29/06/2026
“Hindi salita. Kundi pagsuko:
Not Words. But Surrender.”
"Ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?" (Mateo 19:16). Sumagot si Jesus ayon sa tanong niya: "Kung ibig mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga utos."
Ngunit nang sabihin ng lalaki na tinutupad na niya ang mga ito, ipinakita ni Jesus ang tunay niyang problema—ang puso niyang nakakapit sa kayamanan. Umalis siyang malungkot dahil mas mahal niya ang kayamanan kaysa sa Diyos.
Pagkatapos nito, sinabi ni Jesus na "sa tao ito ay imposible, ngunit sa Diyos ang lahat ng bagay ay posible" (Mateo 19:26). Iyan ang punto ng kwento: walang naliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan, kundi sa biyaya ng Diyos.
Kaya hindi salungat ang turo ni Jesus sa Ephesians 2:8–9. Ang kautusan ay nagpapakita ng ating kakulangan, ngunit si Cristo ang nagbibigay ng kaligtasan. Ang pagsunod ay bunga ng kaligtasan, hindi ang batayan nito.