27/05/2025
UNANG KABANATA NG IMPLEMENTASYON NG LISTO SI KAP (Komunidad At Punong Barangay) ISINAGAWA; LAHAT NA MIYEMBRO NG BDRRMCs, BARANGAY OFFICIALS AT SK OFFICIALS NA GALING SA LABING-ANIM (16) NA BARANGAYS NG BACOLOD, LANAO DEL NORTE DUMALO !!!
Batay sa Pagpapayo galing sa DILG Provincial Office noong Mayo 21, 2025, ang lahat na miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees, Barangay Officials at Sangguniang Kabataan Officials ng lahat na labing anim (16) na barangays ng Bacolod, Lanao del Norte ay masigasig na lumahok sa Webinar na pinamagatang "Introduction to Listo si KAP".
May link sa Zoom Platform na ibinigay at Zoom details at mayroong Facebook Live link din para masiguro na ang lahat ay makadalo sa webinar na ito. Napakainam din at bago dumating ang takdang panahon sa webinar at nagpalaganap din ng survey link para maipaabot ng dumadalong kalahok ang katanungan niya ukol sa pag-uusapan sa darating na webinar. Lahat ng iniimbita galing sa Bacolod, Lanao del Norte at mabilis na nag sagot sa survey noong Mayo 22, 2025.
Masugid na dumalo rin ang inyong lingkod, LGOO VI Cherry L. Senturias, Municipal Local Government Operations Officer ng DILG Bacolod, Lanao del Norte para personal ko na masubaybayan ang pagdalo ng lahat na iniimbita sa Bacolod, Lanao del Norte at saka matutunan ko rin kung ano ang bago na napaloob sa LISTO si KAP!
Sa may ika-siyam ng umaga ng araw na ito, Mayo 27, 2025 ay matagumpay na isinagawa ang webinar na ito na nagbibigay kulay sa lahat na dumalo at patuloy na nakaantabay ang buong taga Bacolod, Lanao del Norte para sa susunod na kabanata.