Barangay P.F. Espiritu IV

Barangay P.F. Espiritu IV Government Services

MEDICAL MISSION | SEPTEMBER 1, 2026Isang matagumpay at makabuluhang Medical Mission ang isinagawa noong September 1, 202...
02/09/2026

MEDICAL MISSION | SEPTEMBER 1, 2026

Isang matagumpay at makabuluhang Medical Mission ang isinagawa noong September 1, 2026, na naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Ang serbisyong pangkalusugan ay mas nagiging makabuluhan kapag ito ay abot-kamay, sama-sama, at para sa lahat.

๐Ÿ’š Kalusugan ay kayamananโ€”alagaan, pahalagahan, at sama-samang isulong!






๐Ÿฉบโค๏ธ LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ATING BARANGAY! โค๏ธ๐ŸฉบInaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay P.F. Espiritu ...
28/08/2026

๐Ÿฉบโค๏ธ LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ATING BARANGAY! โค๏ธ๐Ÿฉบ

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay P.F. Espiritu 4 na makiisa sa ating MEDICAL MISSION ngayong September 1!

๐Ÿ“ Health Center โ€“ Sitio Panapaan 5, P.F. Espiritu 4
โฐ 8:00 AM โ€“ 12:00 NN
๐Ÿฉป Chest X-Ray hanggang 4:00 PM

๐Ÿฅ MGA SERBISYONG HANDOG:

โœ… PhilHealth YAKAP
โœ… Libreng Medical Consultation
โœ… Chest X-Ray
โœ… Dental Check-up & Extraction (Bunot)
โœ… ECG
โœ… Family Planning โ€“ Implant

Huwag palampasin ang pagkakataong mapangalagaan ang inyong kalusugan. Libreng serbisyo para sa ating mga kabarangay!

โค๏ธ๐Ÿ’™ Ang inyong kalusugan, aming prayoridad!
Makiisa, magpatingin, at alagaan ang kalusugan ng buong pamilya!

๐Ÿ“Œ ASPIRANT'S BRIEFINGPlanning to run in the upcoming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026? Make sure ...
26/08/2026

๐Ÿ“Œ ASPIRANT'S BRIEFING

Planning to run in the upcoming Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026? Make sure you start your journey informed, prepared, and ready.
The Comelec Bacoor invites all interested BSKE 2026 aspirants to attend our: ASPIRANTโ€™S BRIEFING
This briefing will help you better understand the rules, requirements, and responsibilities that come with running for public office.

๐Ÿ“Œ WHAT YOUโ€™LL LEARN:
๐Ÿ”น Election Laws and Rules
๐Ÿ”น Qualifications and Disqualifications
๐Ÿ”น Filing of Certificates of Candidacy
๐Ÿ”น Campaign Regulations
๐Ÿ”น Filing of SOCE
๐Ÿ”น Other Important Reminders

We strongly encourage all aspirants to arrive early so you can register, settle in, and be properly prepared before the briefing begins.
Remember: Being a good candidate starts with knowing the rules. Understanding the process today can help you become a more responsible and informed public servant tomorrow.
โœจ Know the rules. Be informed. Be ready.
See you ๐Ÿซถ๐Ÿป






๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAYMagkakaroon ng scheduled maintenance na maaaring magdulot ng pansamantalang pagkaw...
25/08/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY

Magkakaroon ng scheduled maintenance na maaaring magdulot ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng Bacoor City.

๐Ÿ“… Agosto 27โ€“28, 2026 (Huwebes hanggang Biyernes)
๐Ÿ•š 11:00 PM hanggang 4:00 AM

Apektado ang ilang bahagi ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway at Gen. Tirona Highway, kabilang ang mga lugar sa Brgys. Panapaan VI at Habay I & II, pati na rin ang Andrea Village I & I-A, Sta. Lucia Subd., Phil Acres Village, at SM City Bacoor.

Ang maintenance ay bahagi ng reconstruction of facilities upang mapabuti ang serbisyo ng kuryente.

๐Ÿ”” Mangyaring maghanda at ipaalam ito sa inyong mga kapamilya at kapitbahay. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

10/08/2026

๐Ÿฉท๐Ÿ’‰ LIGTAS TIGDAS, SAMA-SAMA NATING ISULONG! ๐Ÿ’‰๐Ÿฉท
๐Ÿ“ Barangay P.F. Espiritu IV, Bacoor City, Cavite

Ang tigdas (measles) ay isang nakahahawang sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Kaya naman, sama-sama nating protektahan ang ating mga anak laban sa tigdas! ๐Ÿ‘ถ๐Ÿง’โค๏ธ

๐Ÿ“ข MGA MAGULANG, MAKIPAG-UGNAYAN SA ATING BARANGAY HEALTH CENTER!
Siguraduhing kumpleto at napapanahon ang bakuna ng inyong mga anak.

Bakuna + Wastong Nutrisyon = Mas Malusog na Bata!
Bigyan ang ating mga anak ng masustansyang pagkain, sapat na pahinga, malinis na tubig, at regular na health check-up upang mapalakas ang kanilang kalusugan.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap Zyvon, katuwang ang council, ang ating Midwife, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Center at Barangay Nutrition Committee, patuloy nating isinusulong ang kalusugan, nutrisyon at proteksyon ng bawat bata sa ating komunidad.

๐Ÿ’— Ligtas na bata. Malusog na pamilya. Ligtas na Barangay PF Espiritu IV!

