Ron Del Rosario

Directions Website

Ron Del Rosario Official page of Mayor Ron Del Rosario Bagac, Bataan

ISANG BAGONG PAGKAKATAON PARA SA BAYAN NG BAGAC! 💚Isang magandang araw para sa ating mga minamahal na Bagakeño ang Bless...
02/10/2026

ISANG BAGONG PAGKAKATAON PARA SA BAYAN NG BAGAC! 💚

Isang magandang araw para sa ating mga minamahal na Bagakeño ang Blessing ng McDonald’s Bagac Branch, isang bagong negosyo na nagdadala ng karagdagang serbisyo, oportunidad at sigla sa ating bayan.

Sa pangunguna ng may-ari na si Reynaldo Paul Chico, kasama ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Ramil Del Rosario, at sa suporta ng ating 3rd District Board Member Hon. Popoy Del Rosario, sama-sama nating nasaksihan ang panibagong hakbang tungo sa patuloy na pag-unlad ng Bagac.

Bilang inyong lingkod, taos-puso nating sinusuportahan ang mga negosyong nagbibigay ng trabaho, oportunidad at dagdag na serbisyo para sa ating mga kababayan.

Maligayang pagdating sa Bagac, McDonald’s! 💚

📅 SEE YOU ON OCTOBER 4, 2026!
Halina’t makiisa sa Grand Opening ng McDonald’s Bagac Branch!

Sama-sama nating salubungin ang panibagong negosyo at oportunidad para sa ating bayan. Tuloy-tuloy ang pag-unlad ng Bagac! 💚

TUKLAS BATAAN 2026 💚Nakikiisa ang Bayan ng Bagac sa makabuluhang pagdiriwang ng Tuklas Bataan Tourism Month 2026, na gin...
28/09/2026

TUKLAS BATAAN 2026 💚

Nakikiisa ang Bayan ng Bagac sa makabuluhang pagdiriwang ng Tuklas Bataan Tourism Month 2026, na ginanap noong Setyembre 25, 2026 sa SM Balanga City Bataan.

Bilang inyong lingkod, buong puso akong dumalo at nakiisa sa pagdiriwang na ito bilang pagpapakita ng ating patuloy na suporta sa pagsusulong ng turismo, kultura at mga natatanging yaman ng ating lalawigan.

Sa pagkakataong ito, nais din nating ipahayag ang ating taos-pusong pasasalamat at pagkilala kay Tourism Officer Leonardo Herbon, sa kanyang pangunguna at dedikasyon sa pagtatanghal at pag-aangat ng larawan ng Bayan ng Bagac sa nasabing pagdiriwang.

Ang kanyang pagsisikap at malasakit ay malaking ambag upang higit nating maipakilala ang Bagac bilang isang bayang mayaman sa kasaysayan, kultura, likas na kagandahan at potensyal sa turismo.

Mabuhay ang Bagac! Mabuhay ang turismo ng Bataan! 💚

Bayan ng Bagac ating suportahan ang Festival Booth ng ating Bayan para sa TUKLAS Bataan: Tourism Expo 2026 na ginamap sa...
25/09/2026

Bayan ng Bagac ating suportahan ang Festival Booth ng ating Bayan para sa TUKLAS Bataan: Tourism Expo 2026 na ginamap sa SM City Bataan

Bilang pag suporta sa ating Bayan maaari itong pusuan at i-share ang mismong litrato. Lagyan din natin ito ng

Maraming salamat po 💚

Narito ang festival booth ng Municipality of Bagac para sa TUKLAS Bataan: The Tourism Expo 2026, na ginaganap sa SM City Bataan mula September 25 hanggang 27.

Tampok sa kanilang booth ang Burador Festival, isang makulay na pagdiriwang ng pananampalataya, pasasalamat, pagkakaisa, at kasaganaan ng mga Bagakeño. Kinakatawan ng burador o flying fish ang kasaganaan at masaganang ani, na sumasalamin sa malalim na ugnayan ng komunidad sa kanilang likas na yaman at pamana.

