgy officials.
Pagkatapos ng nasabing gawain, anim na DP ang personal na sumuko sa aming himpilan mula sa mga nabisitang pook at ang mga ito ay nagpahiwatig din ng kanilang pakikiisa sa mga proyekto ng pagbabago ng kapulisan.

Sa puntong ito ay nais naming ipahiwatig na puspusan pa rin ang aming pagpapatuloy ng Oplan TokHang kung kaya nais naming kunin ang pagkakataong ito upang mapagsabihan ang mga mamamayan na huwag ikahiya at katakutan ang mga naTokHang, bagkus, ay suportahan natin sila na pumunta sa aming himpilan upang personal na sumuko ng sa gayo'y sila'y aming matulungan. Gayundin ang mga brgy officials at residente na natatakot pa ring sumama sa pakikipag-usap sa mga DP. Katuwang po ninyo kami lagi sa inyong likuran at hanggat naririto kami sa inyong bayan, lagi po kaming susuporta din sa anumang magagandang programang inyong ilulunsad. Tawagin lamang ninyo po ang aming pansin.

Hayaan rin ninyong kunin ko na din ang pagkakataong ito, upang mapasalamatan ang mga aktibo at napakasuportibong brgy officials na matiyagang kasama namin na naglalakad sa init ng kalsada at ng araw, gayundin ang mga personal na sumasama pa mismo sa kanilang mga constituents na magsusurrender sa aming himpilan.

On behalf of the men and women of Asingan MPS, consider this as a simple act of commendation to all your unwavering support to the drug surrenderers as well as your local police. Mabuhay po kayong lahat!

Address

Asingan
2439

Telephone

+639054618881

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Asingan Manong Pulis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Asingan Manong Pulis:

Share