SB-Baggao, Cagayan

SB-Baggao, Cagayan Daytoy nga page ket naaramid tapnu maipaay iti kaalistuwan a pannakaited iti impormasyon kadagiti kailian babaen iti social media.

Launen na daytoy dagiti linteg, ordinansa ken resolusyon nga inkami maaramidan bayat iti panagtakem mi.

TEAMWORK SA HANAY NG KABATAAN, BINIGYANG DIIN NG SK FEDERATION PRESIDENT SA LNK 2026"Sa kompetisyong ito, mahuhubog ang ...
22/08/2026

TEAMWORK SA HANAY NG KABATAAN, BINIGYANG DIIN NG SK FEDERATION PRESIDENT SA LNK 2026

"Sa kompetisyong ito, mahuhubog ang teamwork para manalo sa laban", ito ang binigyang diin sa naging mensahe ni Hon. Theobel M. Orpilla, Presidente ng Pederasyon ng mga Kabataan sa Baggao sa idinaos na Mobile Legend Competition bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng LNK 2026.

Inihambing ni Orpilla ang kahalagahan ng teamwork o pagtutulungan ng bawat myembro sa paggampan ng tungkulin bilang kabataan para sa ikauunlad ng komyunidad.

Anya, isa lamang ang ML competition sa mga aktibidad ng LNK 2026 na naglalayong makibahagi, ilayo sa anumang masamang bisyo at may pagkaabalahan ang mga kabataan.

Kinilala din ni Orpilla ang kakayahan ng bawat kabataang Baggaoenio na may maiaambag na pag- unlad sa bayan at bilang kaniyang pangwakas, pinasalamatan nito ang lahat ng mga SK Chairpersons sa tulong nila sa lahat ng aktibidad.

Sinabi naman ni Vice-Mayor Rowel B. Gazmen na kailangang maging mapanuri ang mga kabataan sa paggamit ng social media sa makabagong teknolohiya. Aniya, dapat suriin at alamin ang maganda at hindi magandang dulot nito lalo na at malaki ang impluwensya ng social media sa buhay ng mga kabataan ngayon.

Kung kayat nagkaroon ng inisyatiba anf LGU Baggao na magsagawa ng symposium sa lahat ng pampubliko at pribadong Highschool para imulat at ipabatid sa mga estudyante ang kanilang karapatan at magkaroon ng maayos at ligtas na paaralan.

Ayon pa Kay VM Gazmen, ang LNK 2026 ay hindi lamang pagtitipon kundi isang selebrasyonat espasyo para makilahok ang mga kabataan, ihayag ang mga ideya, matuto sa isat- isa at makita ang sarili bilang malaking bahagi ng pag-unlad ng kanilang pamayanan.

Nangako din ang Bise Alkalde ng kanilang suporta sa hanay ng kabataan.

Samantala, hinikayat naman ni SB Member Hon. Mariano Miguel Jr ang mga kabataang dumalo na kailangang magkaroon sila ng magandang career at hindi lamang natutuon sa social media ang pinagkakaabalahan.

Inihalintulad pa ni Miguel na sa kanyang edad noon katulad ng edad ng mga dumalo sa ML competition ay nagkaroon na siya ng magandang career na aniyay magandang kapulutan ng aral.

PLANONG PAGBABAGO SA PRESYO NG LIVE WEIGHT AT KARNE NG BABOY, SINURI NG LPCCSinuri ng Baggao Local Price Coordinating Co...
21/08/2026

PLANONG PAGBABAGO SA PRESYO NG LIVE WEIGHT AT KARNE NG BABOY, SINURI NG LPCC

Sinuri ng Baggao Local Price Coordinating Council (LPCC) ang panukalang price adjustment sa live weight at karne ng baboy sa pampublikong pamilihan upang matiyak ang patas na presyuhan sa bayan ng Baggao.

Pinangunahan ni Municipal Legal Officer Atty. Rundolph Juan ang talakayan kasama ang mga kinauukulang tanggapan, market stakeholders, at kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 na sina Consumer Protection Division Chief Edelle C. Carranza at TIDS Ronald B. Tuddao.

Sa naturang pagpupulong, binigyang-diin na hindi lamang ang mismong presyo ng baboy ang isinasaalang-alang kundi pati ang kasalukuyang kondisyon ng kalakalan sa merkado.

