31/05/2026
📢 PAALALA PO SA LAHAT 📢
Sa lahat po ng humihingi ng soft copy ng aking mga files, nais ko pong humingi ng pang-unawa kung hindi ko po kayang masagot at ma-send ang lahat ng inyong mga requests.
Karamihan po ng aking mga gawa ay naka-PDF format na. Ngunit may paraan po para ma-edit at ma-personalize ninyo ang mga ito. Maaari po ninyong i-save ang aking mga posts at i-upload sa Canva upang ma-edit ayon sa inyong pangangailangan.
Isa rin po sa dahilan kung bakit hindi ko kayang i-send ang lahat ng files ay dahil hindi po sapat ang storage ng aking cellphone para ma-save at maipadala ang napakaraming requests na natatanggap ko araw-araw.
Para mas madali at mas maraming editing features ang magamit, kinakailangan po na naka-Canva Premium kayo.
Maraming salamat po sa inyong suporta, pag-unawa, at patuloy na pagtangkilik sa aking mga gawa. ❤️🙏