09/07/2026
👉SESSION 4 - Tuesday, July 7
Marketplace Ministry
AKO: "What time ka natutulog?"
SILA: "11PM… 12MN…"
AKO: "Kelan ka huling nag-exercise?"
SILA: "Last month…"
•Lucas 2:52 MBBTAG
Patuloy na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.
------------------------------
Aanuhin mo ang long life kung mamumuhay ka naman sa kahirapan at karamdaman?
Aanuhin mo yung yaman kung kapalit naman nito ang kalusugan at kamatayan?
Isang balanseng pamumuhay ang kinakailangan, upang sarili nati'y ganap na mapangalagaan.
Halimbawa ni Jesus ay dapat nating tularan, ang lahat ng ito'y para sa ating kabutihan.
Buhay na inialay sa Kanya'y kapakinabangan, dulot Niya'y tunay na kapayapaan.