30/06/2026
๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐?
Levitico 18:22 โ โโ๐ฒ๐ด๐๐ค ๐จ๐๐ถ๐ฌ๐ซ๐ค ๐ช๐๐จ๐ฆ๐ญ๐๐ค๐ฑ๐๐ฉ๐ฆ๐จ ๐ฐ๐ ๐จ๐๐ญ๐ด๐ ๐ซ๐ฆ๐ซ๐ถ๐ฌ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐จ๐ฆ; ๐ฆ๐ถ๐๐ซ ๐๐ถ ๐จ๐๐ฏ๐ฒ๐ช๐๐ฉ-๐ก๐ฒ๐ช๐๐ฉโ
Sa mahabang panahon, ito ang doktrinang ginagamit na bendisyon laban sa mga bakla. Inuusal sa pulpito, inuukit sa retablo, ipinagpaparangalan sa kanto, at liturhiyang iminamarka sa kamalayan ng maraming tao. Na ang kanilang katawan ay pagkakamali. Na ang tawag ng laman ay isang kasalanan. Na ang kanilang pag-iral ay isang paglabag sa banal na kaayusan.
Kaya maraming bakla ang lumaking natatakot sa Diyos bago pa man nila makilala ang sarili.
Na naniniwalang ang kanilang pag-ibig ay isang pagkakamali.
Na kaya maraming bakla ang umusal at umuusal na sanaโy hindi sila bakla.
Subalit paano kung taliwas talaga ang matagal na nating paulit-ulit na itinatanong?
Paano kung salungat na โ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ ๐จ๐ ๐๐๐ ๐ก๐โ ang dapat itanong, kundi โ๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ค ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ?โ
Sapagkat kung inugat natin mula sa kasaysayan, hindi naman ang mga bakla ang nagtayo ng mga sistemang nang-aapi. Hindi sila ang lumikha ng mga kaayusang nagtatakda kung sino lamang ang karapat-dapat magmahal, mabuhay, at kilalaning tao. Hindi sila ang bumuo ng mga pader ng diskriminasyon na naghahati sa banal at marumi, normal at lihis, tao at hindi tao.
At kung may galit man ang Diyos, marahil hindi ito nakatuon sa mga bakla.
Bagkus nakatuon ito sa lahat ng sistemang pilit silang pinapayukoโt sinusupil.
Dahil ang tanong ay hindi kung sino ang minamahal ng isang tao. Kundi paano natin minamahal ang ating mga kapwa at paano lumaban para sa mga ito.
๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐๐ข๐ , paano nakakagalak sa kanya ang paggamit ng kanyang pangalan upang magtanim ng hiya at takot sa puso ng isang tanong naghahanap lamang ng pagtanggap?
๐๐ญ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐๐ฒ ๐๐ฆ๐, paano Siya mananahimik habang may mga anak Siyang paulit-ulit na nadidiktahang hindi karapat-dapat mabuhay nang totoo?
Kaya ang isang kasagutan lamang, ay sa harap ng Diyos, ang dapat na makonsensiya ay ang mga taong may pusong natutong humatol nang walang habag, hindi ang mga taong natuto lamang maging tapat sa kanilang pagkatao.
Sapagkat ang mga bakla, sa kabila ng lahat, ay patuloy na tumitingala; fierce, chin-up, at plakado.
Dahil ang mga bakla, ang mga taong sa kabila ng panlilibak, ay patuloy na nagmamahal.
Sa kabila ng pagtanggi at pagkakaakit, ay patuloy na lumilikha.
๐๐ ๐ค๐๐๐ข๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ ๐ข๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ, ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐๐ง ๐๐ญ ๐ง๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐๐๐ค๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง.
Kaya naman sa bawat baklang tumitindig para sa bayan, kumakampi sa inaapi ng sistemang bulok at pahirap, at tumatangging manahimik sa harap ng kawalang-katarungan, lalo lamang nalalantad ang mga sistemang baluktot at humuhubog ng pagkapoot upang manatili sa kapangyarihan.
At marahil, iyon ang dahilan kung bakit tila galit ang Diyos.
Hindi dahil may mga baklang umiiral.
Kundi dahil may mga taong patuloy na yinuyurakan ang dignidad ng Kaniyang mga anak.
Dahil mayroon pa ring diskriminasyon. ๏ฟฝMayroon paring patriyarka.
Maroon pa ring sistemang naghahari sa mga uri.
Sapagkat sa buong kasaysayan ng pananampalataya, hindi kailanman naging kampi ang Diyos sa mga trono. Lagi Siyang matatagpuan sa piling ng mga nasa laylayan. Sa mga inuusig, tinatanggihan, at pinatatahimik.
Kaya hindi galit ang Diyos sa bakla.
๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.
Galot siya sa anumang pumipigil sa kanila โ at sa sinumang iba pa โ na mamuhay nang may dignidad, pag-asa, katarungan, at paglaya.
Ngayong muling magsasara ang pinto ng makulay na buwan, isang paalala ang dapat nating baunin: hindi nagtatapos ang pakikibaka sa pagtatapos ng Pride Month. Hindi nagwawakas ang paglaban sa huling martsa, sa huling watawat, o sa huling bahagharing ibinabandila ngayong Hunyo.
Hamon sa atin ang umibig nang may tapang, hindi lamang kapag madali kundi lalo na kapag may kapalit. Hamon sa atin ang kumampi sa inaapi, wasakin ang mga sistemang nagkakait ng dignidad, at tumangging gamitin ang pananampalataya bilang sandata ng panghuhusga.
Sapagkat kung tunay nating pinaniniwalaan ang Diyos na ipinakilala ni Kristo, ang Diyos na laging nasa piling ng mga itinataboy, kung gayon ang ating pananampalataya ay hindi dapat maging kulungan kundi kanlungan; hindi tanikala kundi paglaya.
At iyon marahil ang pinakamabuting paraan upang isabuhay ang militanteng diwa ng Diyosโmakulay, mapagpalaya, at walang takot magmahal.