19/03/2026
ππ§π πππππ πππ πππ§ππ©ππ§π¬ ππ₯ππ ππ§ π₯π’ππ πππ’π¦π¨π₯π
Para po sa mga runners ng Hataw Takbo Bataan Bagac Leg na gaganapin sa Sabado, March 21, makikita po sa ibaba ang mapa ng activity area, at ang mga kalsadang maaapektuhan ng pansamantalang road closure simula 4 am hanggang 8 am. Makikita rin po ang mga alternatibong ruta na maaaring gamitin, sa masusing paggabay ng mga personnel ng MBDA.
Ito po ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga runners at mas maayos na daloy ng aktibidad:
Pinakikisuyuan po natin ang ating mga kababayang maaapektuhan ng road closure na gamitin ang mga alternatibong ruta at kung maaari ay maglaan din ng sapat na oras sa kanilang biyahe sa araw na ito, lalo na sa umaga, hanggang matapos lamang po ang Hataw Takbo Bagac.
βBagac Plaza β J.P. Rizal St. β J. Noriega St. β BagacβMariveles Road β Brgy. Saysain (Bataanes)
ALTERNATIBONG RUTA:
π Brgy. San Antonio β Brgy. Saysain (via Bataanes Road)
πMariveles β Brgy. Saysain (via MarivelesβBagac Road)
πMariveles β Bagac Plaza:
πMarivelesβBagac Road β Brgy. San Antonio β Bataanes Road β Gov. J.J. Linao National Road
Pinakikisuyuan po natin ang ating mga kababayang maaapektuhan ng road closure na gamitin ang mga alternatibong ruta at kung maari ay maglaan din ng sapat na oras sa kanilang biyahe sa araw na ito, lalo na sa umaga, hanggang matapos lamang po ang Hataw Takbo Bagac.
Makakaasa po kayo sa mas maingat na koordinasyon ng aktibidad na ito. May nakatalagang traffic at barangay personnel sa mga pangunahing kalsadang bahagi ng ruta upang tumulong sa pamamahala ng trapiko at masiguro ang kaligtasan ng lahat. Humihingi po kami ng pang-unawa sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at kooperasyon para sa maayos at ligtas na pagsasagawa ng Hataw Takbo Bataan sa Bagac!