04/05/2026
Hindi kailangan maging maingay para marinigโminsan sapat na ang tahimik pero may matibay na paninindigan.
Sa pagtatapos ng aming laban sa Mayorโs Sports Cup Basketball Tournament 2026, ipinagmamalaki naming tinapos ang aming karera bilang Top 2 sa Bracket B โ Division 1 na may 9-2 record. Hindi man ito ang pinakahuling destinasyon na aming inaasam, malinaw sa amin kung paano namin ito naratingโwalang tinapakang tao, walang sinirang iba, kundi lumaban nang patas, may puso, at may iisang hangarin.
Hindi man namin napagtagumpayan ang hamon sa quarter finals, ipinakita pa rin ng aming koponan ang tunay na diwa ng laban. Sa aming ikalawang laro kontra Quirino, ang natitirang 7 players ay buong tapang na lumaban nang patas hanggang sa huling buzzer, sa pagtatapos ng laro na may iskor na 91-80. Maaaring hindi pumanig sa amin ang resulta, ngunit hinding-hindi nito mababawi ang ipinakitang puso, determinasyon, at pagkakaisa ng bawat isa.
Heads up langโhindi lahat ng laban ay nasusukat sa scoreboard. May mga laban na nasusukat sa respeto, prinsipyo, at kung paano mo pinanghahawakan ang sarili mo kahit hindi pabor ang sitwasyon. At doon, alam naming panalo kami.
Nawaโy magsilbi itong paalala na hindi lahat ng bagay ay aayon sa ating kagustuhan. Darating ang mga pagkakataon na susubukin ang ating katatagan, pagkakaisa, at paninindigan. Ngunit sa huli, ang mga inaalipusta at minamaliit ay siyang mas lalong pinatitibay at itinataas ng panahon.
Sa lahat ng sumuporta, naniwala, at patuloy na tumindig kasama naminโmaraming salamat. Hindi dito nagtatapos ang kwento ng Bagutot Basketball Team. Isa lamang ito sa mga kabanatang huhubog sa mas matatag at mas handang pagbabalik.