05/09/2026
Isang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng naging bahagi ng Ligtas Tigdas 2026. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at suporta ng ating mga stakeholders at partners, umabot sa 200,455 na batang edad 6โ59 buwan ang nabakunahan sa buong Negros Island Region, katumbas ng 45.8% coverage rate.
๐ Negros Occidental: 140,237
๐ Negros Oriental: 35,899
๐ Bacolod City: 22,265
๐ Siquijor Island: 2,054
Lubos ang aming pasasalamat sa mga Local Government Units, Provincial at City/Municipal Health Offices, health workers, barangay health workers, volunteers, mga magulang at tagapag-alaga, mga partner agencies, development partners, private sector, civil society organizations, media partners, at iba pang stakeholders na naglaan ng oras, serbisyo, resources, at suporta upang maisulong ang pagbabakuna sa ating mga komunidad.
Ang bawat bakuna, bawat batang naabot, at bawat pamilyang nakiisa ay bahagi ng sama-samang pagsisikap na maprotektahan ang mga bata laban sa measles at rubella.
Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, pakikiisa, at patuloy na pagtutulungan. Ang Ligtas Tigdas 2026 ay patunay na mas malakas ang proteksyon ng ating mga komunidad kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan.
Ligtas Tigdas 2026
Proteksyon ng bawat bata, sama-sama nating pinangangalagaan.