Sangguniang Barangay Poblacion Baco

Sangguniang Barangay Poblacion Baco Sangguniang Brgy. Poblacion Baco Group Page

08/08/2023
01/11/2022
16/08/2022

Bumisita sa tanggapan ni Mayor Allan A. Roldan ang Punongbarangay ng Barangay Poblacion na si G. Ernesto Prado Jr.
Sa nasabing pagbisita ay tinalakay nila ang mga parating na proyekto sa Barangay Poblacion. Ilan sa mga proyektong ito ay ang Concreting of Road ng Sitio Parang, Star Apple at ang pagsasaayos ng daan mula sa Munisipyo hanggang sa Barangay Hall.

Ayon sa Punongbarangay, patuloy pa rin ang konstruksyon ng Covered Court sa loob ng Benito Villar Memorial School. Kaugnay nito, ibinalita rin ng Punongbayan ang ilan pang mga proyektong darating at ipapatupad sa darating na taong 2023.

Nagpasalamat naman ang buong Sangguniang Barangay ng Poblacion kay Mayor Roldan para sa patuloy na pagsuporta nito sa kanilang mga pamunuan.

Nangako naman ang Punongbayan na susuportahan niya ang magagandang layunin ng pamunuan ni Kapitan Prado sapagkat nakikita niya ang malasakit at dedikasyon nito sa paglilingkod. | August 16, 2022

Credits to: DJ Gina Macuha

Address

Poblacion
Baco
5201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Poblacion Baco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share