30/08/2026
๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก, ๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก, ๐๐๐ก๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐๐ก
Ngayong araw, Agosto 30, hindi napigil ng ulan ang mga kabataan ng Barangay Sta. Rita na magsama-sama para magtanim ng mga fruit-bearing trees. Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan katuwang ang SANRIYO - Sta. Rita Youth Organization, muling napatunayan na ang kabataan ay handang maging aktibong tagapag-alaga ng kalikasan.
Ang programang ito ay naka-angkla sa SDG 13 - Climate Action at SDG 15 - Life on Land. Layunin nitong maitanim sa kabataan ang malasakit para sa kalikasan, na kahit maliit ngunit tuluy-tuloy na hakbang ay maaaring magbunga ng malaking pagbabago.
Naniniwala ang Sangguniang Kabataan na ang pangangalaga sa ating inang kalikasan ay isang mahalagang tungkulin na dapat isabuhay ng bawat kabataan, hindi lamang bilang responsibilidad sa kasalukuyan, kundi para sa kinabukasan.
๐๐ด๐๐๐๐๐ฏ๐ผ. ๐๐ฟ๐ฎ๐บ๐ถ๐ฑ. ๐๐ด๐๐๐น๐๐๐น๐ผ๐.