18/08/2026
๐๐-๐ก๐๐ฅ ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฎ๐๐ป๐ฐ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด โ๐๐๐๐๐จ๐๐๐๐ง: ๐ฝ๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐จ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐ - ๐๐๐จ๐๐ฎ๐๐จ ๐๐๐โ
Nakibahagi ang Department of Agriculture - Negros Island Region (DA-NIR) sa grand launching ng โ๐๐๐๐๐จ๐๐๐๐ง: ๐ฝ๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐จ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐ - ๐๐๐จ๐๐ฎ๐๐จ ๐๐๐โ na ginanap noong Agosto 14-15, 2026 sa Negros Oriental State University (NORSU), Dumaguete City, Negros Oriental.
Pinangunahan ng House of Representatives, ang Legishear ay nagsilbing plataporma para sa publiko upang maibahagi ang kanilang mga pananaw, mungkahi, at rekomendasyon hinggil sa mga panukalang batas. Sa pamamagitan nito, binibigyang-daan ang mas malawak na pakikilahok ng mga mamamayan sa proseso ng pagbuo ng mga batas at paghubog ng mga panukalang tumutugon sa kanilang mga pangangailangan at karanasan.
Bilang bahagi ng aktibidad, inilapit ng DA-NIR sa mga dumalo ang ibaโt ibang programa at serbisyo ng ahensya. Kabilang dito ang pamamahagi ng libreng planting materials at seedlings, vermicast, mga aklat at information materials, gayundin ang libreng pagpaparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS), at Civil Society Organization (CSO) accreditation. Isinagawa rin ang pamamahagi ng mga unclaimed Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFF) sa mga kwalipikadong benepisyaryo at pagbebenta ng bigas sa halagang โฑ20 kada kilo.
Sa pamamagitan ng pakikibahagi sa naturang aktibidad, patuloy na inilalapit ng DA-NIR ang mga serbisyo at oportunidad ng pamahalaan sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor ng agrikultura. Higit pa sa pagpapabatid ng mga programa, nagsisilbi rin itong daan upang mas madaling makaugnayan ng publiko ang ahensya at matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng mga serbisyong maaaring ma-access ng kanilang mga komunidad.
โ
โ