Mocag Bulletin

Mocag Bulletin Official FB page of Barangay Mocag

Sinigpil Bridge 1, pansamantalang saradoPansamantalang sinara ng Provincial Engineers Office ang Sinigpil Bridge 1 sa ka...
13/08/2026

Sinigpil Bridge 1, pansamantalang sarado

Pansamantalang sinara ng Provincial Engineers Office ang Sinigpil Bridge 1 sa kahabaan ng Mocag Provincial Road upang maumpisahan ang pagkukumpuni sa gumuhong approach (northern side) nito.

Maliban sa northern approach, may butas din pala ang southern approach. Kaya't aasahan ang dagdag araw sa pagsasaayos nito.

Gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang nasabing tulay.

Hugot!

Pina ikot-ikot ka naman dati, kaya keri mo lang naman sigurong umikot muna sa Bitag Grande/Pequeño 😁

Di ka man nakaiwas sa maling tao nuon, umiwas ka muna sa inaayos na tulay pls lang.

Pagkukumpuni sa Sinigpil Bridge 1, uumpisahan na bukas.Nakatakdang mag uumpisa ang masinsinang rehabilitasyon ng Sinigpi...
12/08/2026

Pagkukumpuni sa Sinigpil Bridge 1, uumpisahan na bukas.

Nakatakdang mag uumpisa ang masinsinang rehabilitasyon ng Sinigpil Bridge 1 bukas, August 13, 2026. Matatandaang nagkaroon ng malaking butas ang isa sa mga approach nito, na dulot ng pagtaas baba ng lebel ng tubig sa ilog nitong nakalipas na biyernes.

Dahil dito'y, pansamantalang isasara muna ng Provincial Engineering Office ang naturang tulay upang bigyang daan ang pagsasaayos sa nasirang tulay. Aasahan ang pagsasara nito sa pagitan ng 9AM-10AM.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na iwasan ang nasabing ruta at maghanap ng alternatibong madadaanan. Kung lalabas o papasok ng Barangay Mabini at Mocag, maaaring dumaan sa Zone 1 Mocag - Zone 1 Bitag Grande (slaughter house), Zone 2 - Zone 1 Bitag Pequeño at Zone 7 (Tabbuan) - Bitag Pequeño. Maglaan ng sapat na oras sa dagdag byahe upang hindi mahuli sa trabaho o sa klase.

Bunsod nito'y, ang pamahalaang barangay ng Mocag ay agarang humingi ng suporta sa munisipyo upang ma re-gravel ang mga all weather roads na magsisilbing alternatibong ruta para sa mga motorista.

🩺 TULONG SA KALUSUGAN NG MGA BATA!MEASLES RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITYPara sa mga batang edad 6 na buwan h...
11/08/2026

🩺 TULONG SA KALUSUGAN NG MGA BATA!
MEASLES RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY
Para sa mga batang edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan

📅 Agosto 12, 2026
📍 Mocag Barangay Health Station

💉 LIBRENG BAKUNA!
🛡️ PROTEKTAHAN ANG MGA ANAK LABAN SA MEASLES AT RUBELLA!
👶 SIGURADUHIN ANG KALUSUGAN NG MGA BATA!

🗣️ Dalhin ang inyong mga anak upang mabakunahan!
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng kabataan!

Eroded Bridge ApproachNabutas ang Bridge Approach ng Sinigpil Bridge 1 sa kahabaan ng Mocag Main Road (Provincial Road) ...
07/08/2026

Eroded Bridge Approach

Nabutas ang Bridge Approach ng Sinigpil Bridge 1 sa kahabaan ng Mocag Main Road (Provincial Road) na maaring naging kweba sa matagal nang panahon.

Agad namang tumugon ang Provincial at Municipal Engineering office upang matabunan muna ito ng buhangin habang inihahanda ang mga kakailanganin sa masinsinang rehabilitasyon ng nasabing tulay.

Ayon sa mga tauhan ng PEO, maaring sa lunes na mag-uumpisa ang pagkukumpuni at aasahang isasara muna ang tulay ng hindi pa malamang bilang ng araw.

06/08/2026
Tabbuan Road, now accessible.
06/08/2026

Tabbuan Road, now accessible.

Tabbuan Road, Sarado!Muling hindi madaanan ang Tabbuan road matapos muling gumuho ang approach ng tulay na nagdudugtong ...
05/08/2026

Tabbuan Road, Sarado!

Muling hindi madaanan ang Tabbuan road matapos muling gumuho ang approach ng tulay na nagdudugtong sa zones 6 at 7. Matatandaang gumuho na ito nitong nakalipas na linggo at tanging sand bags lamang at mga kawayan ang ginamit sa pagkukumpuni nito.

Magtutuloy tuloy pa sanang magsisilbing alternate detour ang nasabing kalsada para ma re-route ang mga motoristang bumabaybay sa Baggao-Peñablanca road. Ngunit sa lakas ng buhos ng ulan kaninang hapon, tuluyang bumigay muli ang naturang approach.

Antabayanan ang aming page para sa mga updates sa muling pagbubukas ng nasabing kalsada

1st Runner up!Nasungkit ng Mocag BQRT ang pwestong 1st Runner Up sa ginanap na Rescuelympics na nagtapos ngayong araw na...
31/07/2026

1st Runner up!

Nasungkit ng Mocag BQRT ang pwestong 1st Runner Up sa ginanap na Rescuelympics na nagtapos ngayong araw na ito. Kasapi sa koponan ang mga volunteer responders,mga tanod, BHW at SK chair.

Sa paligsahang ito'y nahasa at napalalim pa ang kakayanan ng ating mga responders sa pagtugon sa mga sakuna.

Ang mga nasabing responders naman ang magtuturo sa lahat ng purok upang magkaroon din ng kaalaman at kasanayan ang lahat sa tamang paraan ng pagtugon sa mga sakuna

27/07/2026

PAKAAMMO:

Ti RFFA distribution inton bigat ket maangay sadiay Barangay San Jose gymnasium, imbes nga VGH gymnasium. Dawaten mi ti pannakaawat ti tunggal maysa gapu iti saan ninamnama a panagbalbaliw ti venue.

Address

Mocag
Baggao
3506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mocag Bulletin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share