204th MC, RMFB2

204th MC, RMFB2 It is the 4th Maneuver Company of Regional Mobile Force Battalion 2

Pag-asa para sa mga Batang Katutubo ng Sitio TabuganSa kabila ng layo at hirap ng paglalakbay, walang hadlang ang malasa...
31/05/2026

Pag-asa para sa mga Batang Katutubo ng Sitio Tabugan

Sa kabila ng layo at hirap ng paglalakbay, walang hadlang ang malasakit at tunay na serbisyo.

Noong Mayo 30, 2026, matagumpay na nagsagawa ng pamamahagi ng mga kagamitang pang-edukasyon ang 204th Maneuver Company, RMFB2 sa pangunguna ni PCPT PAOLO G PAGALLAMMAN, Deputy Ex-O, at sa ilalim ng pamumuno ni PCPT KEVIN G. BUCAYU, Acting Company Commander. Ang aktibidad ay isinagawa kasabay ng Serbisyo Caravan ng LGU Baggao sa Sitio Tabugan, Brgy. Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.

Sa tulong ng Company Advisory Council at ng mga pribadong mamamayang may pusong handang magbahagi, muling naihatid ang pag-asa sa ating mga kapatid na Katutubong Agta.

Ang bawat lapis, kuwaderno, at kagamitang pang-eskwela na kanilang natanggap ay hindi lamang simpleng bagay. Ito ay simbolo ng pag-asa, pagkakataon, at pangarap para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang katutubo.

Sa pamamagitan ng Best Practice na "Piso Mo Para sa Katutubo," patuloy na ipinapakita ng 204th MC, RMFB2 na ang tunay na serbisyo ay walang kinikilalang kulay, estado sa buhay, o tribo. Ang malasakit ay para sa lahat, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng atensyon at suporta.

Nakakataba ng puso ang mga ngiti ng mga bata at ang pasasalamat ng mga magulang na sa kabila ng kanilang kalagayan ay nananatiling puno ng pag-asa. Ito ang nagpapatunay na sa bawat munting tulong na ating naibibigay, may buhay tayong nababago at may mga pangarap tayong natutulungang maabot.

Inaanyayahan namin ang lahat na maging bahagi ng adhikaing ito. Ang inyong piso ay maaaring maging daan upang makapag-aral ang isang bata, magkaroon ng pag-asa ang isang pamilya, at mabigyan ng mas magandang bukas ang ating mga kapatid na katutubo.

Sama-sama nating iparamdam na walang maiiwan at walang malilimutan.

Sa mga nais pang maging bahagi ng Best Practice ng yunit na ito at magbigay ng tulong, tumawag lamang sa aming himpilan 09452463789 o mag mensahe lamang sa aming page na 204th MC, RMFB2 o sa aming Facebook Account na Dos O Fourth Rmfbtwo.

29/05/2026

Address

Baggao

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 204th MC, RMFB2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 204th MC, RMFB2:

Share