19/05/2026
Halina't Magpatala!
Ang pagpapatala ay magsisimula sa Mayo 18, 2026 at magpapatuloy hanggang Hunyo 5, 2026. Bukas ang paaralan mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Dalhin po ang mga nakatalang kailangang dokumento ng mga mag-aaral at ballpen para sa pag fill-out ng enrolment form.
MGA KAILANGANG DOKUMENTO SA PAGPAPATALA
📌KINDERGARTEN
• Mga batang 5 taong gulang o higit pa bago o sa Oktubre 31, 2026
• Photocopy ng Birth Certificate
• Basic Enrollment Form na may tama at kompletong impormasyon
📌BAITANG 1–6
• Photocopy ng Birth Certificate
• Kindergarten Report Card / ECCD Checklist (para sa Grade 1)
• School Report Card (SF9)
• Basic Enrollment Form na may tama at kompletong impormasyon
📌BALIK-ARAL AT TRANSFEREES
• Photocopy ng Birth Certificate
• Orihinal na Progress Report Card
• Basic Enrollment Form na may tama at kompletong impormasyon
📌PROSESO NG PAGPAPATALA
1. Kumuha ng Basic Enrollment Form sa nakatalagang enrolment desk para Grade level ng inyong anak.
2. Ipasa ang sinagutang enrolment form sa itinalagang lugar o sa nakatalagang g**o, kalakip amg mga dokumento sa pagpapatala.
3. Hintayin ang confirmation slip mula sa nakatalagang g**o upang malaman ang section at class adviser ng bata sa pasukan.
Para sa karagdagang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Deped Tayo Aniban CS- Bacoor City (school official page) o bumisita sa paaralan.