Barangay Queen’s Row East

Barangay Queen’s Row East Serbisyong mabilis at walang mintis

07/08/2026
06/08/2026

🌧️ WALANG PASOK | Friday, August 7, 2026

Patuloy na nakararanas ang ating lalawigan ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong MAYMAY. Bilang pag-iingat at upang maiwasan ang anumang panganib na maaaring idulot ng masamang panahon, suspendido ang klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Cavite, August 7, 2026 (Biyernes)

Hinihikayat ko ang bawat pamilya na manatili sa ligtas na lugar at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas ng bahay, lalo na kung may pagbaha o iba pang banta sa inyong lugar.

Patuloy tayong magbantay sa mga opisyal na anunsyo at makiisa sa mga paalala ng ating mga kinauukulang ahensya.

Mag-ingat po tayong lahat at nawa’y manatiling ligtas ang bawat pamilyang Caviteño. 💙

📢 MAHALAGANG ANUNSYO💉LIGTAS TIGDASMeasles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) 2026with Vitamin A Supplem...
06/08/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO

💉LIGTAS TIGDAS
Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) 2026
with Vitamin A Supplementation

📅 AUGUST 10-28, 2026

👶Para sa mga edad 6-59 months old
(wala pang 5 taong gulang)
*KUMPLETO MAN ANG BAKUNA O KAHIT HINDI PA.

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa kampanyang ito upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas (Measles) at Tigdas-Hangin (Rubella).

💉 Libre, ligtas, at mabisang proteksyon ang bakuna laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon at pagkamatay.

📍 Maaaring pumunta sa health center at sa mga tinalagang lugar o Purok ng bakunahan.

👩‍⚕️Makipag-ugnayan sa Nurse, BHW at sa mga HOA President para sa iba pang impormasyon

06/08/2026

📢 Announcement 📢

Nais po naming ipaalam na dahil sa hindi magandang lagay ng panahon, ipinagpapaliban muna ang ating UPLIFT Validation.

Makikiusap po kami na hintayin ang aming susunod na anunsyo tungkol sa bagong iskedyul ng pagpapatuloy ng validation.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.
Mag Ingat po ang lahat.👏🙏❤️

05/08/2026

📢 WALANG PASOK SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 ng Malacañang, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Cavite at iba pang mga lugar ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at Habagat.

Hindi kasama rito ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo. Manatiling ligtas at mag-ingat ang lahat. 🙏🌧️

05/08/2026

Mass Wedding – Applications Now Open

The City Government of Bacoor is now accepting applications for the upcoming Mass Wedding on September 23, 2026 at the Bacoor Government Center.

Applicants may proceed to the Civil Registry Office at City Hall to submit requirements and secure their slots.

This celebration is a testament to our commitment to strengthen families and communities through unity and love.

Address

Queens Row East
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Queen’s Row East posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share