17/08/2026
๐งนโจ PAGLILINIS, MULING PAGPIPINTURA, AT PAGKAKABIT NG BAGONG KARATULA โจ๐งน
Sa ilalim ng pamunuan ni SJO1 Mary Jane S. Vergara, Pansamantalang Nakatalagang Warden ng Distritong Piitan, isinagawa ang General Cleaning, Repainting ng Kusina ng PDL, at Pagkakabit ng mga Bagong Karatula (Signages) bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at magandang kondisyon ng pasilidad.
Ang kusina ng PDL ay mahalagang bahagi ng pasilidad sapagkat dito inihahanda at niluluto ang pagkain para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL). Dahil dito, mahalagang mapanatili itong malinis, maayos, ligtas, at kaaya-aya upang makatulong sa pagpapanatili ng wastong kalinisan at kaligtasan sa paghahanda ng pagkain.
Ang muling pagpipintura at paglilinis ng kusina, gayundin ang pagkakabit ng mga bagong karatula, ay nagpapakita ng patuloy na pagtutulungan, disiplina, at malasakit sa kapakanan ng mga PDL at mga tauhan.
Sa pamamagitan ng mga simpleng gawaing ito, patuloy na isinusulong ang isang malinis, ligtas, maayos, at organisadong kapaligiran sa loob ng pasilidad. ๐โค๏ธ๐
Malinis na Kusina, Ligtas na Pagkain, Maayos na Pasilidad!
Para sa iba pang mga update, huwag kalimutang I-LIKE at I-FOLLOW ang aming page. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta! ๐โค๏ธ๐
BJMPNIR-NODJFD-2026-08-04