05/08/2026
๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง. ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ.
๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐
๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐๐๐ | Isinasagawa sa Lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental ang "Orientation and Writeshop on the Institutionalization of the Public Service Continuity Plan (PSCP) for the Field Offices of DILG NIR." Layunin nitong higit pang patatagin ang kahandaan ng DILG Negros Island Region upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyong pampubliko sa kabila ng mga sakuna, krisis, at iba pang pagkaantala sa operasyon.
Binigyang-diin ni Panrehiyong Direktor Lailyn A. Ortiz, CESO IV, na ang PSCP ay mahalagang hakbang sa pagpapatatag ng institusyon sa pamamagitan ng nagkakaisang paghahanda at tuloy-tuloy na paglilingkod sa publiko. Masigla ring tinanggap ni PD Farah Diba G. Gentuya ang mga delegado sa presensya nina Kawaksing Panrehiyong Direktor Teodora P. Sumagaysay, CESO V, at PD Dennis A. Quiรฑones.
Pinangunahan ni G. Adonairam Catapia ng Office of Civil DefenseโNIR ang mga teknikal na sesyon, katuwang sina Bb. Alfa Marie de los Reyes at G. Eduard G. Lutao ng DILG NIR. Sa pamamagitan ng mga talakayan at writeshop, sinimulan ng mga kalahok ang pagbuo ng kani-kanilang PSCP sa pagtukoy ng mahahalagang tungkulin, pagsusuri ng mga panganib, at pagbuo ng mga estratehiya upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng bawat tanggapan ng Kagawaran sa probinsya at syudad ng NIR.