12/08/2026
BAWAT BARANGAY, MAKIKINABANG | Pamumuhunan sa Kinabukasan ng Kabataang Bagabagueño
Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Bagabag, sa pangunguna ni Punong Bayan Mayor Benigno “Ben” B. Calauad, ang “Bawat Barangay, Makikinabang” Scholarship Program na nilahukan ng mga iskolar mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.
Dumalo rin sa programa si Acting Vice Mayor Francisco Bayatan, kasama ang Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), mga Punong Barangay, at mga iskolar ng munisipalidad.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Calauad sa Pangulo para sa mga programang nagbibigay ng karagdagang oportunidad sa mga kabataan, partikular sa larangan ng edukasyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng edukasyon bilang pamumuhunan sa kinabukasan ng mga kabataang Bagabagueño.
Hinimok din ng alkalde ang mga iskolar na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, pahalagahan ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanila, at magsikap na makamit ang kanilang mga layunin upang sa hinaharap ay makapag-ambag sa kanilang pamilya at komunidad.
Patuloy na isinusulong ng programa ang pagbibigay ng oportunidad sa edukasyon para sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay ng Bagabag.
Taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga programang patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataang Pilipino. Sa pamamagitan ng mga inisyatibong tulad ng Bawat Barangay, Makikinabang Scholarship Program, mas maraming kabataan ang nabibigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.
Isang pamumuhunan sa kabataan, isang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan ng Bagabag. 🇵🇭