06/08/2026
πππ£-π£π‘π£, πͺππππ‘π π£π¨π¦π’! π ππππππ§ π°π΄ π‘π π’π₯ππ¦ π‘ππ‘π πππ‘ππππ£ππ§ ππ‘π π‘ππππ¨ππ¨ππ¦ππ‘π π£ππ πππ¬π!
Lubos na kinukundena ng Anakbayan Metro Baguio ang hayagang brutalidad at kawalang puso ng AFP at PNP sa Abra. Sa halip na pairalin ang paggalang at makataong pagtrato sa mga naulila, ang kanilang ipinapakita ay panggigipit, pananakot, at pagpapahirap sa mga pamilyang nagluluksa ng mahal sa buhay.
Lampas 48 oras na, hindi pa rin nakikita ng mga pamilya ang labi ng kanilang mga kaanak. Ayon sa ulat, pinapirma na kaninang 5:56 PM ang ina ni Eugene Hilaus sa mga turnover papers, ngunit hanggang 10:00 PM ay hindi pa rin naibibigay ang katawan. Idinadahilan pa ang mabigat na decomposition ng bangkay, samantalang malinaw na ang pagkaantala ay lalo lamang nagpapahirap sa pamilya at sa mga nag-aasikaso sa kanila. Sa pahayag ng CHRA at IHRA humanitarian team, maging ang mga embalmer sa punerarya ay nahirapang magtrabaho at nagsusuka na dahil sa matinding pagkabulok ng katawan-- isang malinaw na patunay ng walang habas na paghawak ng AFP sa mga labi.
Mas lalo pang nakakagalit na ang mga nagluluksa nang pamilya ay pinilit pang magmakaawa, dumaan sa intimidasyon at harasment, at sumunod sa sunod-sunod na rekisitos bago pa mapirmahan ang turnover documents. Kahit may dala nang ID, birth certificate, at iba pang patunay ang ina, hiningan pa sila ng mga dokumentong labis at hindi makatao. Mas grabe pa, nirequire pa ang DNA testing na hindi naman pangkaraniwang praktis sa ganitong sitwasyon. Sa ganitong mga paraan, para na ring ginawa nilang bihag ang bangkay ng mga nasawi.
Ganito rin ang dinaranas ngayon ng ina ni Enrique Dayandanteβmatanda na, pagod na, at binubusisi pa ng kung ano-anong papeles, swab test, at DNA test. Ito ay hindi simpleng kapabayaan. Ito ay tahasang paglabag sa IHL, sa pagrespeto sa patay, at sa karapatan ng kanilang mga pamilya sa maayos na paglibing.
Ipanawagan ang agarang pag-turnover ng mga labi. Singilin ang AFP-PNP sa kanilang kawalang-puso. At ilantad na ang ganitong pag-antala at pagwawalang-bahala ay maaaring bahagi ng sinasadyang cover-up sa tunay na nangyari sa mga nasawi.