CADUA UPB

Directions Contact the organization

CADUA UPB Campus Alliance for Dedicated and Unified Action (CADUA) is a homegrown service-oriented political organization from the University of the Philippines-Baguio.

CADUA (Campus Alliance for Dedicated and Unified Action) is a service-oriented political organization composed of alliances and individuals committed to actively addressing the political issues of, and rendering services to, the university and the community. Its primary goal is to promote student participation and collegiate/academic excellence or SPACE.

For the interest of the studentry: ACTION. SERVICE. DEDICATION. CADUA!

𝐔𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭, 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐀 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭)On September 26, we gathered not only to talk about boo...
02/10/2026

𝐔𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭, 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐀 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭)

On September 26, we gathered not only to talk about books, stories, and art, but to remember.

Through literature, performance, and conversations, UNGKAT 2026 revisited the works and voices that emerged during—and in response to—the Marcos dictatorship. We listened to stories that carried memory, confronted truths that must not be forgotten, and reflected on how art can become a space for resistance, remembrance, and collective action.

Because 𝗿𝗲𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀 𝗺𝗼𝗿𝗲 𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗹𝗼𝗼𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗰𝗸. It is choosing to listen to those who came before us, to understand the histories that shaped us, and to carry their stories forward.

To everyone who joined us, shared their voices, performed, listened, asked questions, and made space for these conversations—𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙞𝙨𝙖.

May the stories we unearthed continue to live beyond this gathering.

𝐍𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐚𝐠𝐚𝐢𝐧 𝐭𝐨 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐋𝐚𝐰.

𝘐𝘯 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘢𝘣𝘰𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘸𝘪𝘵𝘩:
Mt Cloud Bookshop
TABAK-Baguio
Literati




𝐊𝐀𝐃𝐔𝐀 𝐈𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 | 𝟓𝟒𝐭𝐡 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐋𝐚𝐰 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀. 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐎𝐒.Sa ika-54 na anibersaryo ng dekla...
28/09/2026

𝐊𝐀𝐃𝐔𝐀 𝐈𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 | 𝟓𝟒𝐭𝐡 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐋𝐚𝐰 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀. 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐎𝐒.

Sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, nakilahok ang mga miyembro ng 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗗𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗻𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗔𝗗𝗨𝗔 𝗨𝗣𝗕) sa Panaglagip 2026 nitong Setyembre 18 at sa naganap na 54th ML Kome Martsa-Rali nitong Setyembre 21. Kasama ang mga estudyante, kabataan, youth organizations, at progresibong civil society groups na nagtipon mula Session Road hanggang Malcolm Square.

Bitbit natin ang alaala ng kasaysayan, ngunit hindi rito nagtatapos ang ating paninindigan. Sa lansangan, inilantad din ang mga usaping patuloy na kinakaharap ng mamamayan ngayon—mula sa Pax Silica, usapin ng Impeachment ni Sara Duterte, korapsyon, hanggang sa iba pang usapin ng pananagutan at karapatan.

Ang paggunita sa Martial Law ay higit pa sa pagbabalik-tanaw. Ito ay pag-unawa sa mga aral ng nakaraan at pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan upang hindi na maulit ang mga pang-aabuso at paglabag na dapat nating matutunan mula sa kasaysayan.

Kasama ang malawak na hanay ng masang Pilipino, patuloy na nakikilahok at kumikilos ang CADUA UPB sa mga isyung kinakaharap ng mamamayan. Hindi natin hahayaang mabura ang kasaysayan, patahimikin ang ating boses, o kalimutan ang mga aral na patuloy na nagbibigay-hugis sa ating pagkilos sa kasalukuyan.

𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗬 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡!
𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡, 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡 𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗥𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗟𝗔𝗪!



𝐔𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭, 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐀 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭)This Saturday, it will be more than a cultural exchange...
26/09/2026

𝐔𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭, 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐀 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭)

This Saturday, it will be more than a cultural exchange or an open mic.

𝙄𝙩 𝙬𝙞𝙡𝙡 𝙗𝙚 𝙖 𝙣𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙤𝙛 𝙧𝙚𝙢𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧𝙞𝙣𝙜.

