21/08/2026
๐๐ฅ๐๐๐ฒ, ๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ข๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐๐ ๐ ๐ง๐ ๐๐-๐๐๐
(Legazpi City, August 21, 2026) Nanguna pa rin ang lalawigan ng Albay sa may pinakamataas na immunization coverage sa nagpapatuloy na 2026 Ligtas Tigdas Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa rehiyong Bicol.
Batay sa Partial and Unofficial Quick Count ng Department of Health-Bicol Center for Health Development (DOH-Bicol CHD) na inilabas nitong Agosto 21, nasa 110,176 na mga bata sa Albay ang nabakunahan, katumbas ng 83.32% ng 132,231 target na mga batang kailangang mabakunahan sa lalawigan.
Pinakamataas ang porsyento ng Albay sa lahat ng mga lalawigan at lungsod sa rehiyon.
Sumunod sa Albay ang Masbate na may 72.56%; Catanduanes na may 59.42%; Camarines Sur na may 56.53%; Sorsogon na may 55.55%; Camarines Norte na may 52.88%; at Naga City na may 47.23%.
Sa buong rehiyong Bicol, umabot na sa 413,573 na bata, o 63.91% ng kabuuang target na 647,092, ang nabakunahan sa nagpapatuloy na MR-SIA.
Patuloy namang hinihikayat ng mga health authorities ang mga magulang at guardians na pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan upang protektahan ang mga ito laban sa tigdas at rubella.
Ayon sa DOH-Bicol CHD, ang bakuna laban sa tigdas ay ligtas, epektibo at libre.
Pinapayuhan ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health center upang malaman ang iskedyul ng pagbabakuna at matiyak na mabibigyan ng proteksiyon ang kanilang mga anak.
Ang MR-SIA ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapataas ang vaccination coverage at maiwasan ang pagkalat ng tigdas at rubella sa mga komunidad.
CMDacoro, Albay PIO