20/08/2026
Linggo ng Kabataan: Talino at Husay Contest!
Mainit na palakpakan para sa ating mga kabataang nakiisa at nagpamalas ng husay sa Spelling Bee, Quiz Bee, at Poster Making Contest. Tunay ninyong pinatunayan na ang kabataang Pilipino ay hindi lang malikhain, kundi puno rin ng talino at dedikasyon. Kasabay nito, naging matagumpay rin ang ating Libreng Gupit para sa ating mga kabataan at sa buong komunidad—isang simpleng paraan upang maghatid ng alaga at serbisyo para sa lahat.
Pasasalamat sa ating mga organizers, judges, volunteers, at sa bawat pamilyang sumuporta!
Patuloy nating itaguyod ang talino, sining, at serbisyo para sa ating bayan. Hanggang sa susunod na hirit ng galing at bayanihan!