Through books, poems, stories, and voices, we will revisit the works that emerged from, and continue to speak about—the years of Martial Law. We will listen to the words that survived repression, remember the lives and stories that must not be forgotten, and 𝗿𝗲𝗰𝗼𝗴𝗻𝗶𝘇𝗲 𝗮𝗿𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗹𝗶𝘁𝗲𝗿𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝘀 𝘀𝗽𝗮𝗰𝗲𝘀 𝘄𝗵𝗲𝗿𝗲 𝘁𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗰𝗮𝗻 𝗲𝗻𝗱𝘂𝗿𝗲.

Join us tonight for UNGKAT: Usapang Aklat, Kwentong Mulat!

📅 September 26, 2026
⏰ 07:00 - 09:30 PM
📍 Mt Cloud Bookshop, LG 3 CM Recto Navy Base Road (Below Tulip's Inn)
🎟️ FREE ADMISSION




𝐊𝐀𝐃𝐔𝐀 𝐈𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 | 𝐎𝐫𝐲𝐞 '𝟐𝟔𝐒𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐝𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐡𝐢𝐦𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧!Nagkaisa...
25/09/2026

𝐊𝐀𝐃𝐔𝐀 𝐈𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 | 𝐎𝐫𝐲𝐞 '𝟐𝟔

𝐒𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐝𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐡𝐢𝐦𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧!

Nagkaisa para sa makabuluhan, makabayan, at makamasang paglilingod ang mga Iskolar ng Bayan sa ginanap na Mass at Special Orientation ng 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗗𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗻𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗔𝗗𝗨𝗔 𝗨𝗣𝗕) noong ika-15, ika-16, at ika-19 Setyembre, sa Abraham Sarmiento Hall at Google Meet.

Maraming salamat sa inyong pagdalo! Ang inyong presensya ay tanda ng pakikilahok at suporta sa mga kolektibong pagkilos at mga panawagan kasama ang nag-iisang 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘-𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 sa UP Baguio na dala-dala ang diwa ng aksyon, serbisyo, at dedikasyon!

‪MAKIAALAM. MAKIBAHAGI. AT MANINDIGAN.
FTIOTS! ASD!♥️🤟




𝐔𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭, 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐀 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭)This September 26, join us at Mt Cloud Bookshop for an ...
24/09/2026

𝐔𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭, 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐀 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭)

This September 26, join us at Mt Cloud Bookshop for an evening of stories, poetry, art, and conversations that remember the histories we must never forget.

As we commemorate Martial Law, we turn to literature and art as spaces of memory and resistance—bringing forward voices that endured, spoke, and created even in the face of repression.

Read. Listen. Share. Let’s keep the stories alive.

📅 September 26, 2026
⏰ 07:00 - 09:30 PM
📍 Mt Cloud Bookshop, LG 3 CM Recto Navy Base Road (Below Tulip's Inn)
🎟️ FREE ADMISSION

See you there!




𝐔𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓: 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐥𝐚𝐭, 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐥𝐚𝐭 (𝐀 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐱𝐜𝐡𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭)

This September 26, join us at Mt Cloud Bookshop for an evening of stories, poetry, art, and conversations that remember the histories we must never forget.

As we commemorate Martial Law, we turn to literature and art as spaces of memory and resistance—bringing forward voices that endured, spoke, and created even in the face of repression.

Read. Listen. Share. Let’s keep the stories alive.

📅 September 26, 2026
⏰ 07:00 - 09:30 PM
📍 Mt Cloud Bookshop, LG 3 CM Recto Navy Base Road (Below Tulip's Inn)
🎟️ FREE ADMISSION

See you there!

In collaboration with:
CADUA UPB
TABAK-Baguio
Literati




Sa paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, muling binibigyang-diin ng 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗗𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝗻𝗱 ...
21/09/2026

