05/06/2026
๐๐จ BRIGADA ESKWELA 2026 ๐จ๐
"Ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi katuwang din sa paghubog ng mas maayos na kinabukasan."
Ngayong ika-5 ng Hunyo 2026, buong pusong nakilahok ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Sta. Cruz sa isinagawang Brigada Eskwela 2026 sa Sta. Cruz Elementary School bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, paglilinis, at pagbibigay ng oras at serbisyo, ipinakita ng ating mga kabataan ang diwa ng bayanihan at malasakit para sa edukasyon ng bawat mag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng mga kabataang boluntaryong nakiisa at naglaan ng kanilang panahon upang maging ligtas, malinis, at handa ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.
๐ Sama-sama para sa mas maayos na paaralan, mas maliwanag na kinabukasan!
๐