18/09/2026
MUNICIPAL COOPERATIVE DEVELOPMENT COUNCIL (MCDC) MEETING | SEPTEMBER 16, 2026
Isinagawa noong Setyembre 16, 2026 ang Municipal Cooperative Development Council (MCDC) Meeting ng Bayan ng Baco upang talakayin ang mahahalagang usapin at mga hakbang tungo sa patuloy na pagpapalakas, pagpapaunlad, at pagkakaisa ng mga kooperatiba sa bayan.
Naging bahagi ng pagpupulong ang ating panauhing si Sir Bejay Dimalibot mula sa Municipal Tourism Office, na nakibahagi sa talakayan at sa mga inisyatibong maaaring makatulong sa pagsusulong ng mga produkto, serbisyo, at potensyal ng ating mga kooperatiba.
Samantala, nakiisa rin ang Provincial Cooperatives Development Office Oriental Mindoro (PCDO) sa pangunguna ni Sir Orlando B. Tizon, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga kooperatiba sa Gawad Tanglaw ng Kooperatiba 2026. Layunin nito na mahikayat ang mga kooperatiba na maipakita ang kanilang mga programa, accomplishments, good practices, at ambag sa pagpapaunlad ng kanilang mga kasapi at ng komunidad.
Binigyang-halaga rin sa pagpupulong ang pangangailangang mas pagtibayin ang samahan at koordinasyon ng MCDC ng Baco, upang magkaroon ng mas maayos at nagkakaisang direksyon sa pagsusulong ng cooperative development sa bayan.
Sa patuloy na suporta at pamumuno ni Municipal Mayor Allan "AR" Roldan, nananatiling mahalagang katuwang ng Pamahalaang Bayan ang mga kooperatiba sa pagsusulong ng inklusibong pag-unlad, kabuhayan, at mas matatag na komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng MCDC, mga kooperatiba, at mga katuwang na tanggapan, patuloy nating isinusulong ang isang mas organisado, produktibo, at matatag na cooperative sector sa Bayan ng Baco.
Sama-sama para sa mas matatag na kooperatiba, mas masiglang kabuhayan, at mas maunlad na Baco! 💚🤝