Sa paggunita sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, muling binibigyang-diin ng 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗗𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗻𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗔𝗗𝗨𝗔 𝗨𝗣𝗕) na hindi kailanman dapat burahin, baluktutin, o pagtakpan ang madilim na kabanatang ito ng ating kasaysayan. Sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr., ang ipinangakong “kaayusan at kapayapaan” ay naging tabing sa isang rehimen na dumakmal ng kapangyarihan, sumupil sa kalayaan, at lumabag sa mga karapatang pantao. Ipinasara at ikinontrol ang midya, dinakip at nakaranas ng tortyur ang mga kritiko at aktibista, at may mga desaparecidos pa rin na hinahanap ng kani-kanilang mga pamilya kahit na ilang dekada na ang lumipas. Sa halip na protektahan ang mamamayang Pilipino, ginamit ang makinarya ng estado upang patahimikin ang mga kumakalaban at kumukuwestiyon sa rehimen. Kasabay nito, naging instrumento rin ang diktadura sa pagkakamkam ng kapangyarihan at yaman ng pamilyang Marcos at kanilang mga ka-alyado, habang ang mga ordinaryong Pilipino ay patuloy na nagdusa sa epekto ng korapsyon, pang-aabuso, at krisis pang-ekonomiya.

𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗟𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗴𝘀𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗸𝘁𝗮𝗱𝘂𝗿𝗮.

Iniwan din nito ang mga pamilyang patuloy na naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay, mga patuloy na humihingi ng katarungan, at isang bansang patuloy na humaharap sa epekto ng korapsyon, pag-aabuso sa kapangyarihan, at pagkakait sa mamamayan ng kanilang mga karapatan.

Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Sa gitna ng mga isyu at imbestigasyon kaugnay ng mga flood control projects, muling lumilitaw ang problema ng korapsyon sa paggamit ng pondo ng bayan. Habang bilyun-bilyong piso ang inilalaan para sa mga proyektong dapat sana ay magsisilbing proteksyon sa mga Pilipino laban sa baha, marami pa rin ang nagtatanong kung saan napupunta ang pera ng bayan at kung sino ang tunay na nakikinabang dito. Hindi katanggap-tanggap na may mga Pilipinong nalulubog sa baha habang ang pondong inilaan para sa kanilang kaligtasan ay nasasangkot sa korapsiyon. Ang pondo ng bayan ay para sa bayan at hindi para sa bulsa ng mga tiwali. Hindi natin hahayaang maging normal ang ganitong kalakaran kung saan ang mga nasa kapangyarihan ay patuloy na nakikinabang habang ang mga normal na mamamayan ang nagdurusa dahil sa inkompetensiya ng mga nakaluklok.

Hindi dapat maging instrumento ang paglimot upang burahin ang patuloy na hinahanap na pananagutan. Sa pag-alala ng Martial Law ay hindi lamang basta-basta ang naiwan na aral ang ating kailangang tandaan datapwat ito ay dapat maging isang kaalaman sa bawat isa kung bakit mahalaga ang malayang pamamahayag, kalayaan sa pagpapahayag, at isang pamahalaang naglilingkod sa mamamayan.

Kaya naman, nananawagan ang CADUA UPB at bilang mga kabataan at mag-aaral sa sambayanang Pilipino na huwag manahimik at huwag makalimot. Hindi natin hahayaang mabura sa kasaysayan ang mga krimen ng Martial Law at hindi rin natin hahayaang maulit ang kultura ng korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan sa kasalukuyan. 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻, 𝗵𝘂𝘀𝘁𝗶𝘀𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗸𝘁𝗶𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝗮𝗮𝗯𝘂𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻. Hindi tayo titigil sa paghahabol at paniningil sa mga nagkasala at kumamkam sa kaban ng bayan. Hindi natin papayagang ang kasinungalingan at pagtatakip-sala ang mananaig. Mananatili tayong mga bantay ng kasaysayan at patuloy na lalaban para sa isang lipunang may tunay na pananagutan, kalayaan, at hustisya.

𝐒𝐀𝐀𝐍 𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐍𝐄𝐍. 𝐒𝐀𝐀𝐍 𝐓𝐎 𝐏𝐔𝐋𝐎𝐒𝐄𝐍.
𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙆𝘼𝙈𝙄 𝙈𝘼𝙆𝘼𝙇𝙄𝙇𝙄𝙈𝙊𝙏, 𝙋𝘼𝙉𝘼𝙂𝙐𝙏𝙄𝙉 𝙇𝘼𝙃𝘼𝙏 𝙉𝙂 𝙆𝙐𝙍𝘼𝙆𝙊𝙏!