Layunin ng LPCC na makahanap ng presyong makatarungan at patas para sa lahat na hindi mabigat para sa mga mamimili, ngunit sapat upang hindi malugi ang mga hog raisers at meat vendors sa kanilang puhunan at pang-araw-araw na operasyon.

Nilinaw naman ng LPCC na wala pang pinal na desisyon sa panukalang pagbabago sa presyo.

Magpapatuloy ang gagawing pagsusuri ng LPCC sa mga nakalap na datos at kondisyon ng merkado bago magpatupad ng anumang opisyal na pagbabago sa presyo.

Ilalatag sa tanggapan ni Mayor Leonardo Pattung ang rekomendasyon ng LPCC na siyang basehan sa ilalabas na Executive Order sa susunod na linggo.

Matatandaan, nauna na ring nagsagawa ang LGU-Baggao ng konsultasyon kasama ang mga meat vendors, hog raisers, at mga mamimili upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing at mabigyang solusyon ang kanilang matagal nang hinihiling.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

📸 Negosyo Center Baggao

14 BARANGAY SA BAGGAO, NANGUNA SA MRSIA VACCINATIONUmabot na sa labin-apat (14) na barangay sa bayan ng Baggao ang nakap...
21/08/2026

14 BARANGAY SA BAGGAO, NANGUNA SA MRSIA VACCINATION

Umabot na sa labin-apat (14) na barangay sa bayan ng Baggao ang nakapagtala ng higit 95 porsyentong coverage rate sa patuloy na isinasagawang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) ngayong buwan ng Agosto.

Batay sa ulat ng Municipal Health Office (MHO), nasa limang barangay na ang may perpektong 100% coverage. Ito ay kinabibilangan ng mga barangay ng, Bacagan, Canagatan, Ibulo, Mabini at San Vicente.

Samantala, siyam na barangay ang nakapagtala ng mataas na antas ng pagbabakuna na kinabibilangan ng J. Pallagao (98.00%), Santor (97.83%), Agaman Proper (97.26%), Imurung (97.14%), San Miguel (96.44%), Poblacion (96.43%), Bitag Pequeño (96.12%), Mocag (95.74%) at Agaman Sur (95.24%).

Nabatid na ang tagumpay na ito ay bunga ng patuloy na pakikipagtulungan ng MHO, mga Barangay Health Worker (BHW), lokal na opisyal, at ng buong komunidad sa ilalim ng pambansang kampanya ng Department of Health (DOH).

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na madaragdagan pa ang bilang ng mga barangay na makakaabot sa target immunization rate sa natitirang pitong araw bago opisyal na matapos ito sa Agosto 28.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

LIMANG BARANGAY, NAKIISA SA BLOODLETTING ACTIVITY NG LGU BAGGAONakiisa ang limang barangay sa unang araw ng blood Olympi...
21/08/2026

LIMANG BARANGAY, NAKIISA SA BLOODLETTING ACTIVITY NG LGU BAGGAO

Nakiisa ang limang barangay sa unang araw ng blood Olympics ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong palakasin ang programa sa pagdo-donate ng dugo sa bayan ng Baggao.

Kabilang sa mga lumahok sa bloodletting activity na pinangunahan ng Municipal Health Office (MHO) at ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Blood Bank ang mga barangay sa Tallang Cluster, kabilang ang Tallang, Sta. Margarita, Catugay, Agaman Norte at Dalla.

Bilang suporta sa nasabing aktibidad, dumalo dito sina Mayor Leonardo Pattung, Vice Mayor Rowel Gazmen, SB Member Jomar Miguel at SB Member Ed Delos Santos.

Samantala, nakatakdang isagawa ang susunod na Blood Olympics sa Poblacion Cluster bukas Agosto 22, habang sa Agosto 24 para sa San Jose Cluster.

Kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga blood donors matapos makapagtala ng mataas na turnout ang mga naunang barangay na nagsagawa ng naturang aktibidad.

Batay sa tala ng MHO, sinabi ni Precious Cipriano Reyes, LGU Blood Coordinator, na sa unang walong buwan ngayong taon ay umabot na sa 4,298 ang nakapagbigay na ng dugo.