๐Ÿ“Œ MAGPABAKUNA. MAGING MAPAGMATYAG. MAGING LIGTAS SA TIGDAS!







SA PANAHON NG BAGYO, ANG SERBISYO AY HINDI NAGHIHINTAY. ๐Ÿค๐Ÿ’™Nang dumaan ang bagyo at baha sa ating lugar noong nakaraang l...
10/08/2026

SA PANAHON NG BAGYO, ANG SERBISYO AY HINDI NAGHIHINTAY. ๐Ÿค๐Ÿ’™
Nang dumaan ang bagyo at baha sa ating lugar noong nakaraang linggo, agad na kumilos ang Barangay PF Espiritu 4 upang matiyak na hindi mapapabayaan ang ating mga kabarangay.

๐Ÿ›ถ Naghanda tayo ng mga bangka para sa pag-assist at agarang pagresponde sa mga nangangailangan.
๐Ÿฅฃ Nagpaabot tayo ng masustansyang lugaw na may gulay upang may mainit at masustansyang pagkain ang ating mga kabarangay.
๐Ÿงน Patuloy ang paglilinis at pag-aayos ng mga drainage upang makatulong sa pagdaloy ng tubig at mabawasan ang epekto ng pagbaha.
๐Ÿ‘€ Tuloy-tuloy ang monitoring ng ating barangay upang mabilis na maaksyunan ang anumang pangangailangan.
๐Ÿ  Inasikaso at tinutukan natin ang mga kabarangay na kinailangang lumikas at manatili sa evacuation areas.

At sa tulong ng City Government of Bacoor, nakapaghatid din tayo ng pagkain at relief assistance para sa ating mga evacuees.

Bilang isang komunidad, hindi natin hinahayaan na may maiwan at mapabayaan. Sa panahon ng sakuna, mahalaga ang mabilis na aksyon, maayos na koordinasyon, at higit sa lahat, ang malasakit sa bawat pamilya.

Patuloy tayong magiging handa, maagap at kasama ninyo sa bawat pagsubok.

Barangay PF Espiritu 4 โ€” Serbisyong may malasakit, pamumunong laging naririto para sa komunidad. ๐Ÿ’™๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

BARANGAY FIELD OPERATION | August 2, 2026Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaligtasan, at kaayusan...
02/08/2026

BARANGAY FIELD OPERATION | August 2, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaligtasan, at kaayusan ng komunidad, nagsagawa ang mga Barangay Tanod ng Brgy. P.F. Espiritu IV ng tree pruning, declogging ng drainage system, at clean-up operation sa Camia at Daisy Street, Phase 3, Sitio Panapaan 5.

Layunin ng operasyon na mapanatiling maayos ang daloy ng tubig, maiwasan ang pagbaha, at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga sagabal sa kanal at mapanganib na mga sanga ng puno.

Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Barangay ang pakikiisa ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at disiplinadong pamayanan.




Patuloy na pinalalakas ng Barangay P.F. Espiritu 4 ang kahandaan at kakayahan ng ating mga opisyal at kawani sa pamamagi...
31/07/2026

Patuloy na pinalalakas ng Barangay P.F. Espiritu 4 ang kahandaan at kakayahan ng ating mga opisyal at kawani sa pamamagitan ng pagdalo sa tatlong mahalagang seminar na nakatuon sa Disaster Preparedness, Tanod Skills Enhancement, at Best Practices in Furtherance of Peace and Order and Anti-Illegal Drugs Advocacy.

Pinangunahan nina Kap. Zy, Konsehal Aqua, Ex-O Joy, kasama ang ating mga SK Officials at Barangay Tanod, ang pakikilahok sa mga pagsasanay na ito upang higit pang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa paglilingkod sa komunidad.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagkatuto at paghahanda, mas magiging handa ang ating barangay sa pagharap sa mga sakuna, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagpapatibay ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Ang Barangay P.F. Espiritu 4 ay nananatiling handa, nagkakaisa, at committed sa pagbibigay ng ligtas, maayos, at mas mapayapang komunidad para sa bawat mamamayan.

Magandang balita!Nais na po naming ipabatid sa lahat ng residente ng Agustin Compound, Sitio Panapaan 5 na naibalik na a...
31/07/2026

Magandang balita!

Nais na po naming ipabatid sa lahat ng residente ng Agustin Compound, Sitio Panapaan 5 na naibalik na ang suplay ng kuryente ng street lights sa ating lugar.

Ang naging aberya ay dulot ng nasunog na wire, sirang breaker, at mga jumper sa linya ng kuryente. Agad naman itong naaksyunan upang maibalik ang normal na suplay ng kuryente at ilaw.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at pasensya habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagkukumpuni.

๐Ÿ“ข Paalala sa ating mga Senior Citizens!Ipinaaalam po na ang venue ng Social Pension payout ay inilipat sa STRIKE GYM.๐Ÿ“… P...
29/07/2026

๐Ÿ“ข Paalala sa ating mga Senior Citizens!
Ipinaaalam po na ang venue ng Social Pension payout ay inilipat sa STRIKE GYM.
๐Ÿ“… Petsa: Hulyo 30
Inaanyayahan ang lahat ng benepisyaryo na magtungo sa bagong venue. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Address

Doรฑa Andrea Avenue
Bacoor
4102

Telephone

+639190770907

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay P.F. Espiritu IV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay P.F. Espiritu IV:

Shortcuts

Share