Barangay Molino 4

Directions Website

Barangay Molino 4 Ang opisyal na FB Page ng Sangguniang Barangay ng Molino IV, Lungsod ng Bacoor, Lalawigan ng Cavite.

17/09/2026

BARANGAY MOLINO IV SPIRITUAL ENHANCEMENT

Madalas, natatakot tayong harapin ang katotohanan dahil akala natin ito ay pampabigat. Pero ang totoo, ang mga maling akala, mga tinatagong sakit, at mga kasinungalingang kinukunsinti natin ang siya mismong nagkukulong sa atin. Kaya habang maaga, alisin natin ang takot na lumantad sa liwanag. Dahil ang Salita ng Diyos ang magpapatunay na ang pagtanggap sa Kanyang katotohanan ang tanging daan upang tuluyan tayong maging malaya sa gapos ng nakaraan at sa mga huwad na pangako ng mundong ito. 🙏📖✨

🎥: Mike Henry Camagong
Speaker: pastor Manny Ballon
Sa pangunguna nng ating butihing kapitan Jeffrey Pakingan Campaña

📲 LIBRENG DITO SIM CARD PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MOLINO 4 ! 📱✨Mga Ka-Barangay! Nagsimula na po kanina ang pamim...
16/09/2026

📲 LIBRENG DITO SIM CARD PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MOLINO 4 ! 📱✨

Mga Ka-Barangay! Nagsimula na po kanina ang pamimigay ng libreng simcard . Pupwesto naman po ang DITO Mobile Team sa ating Barangay Molino 4 Main para sa kanilang FREE DITO SIM Distribution & Special Raffle Promo!

Paano Makuha ang Libreng DITO SIM Card?
Mag-load lang ng DATA MAXX 50 – May kasama na agad na FREE DITO SIM Card!

🎁 GUSTO MO BANG SUMALI SA RAFFLE AT MANALO?
Mag-load ng DATA MAXX 70 – May chance ka nang manalo ng Groceries o DITO WOWFI PRO!

🔥 BONUS (Double Your Chance of Winning!):
Magdala at magprisinta lamang ng Valid ID na may nakalagay na kumpletong address para patunay na ikaw ay residente ng Barangay Molino 4 para ma-double ang iyong raffle entries!

📍 Lokasyon: Barangay Molino 4 Main (Tapat ng Puregold)
⏰ Kita-kits po tayo riyan! Huwag kalimutang magdala ng iyong Valid ID at magpa-load na para sa iyong free SIM! See less

16/09/2026

📣ANNOUNCEMENT📣

WHAT: SOLO PARENT FINANCIAL SUBSIDY—PAYOUT

📆: September 21,2026 (MONDAY)
⏰: 1:00 PM
📍: BACOOR GYMNASIUM, BACOOR CITY HALL

WHO: QUALIFIED Solo Parents with STUBS

📌REMINDERS
1. Kumain muna bago magtungo sa venue.
2. Dalhin ang stub at original ID ng Solo Parent

📲 LIBRENG DITO SIM CARD PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MOLINO 4 ! 📱✨Mga Ka-Barangay! SIMULA BUKAS, September 16 8AM-5...
15/09/2026

📲 LIBRENG DITO SIM CARD PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MOLINO 4 ! 📱✨

Mga Ka-Barangay! SIMULA BUKAS, September 16 8AM-5PM Pupwesto po ang DITO Mobile Team sa ating Duplex Barangay Extension para sa kanilang FREE DITO SIM Distribution & Special Raffle Promo!

Paano Makuha ang Libreng DITO SIM Card?

Mag-load lang ng DATA MAXX 50 – May kasama na agad na FREE DITO SIM Card!

🎁 GUSTO MO BANG SUMALI SA RAFFLE AT MANALO?

Mag-load ng DATA MAXX 70 – May chance ka nang manalo ng Groceries o DITO WOWFI PRO!

🔥 BONUS (Double Your Chance of Winning!):
Magdala at magprisinta lamang ng Valid ID na may nakalagay na kumpletong address para patunay na ikaw ay residente ng Barangay Molino 4 para ma-double ang iyong raffle entries!

📍 Lokasyon: Duplex Barangay Extension

⏰ Kita-kits po tayo riyan! Huwag kalimutang magdala ng iyong Valid ID at magpa-load na para sa iyong free SIM!

14/09/2026

BARANGAY MOLINO IV SPIRITUAL ENHANCEMENT

Mahirap talagang piliin ang daan ng katotohanan paminsan-minsan, lalo na kung alam mong mas madaling pumili ng tahimik na lang o magbulag-bulagan sa mga maling nangyayari sa paligid. Pero iyon naman talaga ang tunay na hamon ng paglakad sa liwanag—hindi ito para sa mga naghahanap ng madali, kundi para sa mga taong mas pinipiling maging tapat kaysa magsinungaling para lang mapaboran ng iba. Sa huli, kahit madalas kang mag-isa sa desisyong iyon o marami kang makasagupa, ang pinakamahalaga ay ang payapa ang konsensya mo at mahimbing ang tulog mo sa gabi dahil alam mong malinis ang iyong pakay at wala kang tinatapakang sinumang tao.

🎥: Mike Henry Camagong
Speaker: Ptra Leila Morales
Sa pangunguna nang ating butihinh kapitan Jeffrey Pakingan Campaña

14/09/2026

PAUNAWA SA LAHAT NG MGA MAY KAARAWAN

Pansamantala po munang suspended ang pamimigay ng bigas para sa mga may kaarawan dahil sa kakulangan ng supply.

Pakihintay na lamang po ang ating susunod na anunsyo kung kailan ito muling magiging available. Maraming Salamat po.

Nagsagawa ng Misting Operation para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad laban sa Dengue sa mg...
13/09/2026

Nagsagawa ng Misting Operation para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad laban sa Dengue sa mga sumusunod na paaralan:

📍LIKHA Main Elementary School
📍LIKHA Extension
📍City of Bacoor National High School (CBNHS)

Layunin nating puksain ang mga pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng Dengue upang masig**ong ligtas at malinis ang kapaligiran ng ating mga kabataan.

Ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral ang ating pangunahing prayoridad! Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at patuloy na pag-iingat.

4S Laban sa Dengue:
1. Search and destroy mosquito breeding sites
2. Self-protection measures
3. Seek early consultation
4. Support fogging/misting operations

11/09/2026

BARANGAY MOLINO IV SPIRITUAL ENHANCEMENT

Isang paalala ito na ang pagkakaroon ng dalisay na layunin at makatuwirang paninindigan ay tunay na patotoo ng ating pananampalataya. Sa mundong puno ng pagkukunwari, hinahamon tayong mamuhay nang may katapatan at pusong mapagkumbaba.

🎥: Mike Henry Camagong
Speaker: John Eric Majares
Sa pangunguna nang ating butihing kapitan Jeffrey Pakingan Campaña

📣ANNOUNCEMENT!WHAT: UPLIFT UNSERVED PAYOUTWHEN: SEPTEMBER 10,2026TIME: 9:00 AM ONWARDSWHERE:  BACOOR GYMNASIUM, BACOOR C...
09/09/2026

📣ANNOUNCEMENT!

WHAT: UPLIFT UNSERVED PAYOUT
WHEN: SEPTEMBER 10,2026
TIME: 9:00 AM ONWARDS
WHERE: BACOOR GYMNASIUM, BACOOR CITY HALL

Address

Bacoor

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Molino 4 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share