05/09/2026
Ngayong hapon, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng 10 kilos na bigas sa bawat household ng ating barangay bilang bahagi ng Rice Distribution Program ng LGU Bacacay.
Lubos ang ating pasasalamat kay Hon. Mayor Nookie Bombales at sa LGU Bacacay sa programang ito na naglalayong maabot at mabigyan ng tulong ang bawat pamilya sa ating barangay. π
Maraming salamat din sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maging maayos ang distribution, at sa ating mga kabarangay sa inyong pasensya at pakikipagtulungan.