14/08/2026
Ligtas Tigdas 2026
Noong Miyerkules, Agosto 12, 2026, nagsagawa ang RHU Aurora katuwang ang Kagawaran ng Kalusugan Region 2 ng Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity dito sa ating barangay, kasama ang ating mga Barangay officials at mga masisipag na BNS at BHW.
Layunin ng programang ito na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas at rubella, maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, at mapanatili ang isang malusog at ligtas na komunidad. Ang pagbabakuna ay isang mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat bata at mabigyan sila ng mas ligtas at malusog na kinabukasan.
Maraming salamat sa RHU Aurora, DOH Region 2, ating mga Barangay Officials, BNS, BHW, at sa lahat ng magulang at residente na nakikiisa at sumusuporta sa programang pangkalusugan ng ating barangay. Sama-sama para sa mas ligtas, malusog, at protektadong komunidad! ๐โค๏ธ