𝟓𝟎+ 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐈𝐍 𝐔𝐏 𝐁𝐀𝐆𝐔𝐈𝐎 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐒𝐓𝐒!𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐌𝐀𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐈: 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐋𝐀𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐊𝐓𝐈𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒 𝐌𝐈𝐋𝐈𝐓𝐀𝐑Limampu't ...
21/09/2026

𝟓𝟎+ 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐈𝐍 𝐔𝐏 𝐁𝐀𝐆𝐔𝐈𝐎 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐒𝐓𝐒!

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐌𝐀𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐈: 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐋𝐀𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐊𝐓𝐈𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒 𝐌𝐈𝐋𝐈𝐓𝐀𝐑

Limampu't apat na taon na ang nakalipas, sinubukan ng isang Marcos na patahimikin ang bansa. Nabigo siya dahil sa mga nagmartsa, nagkanlong, nagsulat, tumindig sa barikada, at hindi bumalik. Ngayon, sa ilalim ng isa pang Marcos, tinatanong tayo kung natuto tayo.

Kami ay hindi lamang umaaalala. Kami rin ay nangangako—na hindi na muli naming papayagang isulat ang kasaysayan ng bansang ito sa pirma ng dayuhan at sa dugo ng mamamayan.

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐌𝐀𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐈.
𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘. 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐀𝐘 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍

250+ ORGANIZATIONS, THOUSANDS OF YOUTH, UNITED IN SAYING: NO TO PAX SILICA! ✊🏽In its 49th year, the League of Filipino S...
20/09/2026

250+ ORGANIZATIONS, THOUSANDS OF YOUTH, UNITED IN SAYING: NO TO PAX SILICA! ✊🏽

In its 49th year, the League of Filipino Students, joined by more than 250 youth organizations across the entire Philippines, declare a broad, united movement against Pax Silica. The youth will take the streets and shut down Pax Silica! ❤️‍🔥

Tomorrow, September 21, Gen Z will be there, registering our calls to STOP PAX SILICA and END U.S. IMPERIALIST WAR AND PLUNDER!

Join the Martial Law Commemoration protest! Join our coordination group chat: https://bit.ly/21_MARTIAL_LAW_COMMEMORATION

The fight will not end there. In November, the Filipino youth pledges to unite in greater numbers to make it clear that WAR CRIMINAL DONALD TRUMP is not welcome in our land, and that we will not allow Pax Silica to push through!

MORE THAN 100 YOUTH ORGANIZATIONS ACROSS BAGUIO-BENGUET JOIN OUR CALL: WALANG MAKAKALIMOT! WALANG MATATAHIMIK!WALANG MAK...
20/09/2026

MORE THAN 100 YOUTH ORGANIZATIONS ACROSS BAGUIO-BENGUET JOIN OUR CALL: WALANG MAKAKALIMOT! WALANG MATATAHIMIK!

WALANG MAKAKALIMOT!

54 taon na ang lumipas mula nang ideklara ang Batas Militar ni Ferdinand Marcos Sr. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa tapos ang laban. Nagbabago man ang mga pangalan at mukha sa poder, nananatili ang sistemang nagpapayaman sa iilan habang lalong nagpapahirap sa nakararami.

Isang taon na mula nang mabunyag ang flood control scandal, ngunit iilan pa lamang ang napapanagot at hindi pa nasasangkot sa pananagutan ang mga malalaking pating sa likod ng maanomalyang mga proyekto. Patuloy ang pagbaha. Patuloy ang pagnanakaw. Umabot sa ₱7.2 trilyon ang panukalang pambansang badyet, ngunit kinakaltasan ang pondo para sa edukasyon habang ₱107.4 bilyon ang muling inilaan para sa flood control.

WALANG MATATAHIMIK!

Habang kinakapos ang mga paaralan at serbisyong panlipunan, lalo namang binubuksan ng Pax Silica ang ating lupa, tubig, at likas na yaman para sa interes ng dayuhang kapital. Ginagamit ang pondo ng bayan upang payamanin ang iilan. Ipinapasa sa dayuhan ang yaman ng bayan habang ipinapasan sa mamamayan ang bigat ng krisis.

Sa Setyembre 21, muling pupunuin ng kabataan ng Baguio-Benguet ang mga lansangan. Sama-sama nating singilin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan, lumaban sa panunupil, at ipagtanggol ang kinabukasang patuloy nilang kinakamkam.

Hindi kami papayag na nakawin ang kaban ng bayan, likas na yaman, at aming kinabukasan!

