08/10/2026
School Safety Orientation and Lockdown Drill
Isinagawa ngayong October 8, 2026 sa King Solomon Bacoor School Inc., Brgy. Mambog 4, Bacoor City ang School Safety Orientation and Lockdown Drill para sa mga teachers, staff, at students.
Tinalakay at isinagawa ang mga practical simulation exercises kaugnay ng iba’t ibang emergency scenarios tulad ng active shooter, bomb threat, stabbing incident, at hostage-taking, kasama ang tamang response protocols, personal safety measures, evacuation procedures, at pakikipag-ugnayan sa law enforcement.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang vigilance, situational awareness, preparedness, at resilience ng school community upang mas maging handa sa anumang emergency o banta sa kaligtasan.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng Bacoor PNP at ng mga paaralan upang mapanatili ang ligtas at secure na learning environment para sa ating mga kabataan, g**o, at school personnel.
Naging matagumpay ang aktibidad at natapos nang walang anumang untoward incident.
Kaligtasan at kahandaan, sama-sama nating itaguyod.