01/11/2022
Nov. 2, 2022, 5:00 AM
Isang ligtas na umaga sa ating lahat:
Dahil sa backflow ng tubig mula sa Cagayan river, ang Bagunot bridge, kasama na ang Ibulo at Taguing bridge ay nananatiling lubog sa tubig at hindi pa maaring daanan ng anumang uri ng sakyan maliban sa banka, minabuti ng Alkalde ng Baggao Hon. Leonardo C. Pattung, M.D. na magbigay ng mga sumusunod na order:
1. Suspendido ang clase mula preschool hanggang grade six sa mga barangays na apektado ng pagbaha gaya ng Bagunot, Ibulo, Taguing, Bunugan, Carupian, Canagatan at San Vicente.
2. Lahat ng mga magaaral na nakatira sa mga nasabing barangay pre-school hanggang college (public at private) na dadaan sa Bagunot Bridge papunta sa kanilang eskwelahan ay EXCUSE sila sa kanilang mga clase sa dahilang delikado ang pagsakay nila sa bangkang de motor.
3. Ang order ay mananatili hanggang bawiin ng Alkalde.
Stay safe!
Pong Corpuz
DRRM Officer
Government organisation