Kasama sa criteria ng Best Festival Booth ang online impact, kaya suportahan ang Municipality of Bagac sa pamamagitan ng pag-react at pag-share ng larawang ito!

Tara, tuklasin ang makulay na kultura, kuwento, at talento ng bawat bayan ng Bataan!

BAGONG TRUCK NG BASURA PARA SA MAS MAAYOS AT MAS MALINIS NA BAYAN NG BAGAC!Isa sa mga patuloy na tinututukan ng ating pa...
24/09/2026

BAGONG TRUCK NG BASURA PARA SA MAS MAAYOS AT MAS MALINIS NA BAYAN NG BAGAC!

Isa sa mga patuloy na tinututukan ng ating pamahalaan ay ang maayos na pangongolekta at pamamahala ng basura sa ating bayan.

Sa pagkakaroon ng bagong truck na magsisilbing panghakot mula sa ating MRF patungong landfill layunin nating mapabuti ang serbisyo sa pagtatapon ng basura at makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa buong Bagac.

Mahalagang patuloy tayong kumilos at magpatupad ng mga konkretong hakbang para sa isang mas malinis, mas maayos, at mas ligtas na bayan.

Sa pakikiisa ng bawat mamamayan at sa patuloy na pagtutok ng ating pamahalaan, sama-sama nating pangalagaan ang ating bayan para sa kasalukyan at susunod na henerasyon.

WE CAN MAKE IT, BAGAKEÑO! 💚


COURTESY CALL | RONALD McDONALDIsang mainit na pagtanggap kay Ronald McDonald dito sa Pamahalaang Bayan ng Bagac. 😊Maram...
24/09/2026

COURTESY CALL | RONALD McDONALD

Isang mainit na pagtanggap kay Ronald McDonald dito sa Pamahalaang Bayan ng Bagac. 😊

Maraming salamat sa inyong pagbisita at sa magandang ugnayan. Lagi kayong malugod na tinatanggap dito sa ating bayan! 💚

MALIGAYANG KAARAWAN, EA VER ALONZO! 🎂Buong puso po ang aking pagbati sa inyong kaarawan! Nawa’y patuloy kayong pagpalain...
20/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, EA VER ALONZO! 🎂

Buong puso po ang aking pagbati sa inyong kaarawan! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng malusog na pangangatawan, masaganang biyaya, at higit pang lakas upang magpatuloy sa tapat at buong pusong paglilingkod.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa ating mga kababayan. Patuloy tayong maglingkod nang may puso at malasakit para sa Bagac na ating minamahal. 💚

19/09/2026

INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP DAY 2026 🌱🌊

Ngayong Setyembre 19, 2026, sama-sama nating ipinamalas ang malasakit sa kalikasan sa isinagawang International Coastal Cleanup Day 2026 sa pangunguna ni MENRO Keesha Del Rosario, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ramil Del Rosario, at sa suporta ng inyong lingkod.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa lahat ng volunteers, kawani ng LGU, mga organisasyon, at mga kababayan nating Bagakeño na naglaan ng oras, lakas at malasakit upang makiisa sa paglilinis at pangangalaga ng ating mga coastal areas.

Sa sama-samang pagkilos, mapapanatili nating malinis, ligtas at maayos ang ating mga baybayin para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalikasan. Malinis na Bagac, pananagutan nating lahat! 💚

13/09/2026

𝘓𝘐𝘕𝘎𝘎𝘖 𝘕𝘎 𝘒𝘈𝘉𝘈𝘛𝘈𝘈𝘕 2026

Ang kabataan ang puso at pag-asa ng ating kinabukasan. Patuloy kayong mangarap, maniwala sa inyong kakayahan, at maging bahagi ng pagbabago para sa ating bayan.

Bilang inyong lingkod, lagi naming susuportahan ang inyong mga pangarap at adhikain.

Mabuhay ang Kabataang Bagakeño! Kayo ang pag-asa ng Bagac! 💚

Kaya Natin ’To, Bagakeño!

Address

Bagac
2107

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ron Del Rosario posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category