Ang naturang pagtaas ng bilang ng mga blood donors ay bunga ng mas pinaigting na programa ng LGU at sa bisa ng "Dara Para Ti Umili Ordinance" na ang may akda ay si Vice Mayor Gazmen at Co-sponsor naman ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.

Layunin ng ordinansa na palakasin ang blood donation program ng Baggao at matiyak ang sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

TINGNAN: Nakiisa ang mga barangay sa Baggao sa tree planting activities ngayong araw bilang pakikiisa at suporta sa ordi...
21/08/2026

TINGNAN: Nakiisa ang mga barangay sa Baggao sa tree planting activities ngayong araw bilang pakikiisa at suporta sa ordinansang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Baggao na " Baggao's Arbor Day Ordinance" na inakda ni SB Member Hon. Roy D. Tumaneng, Chairman ng Environment.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

📸 Credit to owners

BILANG NG MGA BLOOD DONORS NGAYONG TAON, TUMAAS; ORDINANSA SA BLOOD DONATION, PINALAKASTumaas ang bilang ng mga nagpapak...
20/08/2026

BILANG NG MGA BLOOD DONORS NGAYONG TAON, TUMAAS; ORDINANSA SA BLOOD DONATION, PINALAKAS

Tumaas ang bilang ng mga nagpapakuha ng dugo ngayong taon sa mga isinasagawang bloodletting ng LGU Baggao katuwang ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ayon kay Ms. Precious Cipriano, LGU Blood Coordinator, halos triple ang itinaas sa bilang ng mga blood donors sa mga Barangay kumpara sa mga nagdaang taon.

Aniya, isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit dumarami ang nagdo- donate ng dugo ay dahil sa kahalagahan nito lalo na tuwing may emergency cases at kinakailangang salinan ng dugo ang pasyente.

Ikinagulat din ani Cipriano ng CVMC ang biglaang pagdami ng bilang ng mga donor sa bawat barangay kung saan isinasagawa ang blood donation activity.

Batay sa tala ng Municipal Health Office (MHO), mula buwan ng Enero hanggang Agosto ay may 4,298 donors na at inaasahang tataas pa ito dahil may mga nakalinya pang bloodletting.

Dahil sa programang ito, tumanggap na ang Baggao ng maraming parangal dahil sa malawakan at regular na pagsusulong nito.

Kaugnay nito, mas pinaigting at pinalakas ang programang ito sa pamamagitan ng ordinansa ng Sangguniang Bayan( Ordinance No. 120, S.2023) na inakda ni Vice-Mayor Rowel B. Gazmen na tinawag na " Dara para iti Umili ti Baggao Ordinance".

Co- sponsor ang lahat ng SB Members sa ordinansang ito.

LEGISLATIVE BAGGAO IN ACTION: Aktibong nakibahagi ang ika-12 Sangguniang Bayan ng Baggao sa pamumuno ni Vice-Mayor Rowel...
20/08/2026

LEGISLATIVE BAGGAO IN ACTION: Aktibong nakibahagi ang ika-12 Sangguniang Bayan ng Baggao sa pamumuno ni Vice-Mayor Rowel B. Gazmen sa tatlong araw na pagsasapinal ng Baggao Development Tourism Plan at Tourism Code.

Bawat ideya ng mga opisyal ay napakahalagang ambag para magkaroon ng komprehensibong plano para sa sektor ng Turismo sa Baggao.

📸 Baggao Tourism FB Page

ARBOR DAY ORDINANCE, SUPORTADO NG SEKTOR NG EDUKASYON SA BAGGAONakiisa ang mga g**o at mag-aaral mula sa iba’t ibang ant...
20/08/2026

ARBOR DAY ORDINANCE, SUPORTADO NG SEKTOR NG EDUKASYON SA BAGGAO

Nakiisa ang mga g**o at mag-aaral mula sa iba’t ibang antas ng paaralan sa bayan sa pagtatanim ng mga punla sa mga bakanteng lote at bakuran ng kanilang mga pinapasukang eskwelahan.

