Alexis B. Dones

Alexis B. Dones Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alexis B. Dones, Government Official, Bagtas.

04/06/2026

Brgy BAGTAS

JUNE 3, 2026Pormal nang sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 sa Bayan ng Tanza sa pamamagitan ng Kick-Off Ceremony na gina...
03/06/2026

JUNE 3, 2026
Pormal nang sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 sa Bayan ng Tanza sa pamamagitan ng Kick-Off Ceremony na ginanap sa Tanza National Comprehensive High School, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Pinangunahan ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang aktibidad kasama sina Konsehal Derek Matro, Konsehal Alexis Dones, Konsehal Sheryl Lyn Langit-Gervacio, Konsehal Ryan Mintu, Municipal Administrator Luisito Dela Cruz, SKF President Patrick Bocalan, Konsi Kap. Anet Bocalan, at Kuya Karl Velasco.

Nakiisa rin ang mga g**o, magulang, mag-aaral, at iba’t ibang sektor ng Bayan sa layuning maging handa ang mga paaralan para sa School Year 2026–2027.



JUNE 1, 2026Kasalukuyang ginaganap ang Provincial Launching of Dengue Awareness Campaign sa Felipe Calderon Elementary S...
01/06/2026

JUNE 1, 2026
Kasalukuyang ginaganap ang Provincial Launching of Dengue Awareness Campaign sa Felipe Calderon Elementary School, kasama ang DOH Regional Director, Provincial Health Office (PHO), at mga kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Tanza.

Dumalo rin sina Konsihal Alexis Dones Konsehal Sheryl Lyn Langit-Gervacio, Konsehal Ryan Mintu, at SKF President Patrick Bocalan bilang pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa dengue.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang kaalaman ng mamamayan sa pag-iwas sa dengue at maagap na pagkilos upang maprotektahan ang bawat pamilya mula sa banta ng sakit.



JUNE 1, 2026Kasalukuyang ginaganap ang pamamahagi ng allowance para sa mga senior citizen ng Brgy. Amaya 3, Brgy. Amaya ...
01/06/2026

JUNE 1, 2026
Kasalukuyang ginaganap ang pamamahagi ng allowance para sa mga senior citizen ng Brgy. Amaya 3, Brgy. Amaya 4, at Brgy. Amaya 6 sa Amaya 6 Covered Court.

Personal na nanguna si Mayor Archangelo “SM” Matro sa pamamahagi ng benepisyo, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo at suporta ng Pamahalaang Bayan ng Tanza para sa mga lolo at lola.

Kasama rin sa aktibidad sina Konsehal Ryan Mintu, Konsehal Alexis Dones, Konsi Kap Anet Bocalan, Kuya Karl Velasco, at SKF President Patrick Bocalan. Sa programang ito, kinikilala ng lokal na pamahalaan ang mahalagang ambag ng mga senior citizen sa buong Bayan ng Tanza.



Ngayong buwan ng Hunyo, nakikiisa tayo sa pagdiriwang ng Pride Month bilang pagkilala sa karapatan at pagkakapantay-pant...
01/06/2026

Ngayong buwan ng Hunyo, nakikiisa tayo sa pagdiriwang ng Pride Month bilang pagkilala sa karapatan at pagkakapantay-pantay ng bawat isa.

Naniniwala tayo na ang bawat Tanzeño ay may puwang at may mahalagang bahagi sa ating bayan.
Kasama kayo sa ating adhikain na itaguyod ang isang Tanza na bukas para sa lahat at nagpapakita ng serbisyo at malasakit. Happy Pride Month!


Taos-puso nating binabati ang ating mga kabataang Tanzeño na nagbigay karangalan sa Bayan ng Tanza sa 12th Tirak Taekwon...
01/06/2026

Taos-puso nating binabati ang ating mga kabataang Tanzeño na nagbigay karangalan sa Bayan ng Tanza sa 12th Tirak Taekwondo International Tournament 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Pagbati sa inyo, Zoey Kheira Malonzo ng Micara Sahud Ulan, Ciana Angeli Bacalla ng Brgy. Sahud Ulan, at Maya Georgina De Peralta ng Brgy. B**a, sa inyong ipinakitang husay at determinasyon sa larangan ng Taekwondo.

Ipinagmamalaki natin ang inyong tagumpay bilang mga kinatawan ng Tanza. Kayo ay patunay na ang kabataang Tanzeño ay may kakayahang makipagsabayan at magtagumpay hindi lamang sa lokal, kundi maging sa pandaigdigang entablado.


31/05/2026
𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗛𝗨𝗦𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗭𝗘Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔.Malugod na binabati ng inyong lingkod sina Sabrina Nicole A. ...
31/05/2026

𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗛𝗨𝗦𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗭𝗘Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔.

Malugod na binabati ng inyong lingkod sina Sabrina Nicole A. Dangan, Keshley Esparcia, at April Anne S. Vertusio ng Antonio B. Del Rosario Sr. Memorial Elementary School, gayundin si Assistant Coach Melvin David Miñon, sa inyong pagkakamit ng GOLD Medal sa Softball sa Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa Agusan del Sur.

Malaki ang ating pagmamalaki sa ipinakita ninyong husay at determinasyon sa pagdadala ng karangalan hindi lamang sa inyong paaralan kundi sa buong Bayan ng Tanza. Ang inyong tagumpay ay inspirasyon sa ating kabataan. Muli, congratulations sa inyong lahat! Itaas natin ang bandera ng Tanza sa larangan ng sports at iba pang larangan ng kahusayan.


Ngayong National Flag Day, muli nating ginugunita ang katapangan at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno na nagbigay ...
28/05/2026

Ngayong National Flag Day, muli nating ginugunita ang katapangan at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno na nagbigay daan sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Mula ngayong May 28 hanggang June 12, iwagayway natin ang ating pambansang watawat bilang simbolo ng ating pagiging Pilipino at paggalang sa sakripisyong inialay para sa ating bayan.


Malugod po nating binabati ang ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, isang mahalagang okasyon na su...
27/05/2026

Malugod po nating binabati ang ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, isang mahalagang okasyon na sumisimbolo ng kanilang pananampalataya at sakripisyo.

Hangad natin na magsilbi itong paalala sa ating lahat ng kahalagahan ng malasakit at pagbibigayan sa Bayan ng Tanza. Maligayang Eid al-Adha po sa ating lahat!


Address

Bagtas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alexis B. Dones posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share