SIGNATORIES:

1. SLU KASAMA/SSC SEA ASSEMBLY
2. Prime Movers Society
3. SLU SSC - STELA Assembly
4. The Buttress
5. DASIG
6. Campus Alliance for Dedicated and Unified Action (CADUA UPB)
7. KASAMA/SSC SONAHBS Assembly
8. League of Environmental Advocates and Defenders (LEAD) Philippines
9. Innabuyog-Gabriela Youth SLU
10. SLU STELA-Repertory
11. SLU White & Blue
12. UPB Sociology Guild
13. SLU Stellaris
14. Build Youth - Baguio City
15. Anakbayan SLU
16. RIGHTS SLU
17. Political Science Academic Society
18. SLU Daily Dose
19. Psyche Society
20. SLU Commission on Elections
21. ACS UPB
22. SLU KASAMA/SSC Executive Committee
23. College Editors Guild of the Philippines Cordillera
24. League of Filipino Students - UP Baguio
25. Samahang Mag-aaral ng Nursing
26. Benguet State University Supreme Student Government
27. The Flame
28. League of Filipino Students - SLU
29. SLU - Society of Integrated Commercians for Academic Progress
30. Anakbayan SEA - SLU
31. SCHEMA
32. School of Engineering and Architecture Performing Arts Group
33. UP Baguio University Student Council
34. Association of Law Students of the Philippines - North Luzon
35. SLU KASAMA SSC SOL Assembly
36. KASAMA/SSC SAMCIS Assembly
37. REPORMA-ACS
38. Discipuli Legis Universitatis Sancti Aloysii
39. Bahaghari Metro Baguio
40. SIBOL UB
41. Medical Radiologic Technology Society
42. Router
43. Anakbayan University of the Cordilleras
44. Innabuyog - Gabriela Youth UC
45. Kalasag UC
46. UPB USC College of Science Committee
47. The Mountain Collegian
48. SUMIKOM
49. Anakbayan UP Baguio
50. TABAK Baguio
51. UPB Philosophy Circle
52. UP LAKAN Baguio
53. UP Integrated Students in Psychology (UP ISIP)
54. Sigma Delta Pi Sorority
55. Sigma Kappa Pi Fraternity
56. UPB Obra
57. Society of Medical Laboratory Scientists
58. Philippine Society of Medical Technology Students
59. Bahaghari - UPB
60. UP Organization of Novo Ecijanos Baguio
61. UP Sigma Beta Sorority Baguio Chapter
62. UC CAS - CSC
63. Alliance of Women Researchers for Original Research and Advancement (AURORA)
64. Agham Youth UPB
65. UP BALAI
66. UP Baguio Council of Leaders
67. UP Baguio Beta Sigma Ladies Corps
68. UP Baguio Beta Sigma Fraternity
69. IGY UPB
70. [email protected]
71. UP Samahan ng mga Iskolar ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (UP SIKAT)
72. UP Subol Society Baguio Chapter
73. UP BUSOG
74. UP Math-Physics Society
75. UP Baguio Mountaineers
76. The Apothecaries’ Society
77. Association of Pre-Law Students University of the Philippines Baguio (APLS-UPB)
78. The National Union of Students of the Philippines Cordillera
79. Anakbayan Metro Baguio
80. Kabataan Partylist Cordillera
81. League of Filipino Students Baguio-Benguet
82. Progressive Igorots for Social Action
83. BAHAGHARI SLU
84. Innabuyog Gabriela Youth Metro Baguio
85. The Anthropology Organization
86. Anakbayan UB
87. Tindig Partylist UB
88. UBRise Network
89. League of Filipino Students Benguet State University
90. Kabataan Partylist La Trinidad
91. Philippine Nursing Students Association Cordillera
92. UP NAMNAMA - Baguio
93. SLU Communication Society
94. UP Kalipunan ng mga Mag-aaral sa Kasaysayan (UP KAMALAYAN)
95. UPB Tinig Amianan
96. Sulong Likha
97. Arkiw
98. Kimat Collective
99. Cordilleran Youth Center
100. Kasiyana - Tulong Kabataan
101. UP Artists Circle
102. The Management Economics Society


Address

Baguio City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CADUA UPB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CADUA UPB:

Shortcuts

Share