Ang naturang aktibidad ay nakapaloob sa Municipal Ordimance 2022-09, o “Baggao’s Arbor Day" na inakda ni Hon. Roy D. Tumaneng at co-sponsor si Vice- Mayor Rowel Gazmen at iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Ang pagkakaroon ng ganitong gawain ay hindi lamang simpleng pagtatanim ng puno kundi ang pangangalaga dito at bahagi rin ng sama-samang pagkilos ng komunidad upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at matugunan ang lumalalang epekto ng climate change.

Samantala, naglabas din ng direktiba si Mayor Leonardo Pattung para sa mga kawani ng LGU at mga halal na opisyal na magsagawa ng pagtatanim sa kani-kanilang mga bakuran bilang pagpapakita ng suporta at pagsunod sa layunin ng ordinansa.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

PCTTO

BAGGAO, MAY POTENSYAL SA 'MMK SEARCH' SA INLAND FISHERIES CATEGORYDumalo ang mga opisyal at kinatawan ng Lokal na Pamaha...
20/08/2026

BAGGAO, MAY POTENSYAL SA 'MMK SEARCH' SA INLAND FISHERIES CATEGORY

Dumalo ang mga opisyal at kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao sa ginanap na opisyal na paglulunsad ng Malinis at Masaganang Katubigan (MMK) Search ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 sa Casa Angela ngayong araw Agosto 20, 2026.

Pinangunahan ni Vice Mayor Rowel Gazmen ang delegasyon ng Baggao, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Agriculture Office (MAO) Head Ghiner Manding, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Head Arch. Villamor Tuscano, at kinatawan mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO).

Sa nasabing aktibidad, ipinaliwanag ng BFAR ang mga bagong pamantayan at panuntunan sa kompetisyon, kung saan pormal na hinati ang kategorya sa dalawa ang Coastal Fisheries at Inland Fisheries.

Batay sa pagsusuri ng mga pamantayan nakatuon ito sa sustainable fisheries management, pangangalaga sa ecosystem, maayos na fisheries governance, at kalinisan ng katubigan kung saan dito nakikitaan ng malaking potensyal ang Baggao na makilahok sa Inland Fisgeries Category sa taong 2028.

Bagama't hindi pa handa ang Baggao para sa Coastal Fisheries Category sa taong 2027, may sapat pang panahon ang LGU-Baggao upang maihanda ang mga kinakailangang dokumento at mapalakas ang proteksyon sa mga freshwater resources nito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang pitong (7) freshwater fish sanctuaries ang Baggao na magsisilbing pangunahing pundasyon sa pagsali sa MMK. Ang mga ito ay matatagpuan sa mga barangay ng Asinga-Via, J. Pallagao, San Miguel, Asassi, Masical, Bitag Grand at C. Versoza.

Inihayag din ng BFAR ang malalaking premyo na mapapanalunan gaya sa Regional level ang kampeon sa Inland Fisheries ay tatanggap ng ₱1 milyon, habang ₱500,000 sa second prize, at ₱300,000 sa third prize kasama ang plaque.

Sa Coastal Fisheries naman, ₱1.5 milyon ang nakalaan sa first prize, ₱800,000 sa second prize, at ₱500,000 sa third prize kasama ang plaque.

Kung papalaring makatuntong sa National level ang Baggao, aabot sa ₱5 milyon ang premyo ng kampeon para sa Coastal Fisheries habang ₱3 milyon naman ang kampeon para sa Inland Fisheries bukod pa sa mga special awards na may premyong ₱100,000.

Sa kasalukuyan, ang mga bayan ng Claveria at Gonzaga ang humahawak ng titulo sa Coastal Fisheries category sa rehiyon.

(✍️ SB Ed Delos Santos)

TINGNAN: Sa pagtatapos ng 3 araw na pagsasapinal ng Baggao Tourism Development Plan (TDP) at Tourism Code, pinasalamatan...
20/08/2026

TINGNAN: Sa pagtatapos ng 3 araw na pagsasapinal ng Baggao Tourism Development Plan (TDP) at Tourism Code, pinasalamatan ni SB Member Hon. Ron Paolo J. Pattung, Chairman ng Tourism ang mga dumalo.

Hiniling ni SB Pattung sa Tourism Office na bilisan ang pagsasaayos ng TDP para maipasa na ito sa Sangguniang Bayan at maaprubahan na.

Address

San Jose
Baggao
3506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SB-Baggao, Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SB-Baggao, Cagayan:

Shortcuts

Share